Director Maryo J. de los Reyes changes his mind about not directing TV remakes of his past movies

"Ngayon ko na-realize nanggawin ko na itong Magdusa Ka, na mas mapagaganda mo pa pala at marami ka pangmagagawa sa mga pelikulang nagawa mo na dahil mas mahaba ang time schedule ngpagpapalabas nito. Bahala na lang ang writer kung paano niya mas pagagandahinang dating script," says director Maryo J. de los Reyes about directing remakes of his past movies.



Kung dati ay sinabi ni Direk Maryo J. de los Reyes na ayawniyang idirek ulit ang mga pelikulang ginawa niya na isasalin sa TV, nagbago naang pananaw niya ngayon.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si DirekMaryo sa presscon ng pelikulang Torotot ng Viva Films at Production 56 sa JayJ's Steak House sa Timog Ave., Quezon City noong August 4. Natanong sa kanya kung ano ang susunod niyangproject sa GMA-7 pagkatapos ng idinidirek niya ngayong high-rating afternoonsoap na Magdusa Ka nina Katrina Halili at Dennis Trillo.

"Meron daw, pero hindi ko pa alam kung ano," sagotni Direk Maryo. May two taping days pa ako sa Magdusa Ka, pero mapapanood paito hanggang last week of August."

Nakuha na rin daw ng GMA Network ang rights sa isang moviena idinirek ni Direk Maryo, ito ay ang Kaya Kong Abutin Ang Langit noong 1986na pinagbidahan ni Maricel Soriano. Kaya lang, hindi ba't ayaw niyang idirekang mga dating pelikulang ginawa niya?

"Hindi na, nabago na ang pananaw ko doon,"nakangiting sabi ng award-winning director. "Ngayon ko na-realize nanggawin ko na itong Magdusa Ka, na mas mapagaganda mo pa pala at marami ka pangmagagawa sa mga pelikulang nagawa mo na dahil mas mahaba ang time schedule ngpagpapalabas nito. Bahala na lang ang writer kung paano niya mas pagagandahinang dating script.

"May isa nga akong gustong mai-remake, ang My OtherWoman na ginawa ko in 1988, with Christopher de Leon, Alice Dixson, and LaniMercado. Ipinaglaban pa namin kay Mother Lily na gusto namin si Lani anggumanap, dahil ayaw niya noon. Hindi naman kami nabigo dahil mahusay nangaktres si Lani kahit bata pa siya noon at ikinatuwa na rin ni Mother Lily. Kaya lang, mahirap itong gawin sa afternoondrama dahil sa tema."

OFF TO BRUSSELS. Masaya ring ibinalita ni Direk Maryo na aalis sila ni YulServo for the 35th Brussels International Independent Film Festival sa November4 to 9 dahil in competition doon ang Torotot. Ito ang ikalawang pagkakataon na napili ang pelikula ni DirekMaryo to compete in the said film festival, nauna rito ang Naglalayag noong2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat si Direk Maryo kay Mr. Jackie Atienza ng FilmDevelopment Council of the Philippines na siyang magbabayad ng kanilangair fare. Ang festival committee, through its general director, Mr. RobertMalengreau, naman ang magso-shoulder ng kanilang full accommodation sa Brussels.

Kinumusta rin ng PEP kay Direk Maryo ang kanyang mga artistasa Torotot, lalo na sina Maui Taylor, Baron Geisler, at ang baguhang siPrecious Adona, na contract artist ng Viva Artist Agency.

"Pasado si Precious as a newcomer at bibigyan ko siyang grade na 85," nakangiting pahayag ni Direk Maryo. "Si Maui, puwedekong bigyan ng grade na 90. Hindi pa lang sila masyadong nahahasa sa acting.Sabi ko sa kanila, ibigay na nila sa rehearsal pa lamang ang lahat ng kaya nilapara madali na ang actual take, less effort at oras pa.

"Sa mga lalaki, hindi ako masyadong nahirapan, lalo nasi Yul, na ako pa ang nagugulat sa husay na ipinakikita niya sa bawat eksenanggawin niya. Mahusay na siya talaga kahit sa mga pelikulang napapanood ko nahindi ako ang direktor niya.

"Si Baron, may ouido siya. Kung ano ang nakikita mo sakanya, kailangang kunin mo na agad. May background na kasi siya sa theater,pero kailangan mo pa rin siyang alalayan at lalong lalabas ang husayniya."

Tinawanan na lang ni Direk Maryo ang lumabas na balita noonna inaway raw niya si Baron habang nagsu-shooting pa sila ng Torotot.

"Hindi totoo ‘yon. Part ‘yon ng eksena na ipinagagawako sa kanya," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN