Basketeer-TV host Chris Tiu hosts another show in GMA-7; says no to acting

Ateneo Blue Eagles star player Chris Tiu will host Ripley's Believe It Or Not in GMA-7, in addition to Pinoy Records which he co-hosts with Manny Pacquiao.



HanggangAugust 15 na lang ang Kung Ako Ikaw,ang comedy-reality show ng GMA-7 na hinu-host nina Joey Marquezat Keempee deLeon. Simula sa August 18, iba't ibang shows na ang papalit satimeslot na iiwan ng Kung Ako Ikaw.

Magpa-pilot na rin agad sa August 18, Monday, ang Ripley'sBelieve it Or Not to be hosted by Chris Tiu. Sa August 19,Tuesday, ang simula ng World Records to hosted by Paolo Contis.Magpa-pilot naman sa August 20, Wednesday, ang Masquerade to be hosted by Ariel & Maverick.

Tuwang-tuwa ang fans ng basketeer turned TV host na si ChrisTiu dahil sa dalawang shows na siya mapapanood. Tuloy pa rin ang Pinoy Recordsnila ni Manny Pacquiao na every Saturday naman ang airing sa GMA-7 din.

Kung may enough time lang si Chris, mas marami pa siyang TVshows. May offer sakanya ang TV5 at Studio 23, pero hindi niya natanggap sakakulangan ng oras. Nalula nga ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa litanya ng manager ng binata at kapwa niya Atenean na si Noel Ferrer kungsaan busy ang kanyang talent.

Bukod sa TV, star athelete ito at team captain pa ng BlueEagles ng Ateneo de Manila, na number one sa ranking sa ongoing UAAP. Honorstudent, successful entrepreneur, at barangay kagawad din si Chris.

No wonder, very proud kay Chris ang pamilya at mga kaibigan.Balak din niyang magtayo ng foundation para magkaroon ng scholars.

Walang balak sa ngayong mag-artista si Chris dahil hindi rawniya kaya ang maghintay sa shooting at taping. Bagay sana sa kanya ang role ngisa sa two leading men ng isang upcoming movie project na pagbibidahan ni Rhian Ramos.Kaso, ayaw raw talagang mag-artista ni Chris.

RETURN OF TWO SHOWS. Samantala,kasama rin sa mga aabangang shows sa GMA-7 ang pagbabalik ng Tok!Tok! Tok! Isang Milyon Pasok.Si PaoloBediones pa rin ang host nito kasama ang SexBomb.

Sa August 24, Sunday, na ang pilot nito at mas matitindingchallenges ang haharapin ng magiging contestants at baka pati bayawak ay kaininna! Habang wala pa ang Survivor Philippines na sa September paeere, sa Tok! Tok! Tok! muna mapapanood si Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Season 2 ng Celebrity Duetsnaman ang papalit sa Pinoy Idol, na magtatapos na sa August 17. SinaRegine Velasquez at Ogie Alcasid pa rin ang hosts nito.

Gaya sa Season 1, may iba't ibang trabaho rin ang napilingmaging contestants sa Celebrity Duets 2. Hindi pa final ang listahan ng celebritiesna sasali, pero pasok na ang isang controversial at sikat na beauty queen at isangmagaling na designer. Isang editor ng glossy magazine ang hanggang ngayon aykinukumbinseng sumali.

Sa beauty queen pa lang, siguradong solb na ang panonood ngmga viewers sa Celebrity Duets. Siguradong hindi lang music, kundilaughter ang ibibigay nito sa mga manonood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN