Jolina Magdangal pays no attention to criticisms on her stint as "Pinoy Idol" judge

"Inilagay ako as one of the judges, sa palagay ko,dahil qualified ako. I won't say things about my merits, dahil may mga taonamang nakakaalam niyon, at hindi ako ang kailangang magsalita tungkol doon. Kanya-kanyarin namang opinyon 'yan. Ginagawa lang namin nina Ogie [Alcasid] at Wyngard[Tracy] ang aming trabaho," says Jolina Magdangal about her being one ofthe judges in Pinoy Idol.



Si Jolina Magdangal na siguro ang PinoyIdol judge na hinuhusgahan nang husto ng kung sinu-sino. Nakaririnigang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng kung anu-anong negatibo tungkol sakanya. Gaya ng kesyo may karapatan ba talaga si Jolens na mag-analyze ng mgakalakasan at kahinaan ng contestants, kesyo tingnan na lang daw ang nangyayarisa career niya, at ganoong mga pamumuna.

CANNOT PLEASE EVERYBODY. "Nang tanggapin ko angpagiging judge ng Pinoy Idol, alam kong maski ako, malalagay sacriticisms. Kasi, hindi ko mapi-please ang lahat. May sasabihin ang kungsinu-sino kahit ano pa ang comments ko, kayahindi ko na lang pinapansin.

"Besides, ang kapakanan ng show ang iniisip naming mgajudge, at yung mga taong naniniwala sa credibility ng Pinoy Idol. Ayawnaming masira ang reputasyon ng competition kaya maingat din kami.Pinag-aaralan naming mabuti ang judgment na ibinibigay namin," nasabi nalang ni Jolens.

Hindi na lang niya papatulan ang mga pang-ookray ng iba nakesyo siya nga raw ay kung ano lang ang narating.

"Inilagay ako as one of the judges, sa palagay ko,dahil qualified ako. I won't say things about my merits, dahil may mga taonamang nakakaalam niyon, at hindi ako ang kailangang magsalita tungkol doon. Kanya-kanyarin namang opinyon 'yan.

"Ginagawa lang namin nina Ogie [Alcasid] at Wyngard[Tracy] ang aming trabaho," sabi na lang ni Jolens.

Bago sumapit ang big night ng "Big 3" sa Linggo, sa mganakapasok—Jayann Bautista, Ram Chaves, at Gretchen Espina—itong huli ang hindi talaga pinaboranng mga hurado.

"Again, walang personalan ito," sabi pa sa amin niJolens sa backstage ng Center Stage ng SM Mall of Asia kung saan ginanap noongnakaraang Linggo ang announcement of the Big 3 finalists.

"Sabi ko nga, mayroong hindi papabor, mayroongmagkakagusto sa sinasabi namin. Pero, talagang ganoon. Sa bandang huli, yungmga tao naman ang boboto kung sino ang gusto nila.

"Nagkaisa lang talaga kami nina Ogie at Wyngard nahindi isali si Gretchen sa tatlo dahil ang pinagbabasehan naman namin ay yungperformance nila, at kung paano sila na-develop, at iba pang bagay na ginawanila para mag-improve pa sa duration ng contest."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ano ang sinabi ng mga hurado na sa palagay nila aydapat mapasama sa Big 3 at kung sino ang dapat maging Pinoy Idol,inaasahan lang nilang dapat irespeto naman yun, the same way na sa final textvoting, kung ano ang kalalabasan nito, walang magagawa ang mga hurado kunghindi ang respetuhin na lang ito.

"Inilagay lang kami riyan para mabigyan ng authorityang puwede naming sabihin tungkol sa performances ng mga contestant, and at thesame time, i-guide na rin ang text voters kung sinu-sino ang para sa amin aydapat nilang piliin.

"Pero, sa bandang huli, ang judgment pa rin nila angmagka-count through text votes. Yun ang mechanics, that's how the whole thinggoes, at lahat tayo, dapat na respetuhin ang rules na yun," nasabi na langni Jolens.

TRUSTED BY GMA-7. At least, naiibang undertaking ang PinoyIdol para kay Jolens. Kasabay nito, ang muling pag-aktibo ng movie careerniya sa pamamagitan ng pagre-release ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You)ng GMA Films kung saan isa siya sa mga bida rito.

"Isa pang nakatutuwa ay yung Dear Friend naminni Marvin [Agustin] na marami na ring nanonood," sabi pa ni Jolens."Nagbibigay kami ng advice based on problems na naisusulat ngletter-senders.

"Iba't ibang klaseng assignments at exposures angibinibigay ng GMA-7 sa akin, at wala na akongdapat ireklamo. Inaalagaan naman nila ako.

"Again, hindi mawawala ang crticisms, and I'm alwaysopen about it. At least, marami ang nagsasabing naririto pa rin naman ako,hindi nawawala, at pinagtitiwalaan pa rin ng GMA-7. I will always begrateful," sabi pa ng proud Kapuso star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN