Diana Zubiri and Iya Villania join Katrina Halili in "One Night Only"

Iya Villania (left) and Diana Zubiri (right) will take over the role originally intended for Angelica Panganiban and Roxanne Guinoo in the movie One Night Only. Angelica and Roxanne were pulled out from the project by Star Magic.



Hindi na matutupad ang gusto ni Direk Joey Reyes napagsamahin sa One Night Only ang nagseseksihang sina Katrina Halili, Roxanne Guinoo,at AngelicaPanganiban dahil pinull-out na ng Star Magic sina Roxanne atAngelica sa cast. Pero tuloy pa rin ang pelikulang entry ng OctoArts Films sa2008 Metro Manila Film Festival.

Nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sina Diana Zubiriat Iya Villania na ang kapalit nina Roxanne at Angelica sa One Night Only.Hindi pa lang alam kung kanino kina Diana at Iya mapupunta ang role na dapat aykina Angelica at Iya.

Ang hinahanap pa nina Orly Ilacad at Direk Joey ay ang ipapalitkay DietherOcampo na hindi rin pinayagang gawin ang One Night Only. SinaValerie Concepcion at Joross Gamboa ay mananatili pa rin sa cast dahil hindisila Star Magic talents kahit sa shows ng ABS-CBN sila napapanood. Si BeckyAguila ang manager ng dalawa at kay Becky ipinadala ng OctoArts ang script parakanyang basahin at aprubahan.

Through Aster Amoyo, OctoArts publicist, hiningi ng PEP angreaction ni Mr. Ilacad sa pagpu-pull out ng Star Magic kina Angelica, Roxanne, at Diether. Sabi ng producer, hindi pull-out na matatawag ang move ng StarMagic dahil wala pang kontratang pinirmahan ang tatlo at hindi pa silanagsu-shooting. Ang right word daw "they were considered for the movie."

Samantala, natatandaan ng PEP ang sinabi ni Direk Joeyna hindi lang si Katrina ang bida sa One Night Only. Lahat ng 24 cast members ng movie aybida at may highlight ang partisipasyon nila sa pelikula, na ang istorya aymangyayari sa isang araw lamang sa loob ng isang motel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN