Francine Prieto laughs off comments about her being "obese"

"Kung obese na ‘ko, ano pa kaya ang tawag mo dun sa talagangobese, di ba?" says Francine Prieto.



Marami ang nakapansin sa "paglaki" ni Francine Prieto nungnakaraang Blackout: Bench Denim & Underwear Show noong July 25.Maraming panlalait tuloy ang narinig mula sa mga nanonood ng biennial fashionshow patungkol sa lakas ng loob ni Francine na rumampa pa rin, suotang Bench undergarments, sa kabila ng obvious na pagkataba nito.

May mga nagsabi pang obese na raw ang sexy comedienne.Ikinatawa na lang ito ni Francine nang iungkat sa kanya ng Showbiz Centralang naturang isyu. Sagot ni Francine, "Kung obese na ‘ko, ano pa kaya angtawag mo dun sa talagang obese, di ba?"

Aminado naman ang dalaga na nag-gain talaga siya ng weight.

"Aminado naman ako na nag-gain talaga ako ng weight dahil sastress mula last year pa. Ako naman, okey lang sa akin ‘yun [panlalait].Opinion nila yun. Pero kung ako, obese, ang lakas naman ng loob ko paralumabas pa ro'n.

"Sobrang thankful nga ako sa Bench dahil kahit nag-gain akong weight, hindi naging reason yun para hindi na ako mag-endorse ng productnila. Siyempre, kasama ako sa fashion show nila. Ibig sabihin lang nun,hindi mo naman kailangang maging skinny or anorexic para ka makapagsuot ngBench underwear.

"Pero kumbaga, kahit full-bodied ka at kahit medyo may lamanka, puwede ka pa rin magsuot nun."

Nakadagdag ba ng pressure sa kanya ngayon yung marami ang nagsasabisa kanya, especially after ng fashion show, na magpapayat na nga siya?

"Actually, hindi ako pressured ngayon. Alam ko naman sasarili ko, kasi, kung magpapaapekto pa ako ro'n, sa mga sasabihin nila, di ba? Ano lang, malulungkot lang ako, baka mapakain ulit ako."

At taliwas nga raw sa mga nang-iintriga sa kanya, verydetermined naman daw si Francine na mag-reduce.

"More than one month na akong nagte-tennis, nagwo-work-out,nagdya-jogging. Well, abangan nila sa mga susunod na fashion show ngBench...hindi matatapos ang taong ito na... Basta makikita n'yo na babalik ako sadati. Basta, surprise na lang!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN