Precious Adona denies reported quarrel with Katrina Halili while taping "Magdusa Ka"

"E, noong nag-taping kasi ako, wala namang ibangginagawa si Katrina kung hindi matulog lang kung walang take. Understandableyun, kasi, marami rin siya raket. Kailangan niyang bumawi ng pahinga atmagdamagan ang taping namin," says Precious Adona about the issue that she andKatrina had a conflict while taping an episode for Magdusa Ka.



Dahil sa closeness na nabuo kina Precious Adona at Yul Servo habang tinataposang Torotot ng Viva Digital, dinala ng huli si Precious sa Luneta para mamasyal. Proud lang daw si Yul sa Maynila kung saan sa third district nito ay nahalal siYul bilang konsehal.

SIGHT-SEEING IN LUNETA. "Hindi ko pa talaganapupuntahan ang Luneta noon, kaya na-excite ako nang maisipan ni Yul namagpunta kami roon," sabi pa ni Precious nang makausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal). "Pupunta sana kami sa Ocean Park, pero gabi nanoon. Sarado na kaya hindi na kami nakapasok.

"Wala kaming ginawa roonkung hindi mag-picture-taking lang. Mula Luneta Grandstand hanggang doon samapa, alam mo yun? Nilakad namin yun. Okey lang. Nag-enoy naman ako,"dugtong pa ng baguhang aktres.

Doon nakita ni Precious ang tunay na kulay ng Maynila. Maynadaanan silang parang grupo-grupo na nagde-debate.

"May mga nakalatag pa roon, mga lovers nanaglalampungan," natatawang banggit ni Precious."May mga ganoon pala.Akala ko, joke lang yung kantang, Namamasyal pa sa Luneta nang walang pera'!"

Hindi raw siya nainggit doon sa mga naglalampungansamantalang kasama pa naman niya ang leading man niya sa Torotot.

"Kasama ko naman siKonsehal, e. Hindi ako na-bore." aniya.

GIVING IT ALL. Bongga at maiinit ang love scenes niPrecious with Yul and Anton Bernardo.

"Yung sa eksena kasi namin ni Yul, parang siya lang angnaligayahan doon," sabi pa ni Precious. "Ganoon kasi ang sitwasyon.Tinulugan niya ako at inutusan pa akong kumuha ng tubig.

"Pero, si Anton, mahirap yung love scene namin, dahilcramped up kami sa loob ng kotse," napapailing na kuwento ni Precious."Pero, bago pa yun, ilang na ilang ako. He made me feel at ease andcomfortable.

"Sabi ni Anton, ayusin na lang namin para take one yunat hindi na ulitin. Ibinigay na tuloy namin ang lahat," paghalakhak pa niPrecious.

Naging abala si Precious habang hinihintay ang pagpapalabassa first big break niya sa Torotot pagkatapos na maging finalist noon saBe Bench modeling competition. Naging part din siya ng provincial tour ng6Cyclemind na sponsored ng Tanduay, ang Rhum on the Rock. Nilibot dawnila halos ang buong Pilipinas at pakanta-kantarin siya roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-guest ako sa Magdusa Ka, maliit na exposurelang yun, just to test the waters at parang promo na rin ng movie namin,"sabi pa ni Precious.

CONFLICT WITH KATRINA? How true? Nagka-conflictdaw sila ni Katrina Halili sa taping. Sinasabi nga ni Precious na naging masclose sila ni Iwa Moto.

"Mas naging close talaga kami ni Iwa sa taping. Pero,okey lang talaga kami ni Katrina. Walang naging conflict sa amin. Bakit naman?

"E, noong nag-taping kasi ako, wala namang ibangginagawa si Katrina kung hindi matulog lang kung walang take. Understandableyun, kasi, marami rin siya raket. Kailangan niyang bumawi ng pahinga atmagdamagan ang taping namin.

"Hindi kami nagkaroon ng mahaba-habang bonding. Pero,nakapag-usap naman kami. Kami ni Iwa ang laging magkakuwentuhan,"paliwanag na lang ni Precious.

May lumabas na item noon na parang minemenos niya yunglaunching pic ni Katrina na Gigil?

"Wala akong karapatang menosin yun dahil hindi ko panapapanood ng buo," sabi pa ni Precious. "Ang tanong kasi sa akin,kung napanood ko na, ang sabi ko, napanood ko yung trailer. I just based myanswer doon sa napanood ko sa trailer, na ang sabi ko, okey lang naman yungnakita ko.

"Okey in the sense na yun lang ang nakita ko, and it'sunfair to judge. Sana, huwag na kaming intrigahin ni Katrina dahil langdoon," napapailing na dugtong ni Precious.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN