Dennis Trillo cites stars' conflicting schedules as reason behind "Kulam" delay

"Natapos ko na ang Zaido, nakapag-shooting narin ako ng I.T.A.L.Y. tapos na rin itong Magdusa Ka at nagkaanakna ako at magbi-birthday na nga siya, hindi pa rin naipalalabas [ang Kulam].Naging problema po namin ay ang scheduling, dahil pareho kaming naging busy niJudy Ann. At least po ngayon, magda-dubbing na lang kami, at maipalalabas narin," says Dennis Trillo.



Sa Friday, August 15, last taping day na ng Magdusa Kaat promise ni Dennis Trillo, hindi raw magdurusa sa ending ang kanilang mgatagasubaybay. Kaya kaninang lunch na nakausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa Executive Lounge ng GMA Network Center, nagpapasalamatna siya sa mga televiewers, kahit two weeks pang mapapanood ang Sine Nobela nilani Katrina Halili sa afternoon block ng GMA-7.

Sa palagay ba niya, bakit sinusubaybayanang kanilang afternoon soap, na parang pang-primetime slot ang rating nanatatanggap nila?

"Masaya po kami ni Katrina dahil kung tutuusin, parangsinubukan lang ng GMA-7 ang team-up namin," nakangiting wika ni Dennis."Ilang beses na rin po kaming nagkasama ni Katrina sa TV, pero hindi kamiang magkatambal, kaya nakakagulat din po na madali nila kaming natanggap.

"Maganda rin po ang feedback na natatanggap ng production.Nagustuhan nila ang Magdusa Ka dahil naging consistent daw sa mahusay napagganap ang mga artista. Maganda ang story sa simula pa lang hanggang samagtatapos na kami. Kaya po sa natitirang two weeks, marami pang interesting namangyayari sa bawat character.

"Siguro po, dahil din parehong mahuhusay ang direktornamin, sina Direk Maryo J. delos Reyes, who is an actor's director, at si DirekRado Peru sa second unit namin. Sakanakita ko rin po, sa loob ng four months na magkasama kami ni Katrina, threetimes a week, ang transition ng kanyang character, from a kontrabida sa mgapast teledrama na ginawa niya, to her lead role. She's very versatile, veryprofessional, na kahit marami siyang ginagawa, nagagampanan niyang lahat angtrabaho niya."

Biniro ng PEP si Dennis kung hindi ba niya naisip na ligawansi Katrina. Inili-link din kasi sila noon pa at naging sweet din naman sila saisa't isa. Kaya lang, nakakagulat na sa halip na siya ang piliin ni Katrina saisang interview, sabi nito ay mas close daw sila ni Marvin [Agustin].

"Hindi ko po alam kung anong meron sila ni Marvin, peroang alam ko, kami ni Katrina ang magka-partner at okey naman sa akin siKatrina," natatawang sagot ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat ay may story conference na rin ang susunod niyangproject sa GMA-7 primetime, ang Gagambino, that afternoon, pero hindimuna natuloy dahil may sakit si Katrina na muli niyang makakatambal satelefantasiya. Mari-reunite din sila ni Nadine Samonte na nakasama niya noon saSuper Twins.

DELAYED KULAM. May dalawang pelikulangnakahanda nang ipalabas si Dennis, ang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You)ng GMA Films at Viva Films, at ang Kulam nila ni Judy Ann Santos forRegal Entertainment.

"Nag-reshoot nga po kami ng ilang eksena kahapon[August 12]. Iyon po kasing huling nai-shoot ko, nagkaproblema sa prosthetics.Almost 4:00 a.m. na po kasi iyon, medyo pagod na kami lahat. Hindi po nagingmaayos ang pagkalagay ng prosthetics kaya nang mapanood po ang rushes, hindimaayos kaya nag-reshoot kami."

Sa November na raw ang playdate ng movie na dinirek niJun Lana. Kung tutuusin, inabot ng more than a year bago maipapalabas. Anoang naging problema kung bakit hindi natapos agad ang shooting ng movie?

"Nakakatawa nga po kasi ang dami nang nangyari saakin," saad ni Dennis. "Ginawa po kasi ni Sharlene [San Pedro] iyong PrincessSarah kaya pinutulan ang buhok niya at nahinto ang shooting namin. Nataposna po iyon ipalabas, ako naman natapos ko na ang Zaido, nakapag-shootingna rin ako ng I.T.A.L.Y. tapos na rin itong Magdusa Ka atnagkaanak na ako at magbi-birthday na nga siya, hindi pa rin naipalalabas.

"Naging problema po namin ay ang scheduling, dahil parehokaming naging busy ni Judy Ann. Lumaki na rin po si Sharlene at humaba na muliang kanyang buhok. At least po ngayon, magda-dubbing na lang kami, atmaipalalabas na rin."

BABY CALIX ANDREAS. Nabanggit na rin lamang ni Dennisna magbi-birthday na ang anak na si Calix Andreas, kailan ba iyon at ano anggift niya sa anak?

"Sa September 22, one year old na siya. Bale iyongbirthday party niya ang gift ko sa kanya, saka iyong stroller na high-end.Hindi ko pa po nakikita iyong stroller, kasi si Carlene [Aguilar, his formergirlfriend at mom ni Calix] po ang bumili, nagbigay lang ako ng pambiliniya," nakangiting wika ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Dennis na although hindi na nga sila ni Carlenengayon, open ang communications nila dahil madalas pa rin silang magkita. Bastalibre siya, dumadalaw siya sa anak. May nakikita na ba siyang bago sa anak?

"Nakakatuwa na po si Calix, dahil nagta-try na siyangmagsalita. Ang first word na sinabi niya, ‘dada!' Nadadala ko rin siya sa bahay,pero hindi pa siya nag-o-overnight sa akin dahil mahirap pong ihiwalay kayCarlene, umiiyak.

"Kahit ang parents ko, kapag hindi ko nadala sa kanila siCalix, sila ang pumupunta sa bahay nina Carlene.

"Kahapon, after ng reshoot ko ng Kulam, tumuloy poako sa bahay nila. Nang malaman ng parents ko na nandoon ako, pumunta rin sila.

"Napansin ko na rin na mahilig siya sa sounds. Minsangnasa condominium ko siya, narinig niya ang pagda-drums ko, nakita kong para rinsiyang nagtatambol kaya ibinili ko siya ng hand drum, iyon tinatambolniya."

Hindi naman kataka-takang mahilig siCalix sa music dahil bukod sa mahusay kumanta si Dennis, marunong din siyangtumugtog ng musical instruments, particularly ang pagtugtog ng drums.

Bago natapos ang kuwentuhan with Dennis, may nagsabi sakanyang dapat daw ay siya na ang tawaging "Sine Novela Drama King"dahil dalawa na niyang afternoon drama ang tumanggap ng pinakamataas na rating,ang Kung Mahawi Man Ang Ulap at itong Magdusa Ka. Ngumiti lamang si Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN