Actress turned councilor Maricel Morales solely supports her kids by ex-husband Ace Espinosa

"Asfar as I know, kahit na hiwalay kami, wala namang problema, I go my way, he goeshis way. Minsan inimbitahan ko siyang pumarito sa amin, hindi sumagot. Simulanoon, wala na akong balita sa kanya, nawalasiyang parang bula," says Maricel Morales about ex-husband Ace Espinosa.



Halatang high na high ang aktres at former Mutya ng Pilipinas na si Maricel Morales kapag angtopic ng usapan ay ang kanyang position bilang konsehal ng Angeles City. Nahalal nga kasi si Maricel bilang isa sa mga nangungunang konsehala sa siyudadsa Pampanga. Pero sa likod ng kanyang matatamis na ngiti ay andoon angpakipagtunggali sa bagong larangan niyang ginagalawan.


"Mahirap na madali, I am having fun while with my job as a city councilor.Mahirap dahil kailangan kong lampasan ang maraming intriga sa kagustuhan kongmakapaglingkod sa mga kababayan ko. Madali namam dahil hanggangngayon, heto pa rin ako, hindi puwedeng matigatig at hindi akonakakayang talunin ng mga detractors ko," makahulugang sabi ni Maricel sapanayam sa kanya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa grand opening ng Royal Garden Golf Club na sakop ng Angeles City.Isa si Maricel Morales sa mga piling panauhin sa opening ng naturang golf club.


Isa si Maricel sa mga artista na pumasok at pinalad sa larangan ng pulitika atisa siya ngayon sa maraming kasamahan niya sa industrya na nakikibaka sa bagonglarangan niyang ginagalawan. When asked kung paano niyang ikukumpara angshowbiz at pulitika, sinabi ng actress-politician na magkaiba naman ang showbizang mga ito.

"Pero kung minsan, parang pareho talaga. Although sapulitika, kailangan mo talaga ng commitment, kailangan yung tunay na ikaw, yungmaglilingkod ka sa tao nang buong-puso dahil madaling makita ng mga tao yungtunay na ikaw. Iba rin sa showbiz, although parang ganoon din. Ang bentahe kolang, artista ako nang matagal na at talagang nasanay ako sa maraming intriga.Kumbaga, I got used with all kinds of intrigues kaya kahit na gaano kabigat payung sa pulitika, kinakaya ko," saad niya.


May personal conviction din sa Maricel sa kanyang bagong posisyon bilangkonsehala. Aniya, wala na sa kanya yung kung siya ay maka-administrasyon okontra rito. Mas mahalaga raw ay nagseserbisyo siya at yung politicalaffiliation niya ay tag na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I serve because I am elected. Nung halaan, kasali ako saadmistrasyon. But now that I am elected, nagseserbisyo ako sa lahat," aniya.


NO SUPPORT FROM EX-HUSBAND. Si Maricel ay ikinasal sa dating action star na si Ace Espinosa. Nagkaroon silang dalawang supling bago sila naghiwalay apat na taon na ang nakararaan. Kungtutuusin, si Maricel ay isang single parent dahil siya ang sumusuporta sadalawang anak nila ni Ace. Parehong school age ang mga bata at mag-isangkinakaya ni Maricel ang pag-aaruga sa mga anak niya.

When asked kung ano ang suportang ibinibigay ng dating asawa para sapangangailangan ng mga anak, malungkot na sinabi nitong wala na siyang balitakay Ace. Bigla raw itong hindi na lang nakipag-communicate sa kanya at sa mgaanak nila't ito ay labis niyang ipinagtataka.

"I don't know. Asfar as I know, kahit na hiwalay kami, wala namang problema, I go my way, he goeshis way. Minsan inimbitahan ko siyang pumarito sa amin, hindi sumagot. Simulanoon, wala na akong balita sa kanya, nawalasiyang parang bula," malungkot na lahad ni Maricel.


Mula pa raw ng Enero this year, wala na siyang balita pa sa dating asawa.

Paano niya binubuhay ang pamilya kung ganyang solo lang pa siyangnagpupunyagi para sa mga anak.

"God provides, hindi rin ako nagpapabaya. May kauntingnegosyo, that keeps us going beautifully. Siguro yung dedication ko sa mga anakko, yun talaga ang nagpapalakas sa akin para buhayin sila nang marangal."


Hindi ba nakatutulong yung sahod niya bilang konsehala?


Napatawa lang si Maricel sa tinuran namin. "Halos wala na yun, ang staff ko angnamahala at lahat yun, talagang napupunta sa public service ko. Basta yung parasa pamilya ko, sarili kong kayod. Salamat nga sa Diyos, may napapagkunan namanako."


Artista siya, hindi ba niya balak na balikan ang kanyang propesyon?


"Hindi ko naman iniwanan, dahil occasionally, lumalabas pa rin ako. Di ba,kasali ako sa isang teleserye ng Siete dati and I am expecting one very soon.Artista po ako, kahit na nasa pulitika ako," pagwawakas niMaricel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN