Maui Taylor feels blessed with an open-minded boyfriend

"Ang boyfriend ko kasi, mature na yun at nakakaintindi.Trabaho lang itong kakikayan ko, ano ba? Open-minded ang boyfriend ko," saysMaui Taylor about her non-showbiz boyfriend.


Tuwang-tuwa si Maui Taylor sa tila pagpi-flirt niya sa kanyang leading men sa Torototng Viva Digital. Naroong pag-trip-an niya ang makinis na butt ni AndrewSchimmer na gusto raw niyang kagat-kagatin, pati na ang pagkakaroon diumano ngerection ni Baron Geisler sa isang mainit nilangeksena ng halikan sa nabanggit na pelikula

Pero, paano niya masasabing nananatili siyang faithful sakanyang non-showbiz boyfriend?

"Ang boyfriend ko kasi, mature na yun atnakakaintindi," sabi pa ni Maui. "Trabaho lang itong kakikayan ko,ano ba? Open-minded ang boyfriend ko at hindi ko na kailangang ipaliwanag pa sa kanya ang ganyang mga bagay.

"Hindi siya nakikialam sa trabaho ko. Basta para sa kanya, gawin ko lang ang dapat kong gawin."

Nasagap nga namin ang chikang nakipaghiwalay na rin ang Torototco-star niyang si Precious Adona sa non-showbizBF nito. Kaya naitanong namin kay Maui kung nabigyan ba niya ng advice siPrecious tungkol sa bagay na ito.

"Huh?!" bulalas ni Maui. "Naku, hindi koalam. Wala pa siyang nasasabi tungkol diyan. Ang alam ko, okey naman sila.

"Hindi ko sinasabing immature ang BF ni Precious, perosa experience ko kasi, it takes a mature man para maintindihan itongganitong klaseng trabaho, lalo na kung out of showbiz siya."

BLESSED WITH KIND BOYFRIEND. Usually kasi, angnegative impression sa sexy stars ay nanggagaling sa kamag-anakan at closefriends ng mga nakakarelasyon ng mga ito, yung mga sulsol.

"Laging ganyan, kesyo nag-pose sa FHM, boldstar, malandi. Pero, alam mo, in fairness sa BF ko, walang mga isyung ganyan sakanya.

"Sa previous relationships ko, oo, may ganyan. Hindiyata mawawala rin 'yan. May mga sulsol na ganyan. Pero, it's all up to me andmy boyfriend to prove to people na kung sino yung napapanood na Maui sa bigscreen, hindi naman din ganoon siya sa tunay na buhay.

"I'm blessed and lucky to have a very understandingboyfriend," napapangiti na lang si Maui.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm sure, yung BF ni Pre [Precious], nag-a-adjust pa'yan. Kasi, hindi pa niya alam ang sitwasyon. Mahirap ding basta magsalitakasi hindi naman ako ang nasa posisyon niya.

"I just feel sad na nabalitaan kong ganyan. Sana,maayos pa," banggit ng aktres.

FRIENDLY PRECIOUS. Mabuti at nagkakasundo sila niPrecious, unlike others na naging co-stars niya, na somehow, nakaintrigahanniya.

"Wala namang ganoon kung okey talaga ang kasamako," sabi pa ni Maui. "Sobrang bait lang ni Pre. Siya yung baguhan nagustong matuto, at very friendly siya. Hindi siya nagpi-feeling star.

"May respeto siya sa seniors niya. At saka masaya akongayon, kasi, tahimik ang buhay ko. Hindi katuladnoon, left and right ang mga intriga sa akin.

"Hindi ako nawawalan ng intriga. Pero, noon pa naman,talagang ayoko ng ganyang away-away. Ako yata ang nilalapitan niyan," sabipa ni Maui.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN