"Torotot" to compete in Brussels International Independent Film Festival

Viva Films' Torotot, starring Maui Taylor, Precious Adona, Baron Gesiler, and Yul Servo will be competing in the 35th Brussels International Independent Film Festival.



Viva Films' Torotot will compete in the 35th Brussels International Independent Film Festival.

Dalawa ang ibinigay na director's cut ng Viva Films for its upcoming movie Torotot (Des Tierro) na idinirek ni Maryo J. de los Reyes mula sa panulat ni Jun Lana. Ang una ay noong isang linggo sa MyCinema ng Greenbelt 3, kung saan nanood din ang General Director ng Brussels International Independent Film Festival (BIIFF) na si Mr. Robert Malengreau.

Mr. Malengreau is a champion of Filipino films and the said international film festival has been a showcase of some of the best Filipino movies through the years.

Dalawang beses nang nanalo si Yul Servo sa Brussels for Best Actor—for Batang Westside and Naglalayag. Nabigyan ng parangal as Best Ensemble Actor noon sina Dolphy, Eric Quizon, and Epi Quizon for Markova. Nakakuha na rin ng Best Actress awards sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, at Nora Aunor for their respective movies Dekada ‘70, Crying Ladies, and Naglalayag.

Dahil ang Naglalayag ay idinirek ni Direk Maryo, na nanalo rin ng Special Jury Prize for his contribution in the world cinema in its 31st festival noong 2004, nagtanong si Mr. Malengreau kung may bago siyang pelikula. Nagkataon namang katatapos lang ng direktor ng Torotot, so he was invited sa first director's-cut screening.

Nagustuhan ni Mr. Malengreau ang Torotot—which is about double adultery starring Yul, Maui Taylor, Baron Geisler, and Precious Adona—kung kaya't nagtanong ang festival director kay Direk Maryo kung malalagyan ba ito agad ng subtitle. After assuring that this could be done, all is set.

August 1, nakatanggap na ng official invitation ang Torotot sa 35th Festival International du Film Independent na gaganapin sa Brussels, Belgium from November 4 to 9. Si Yul ang nakatakdang pumunta sa festival dahil may isa pa siyang independent movie na tinanggap sa filmfest.

In the official website of BIIFF, listed din ang Foster Child na kapapanalo lang din ng Best Film and Best Actress for Cherry Pie Picache sa 29th Durban International Film Festival sa South Africa. Closing movie sa Brussels International Film Festival ang Foster Child, na official selection din sa out competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipalalabas pa lang ang Torotot this August 20 after its second director's cut this Saturday, August 9, sa UP Film Institute, kung saan dadalo ang mga artista sa pelikula.

May R-13 version na ang movie dahil approved na rin ito for showing in SM Cinemas na hindi nagpapalabas ng R-18 movies.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN