Former PBB teen housemate Mikee Lee shows his dark side in TV5's "Lip Gloss"

"Ipinakita ko lang na hindi akodapat ma-stuck lang sa goody-goody roles. Ipinakita ko yung bad side ko incharacterization sa auditions, kaya pumasa ako," says Mikee Lee about his role in Lip Gloss, one of the new shows on TV5.



Si Mikee Lee pala talaga ang nag-insist na bad boy role angmapunta sa kanya sa youth-oriented series ng TV5, ang Lip Gloss. Ang isa sa Big 4 ng naunang Pinoy BigBrother (PBB) Teen Edition ng ABS-CBN, mas mukhang nabibigyan si Mikeeng pagkakataon sa bagong pinalakas na Singko.

"Nag-audition pa ako para sa role," sabi ni Mikeesa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ipinakita ko lang na hindi akodapat ma-stuck lang sa goody-goody roles. Ipinakita ko yung bad side ko incharacterization sa auditions, kaya pumasa ako.

"At this point, hindi ko naiisip na mata-typecast ako.Kasi yung projection ko sa PBB noon, may pagka-nerd, matalino, straight guy.It's time to do the exact opposite, para ma-balance naman natin.

"Itong Lip Gloss kasi, puro dark characters. Ipapakitarito yung darker side ng youth, which is the more realistic part, hindi lahatng goody-goody at wholesome part ng kabataan. Kaya it's about time na ipakitarin natin yun, kasi, part yun ng what's really happening among young peopletoday," sabi ni Mikee nang makusap namin siya sa launch ng TV5 last August 7, Thursday, sa C3 Events Place, Greenhills, San Juan City.

Marami kasi ang nangangambang baka puro kanegahan ng mgakabataan ang mapanood sa bagong youth-oriented series ng TV5 atmakaapekto ito sa mga manonood.

"I think young people can learn things from thenegative," tugon ng Atenista. "Kapag nakita nila ang masama at angeffects nito, I don't think tutularan pa nila. That way, mas effective yun paraturuan ang mga kabataan sa kung ano ang tama omali, di ba?

"Yung mga magulang, kapag napanood nila ito, sasabihinnila, huwag nang gayahin dahil matutulad sila sa mga nangyayari sa characters.Yun ang gusto naming ipaalam sa mga manonood."

STILL KAPAMILYA. Ilan sa mga makakasama ni Mikee sa Lip Gloss ay ang ex-housemateniya sa PBB na si Fred Payawan, Rodjun Cruz, Kevin LapeƱa, Sam Concepcion, CheskaOrtega, at marami pang iba. Mix-up ng mga baguhan at datihan para may matutunandaw from each other, at mas magandang experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko talagang umarte," sambit ni Mikee."Kung TV5 ang magbibigay sa akin ng chance agad to do this, I don't seeany reason why I shouldn't grab it. May paalam naman ako sa ABS-CBN. I'm stilla Kapamilya.

"Hindi ko kasi iniisip yung mga status-status na dapatABS ka, or GMA, pagdating sa ganyang magandang breaks. If I can get that fromTV5, bakit hindi? Yung mga ganyang isyu, ampaw lang 'yan, pera-pera. It's morethan that.

"Sa ABS, maraming magagandang shows, at gusto ko sanangmakasama doon. But then, if they think it's not for me, gagawa na lang ako ngibang paraan. Grateful pa rin ako sa ABS-CBN, kasi kung hindi dahil sa PBBTeens, hindi ako mapapansin," sabi ni Mikee.

ON KIM & GERALD. Hindi ba siya nanghihinayang kay Kim Chiu na ka-batch niya saPBB Teen Edition na unang na-link sa kanya, pero naagaw na nang husto sa kanya ni Gerald Anderson?

"Happy ako sa kung anuman ang nangyayari sakanila," sagot ni Mikee. "Pareho silang mabait na tao. Siguro happysi Kim kay Gerald dahil mabait naman ito. Kung mahal mo ang isang tao, atnapunta ito sa mabait ding tao, masaya na rin ako. Ganoon na lang.

"Naku, akala ko nga, wala na ako sa eksena nila!May mga nagtatanong pa rin about Kim!" natatawang sabi ni Mikee.

Nasa first year college pa lang si Mikee sa Ateneo de Manilataking up Management Engineering. Hindi madaling kurso ang kinukuha ni Mikee.

"Yung mga kaeskuwela ko, sobrang ang gagaling nila.Kahit nga sinasabing from high school, okay ang performance ko, and yet,sobrang natsa-challenge pa rin ako ngayon, kasi hindi madali ang course. Neverkong na-imagine na tatapatan din ako ng iba sa klase," natatawang sabi ngAtenista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN