Emilio Garcia attributes his recognition as an actor to gay roles

"Bakit naman ako matatakot? Ako kasi, yung mga ginagawa kongtrabaho, hindi ko siya kinu-consider na kapag ginawa ko yung ganitong role, angmagiging tingin sa akin ng mga tao, ganoon na rin," replies Emilio Garcia when asked if he's not scared playing gay roles.



Last minute na halos ang naging advise na magkakaroon ngpagbabago sa venue sa ginanap na mini-press conference para saindependent digital film na Eskandalo ng Sunflower Films under the direction ofJoven Tan.

Instead na sa isang bar sa may Roxas Boulevard, sa isangroom sa Mariana Royale Motel along Roxas Blvd. din ginanap ang press conference ng Eskandalo. Nauna pa nga ang bida nito na si Emilio Garcia sa naturang motelroom na sa aming palagay ay taxi room kung tawagin.

May paliwanag naman si Emilio kung bakit doon nila naisipangmagpa-presscon. "Yung pinaka-eskandalosong eksena kasi sa Eskandalo ditoginanap, sa mismong room na ito kung kaya't para actual n'yo rin makita," sabini Emilio sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press na naimbitahan sa naturang mini-pressconlast Saturday night, August 9.

Isang bading na matagal nang nagtatago at hindimakapaglantad ang role ni Emilio sa Eskandalo. Isa siyang teacherna kung kailan nagka-edad ay saka pa naisipang sumubok na makipag-sex sa kapwaniya lalaki, played by Andrew Schimmer. Yun nga lang, first time lang niyangmagta-try ay natapat pa siya sa maliit lang ang pagkalalaki at napagtawananniya ito. Dahil dito, gumanti ang Andrew character at pinasukan naman ng marker pen ang tumbong niya.

Kuwento ni Emilio, hindi hamak daw talaga na mas daring angrole niya ngayon sa Eskandalo kumpara sa Selda, kung saan gay rin ang roleniya. Sa Selda siya nakapag-uwi dalawang Best Supporting Actor trophies fromStar Awards and Gawad Tanglaw.

"Kung sa daring, tingin ko mas daring ako rito. Although,may pagka-conservative ako dahil matanda na ako nang mag-decide akong mag-tryna first attempt pa lang nga, ganoon pa ang nangyari. May shower scene din kamirito ni Andrew at, kumbaga, mas maeeskandalo kayo sa ilang scenes!" angnatatawa niyang sabi.

Hindi natatakot si Emilio na ma-identify siya sa gay films.Katuwiran niya, "Bakit naman ako matatakot? Ako kasi, yung mga ginagawa kongtrabaho, hindi ko siya kinu-consider na kapag ginawa ko yung ganitong role, angmagiging tingin sa akin ng mga tao, ganoon na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati noon, gumagawa ko ng sexy films, puro babae naman angmga kaeksena ko, hindi naman inisip ng mga tao na ganoon ako. Hindi naman akonatsismis sa kung sinu-sinong mga babae.

"Nagkontrabida rin ako, pero kapag ba nagkontrabida ka orgumanap ka ng masama, ang magiging tingin din sa ‘yo ng manonood, masama ka inreal life? Hindi naman, di ba? So, sa akin, ganoon lang din yung pagganapng gay films. Hindi porke't gay ang role mo, bakla ka na rin in real life. Forme, trabaho lang," paliwanag ni Emilio.

Malaki nga raw ang pasasalamat ni Emilio sa mga ganitongklase ng roles dahil ibang challenge ang naibibigay sa kanya. More than a decadena raw siya sa showbiz, pero ngayong taon lang siya naparangalan bilang isangaktor.

"Malaking bagay talaga para sa akin yung pagkapanalo ko saStar Awards at sa Gawad Tanglaw. ‘Tapos ngayon, balita ko, nominated dindaw ako for Urian naman para sa pelikulang Selda pa rin.

"Para sa akin, yung award na natanggap ko, ito na yungpuwede kong ipagmalaki sa mga anak ko. Hindi man nila napapanood yung mgamovies na ginagawa ko, since most of my movies naman ay hindi puwede sa bata,yung trophy ko ang maipagmamalaki ko sa kanila hanggang sa lumaki sila."

Bukod sa tatlong award giving-bodies na kumilala sa husayniya bilang aktor, aalis si Emilio sa mismong araw ng birthday niya sa August28 para sa Montreal World Film Festival dahil kalahok dito ang Selda.

"Ang ganda, kasi birthday ko pa mismo yun. At first timekong pumunta sa festival abroad at ang maganda pa, first time din na magkaroonng entry ang Pilipinas sa World Film Festival. Ayokong mag-expect perosiyempre, kahit naman sino magwi-wish na magustuhan sa festival yung movie atmagustuhan din ang performance namin."

Bukod kay Emilio, kasama rin daw niya ang co-star niya na siSid Lucero at ang mga direktor nilang sina Paolo Villaluna at Ellen Ramos napupunta sa Montreal, Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaya ba ng Selda ay pang-award din ba performance ni Emilio saEskandalo?

"Well, hindi naman kasi ako ang makakapagsabi ng bagayna ‘yan, yung manonood. 'Tulad sa Selda, hindi ko rin ini-expect na mananalo akong award dun at mapapansin. Yung Eskandalo, ang kagandahan niya, mas commercialkasi ang movie. Pero acting-wise, iba rin, maganda rin," pagtatapos ni Emilio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN