Honor student Mikee Lee treats "Lipgloss" as his favorite extra-curricular activity

"Aftermy first course, gusto ko pang ituloy ang studies ko, ibang course naman. Hindinaman po kasi apektado ang studies namin sa pagte-taping namin ng Lipgloss kasievery Sunday at 6 a.m. na call time, natatapos din kami sa gabi or very earlymorning of Monday; enough para makatulog pa ako bago ako pumasok saschool," says Mikee Lee.



Studies at ang bagong youth-oriented show sa TV 5 na Lipglossang priorities ngayon ni Mikee Lee, runner-up sa kauna-unahang Pinoy BigBrother Teen Edition ng ABS-CBN.

In Lipgloss, Mikee plays the role of Maui, one of the bad boysof Linden High. Hindi ba siya nahirapang magpaalam sa Star Magic ng ABS-CBN namay gagawin siyang show sa TV 5?

"Hindi naman po. Pero bago po ako nagpaalam sa kanila,sinabi muna sa akin ng producer namin sa Prime Events Force kung ano angmagiging role ko, kung papayag daw ako na medyo may pagkamakulit ang characterko, at pumayag naman po ako. So far,wala pa naman po akong project sa Star Magic kaya pinayagan nila ako.

"At masaya po ako rito, kahit ilang beses pa langkaming nagti-taping, may bonding na kami. Pero siyempre, nami-miss ko rin po ‘yongibang kasama ko noon sa Astigs, ‘yong huling youth-oriented show namin saABS-CBN. Kasi one year din kaming nagkasama-sama. Ngayon, hindi ko na po nakakausap ‘yong iba, kasi busy rin silasa studies nila," kuwento ni Mikee nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa presscon ng Lipgloss sa Cocina Guagua, Sgt. EsguerraSt., Quezon City, last Wednesday, August 13.

Nami-miss din ba niya si Isabel Blaise, na naging girlfriendniya noong nasa Astigs pa sila? O may bago na siyang girlfriend ngayon?

"Siyempre po, naaalaala ko rin siya tulad ng mga kasamako sa show noon," pag-amin ni Mikee. "Nagkaroon man po kami ng konting problemabago kami nagkahiwalay, naging civil naman kami sa isa't isa pagdating satrabaho namin. Wala po, wala pa akong girlfriend kasi pinagsasabay ko ngayonang studies at work ko."

Valedictorian nang mag-graduate ng high school si Mikee saAteneo at batchmate sila ng runner-up ng PBB Teen Edition Plus nasi Robi Domingo, na siya namang naging salutatorian. First year college ngayon siMikee sa Ateneo, taking up Management Engineering.

Biro ng PEP kay Mikee, mukhang susundan niya ang pambatongplayer ng Ateneo na si Chris Tiu na nagho-host na rin sa GMA-7 kahit nag-aaralmuli ng Applied Mathematics at Chinese Studies after finishing Management Engineering.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ‘yon po talaga ang gusto ko," sabi ng young actor. "Aftermy first course, gusto ko pang ituloy ang studies ko, ibang course naman. Hindinaman po kasi apektado ang studies namin sa pagte-taping namin ng Lipgloss kasievery Sunday at 6 a.m. na call time, natatapos din kami sa gabi or very earlymorning of Monday; enough para makatulog pa ako bago ako pumasok saschool."

May time pa ba siyang gumimik kung every day ay pumapasok siyasa school at Sunday naman ay nagtatrabaho?

"Okay lang po. Sabi nga namin, dahil pare-parehokaming nag-aaral, favorite extra-curricular activities namin ang taping. Nag-e-enjoy na po kami, kumikita pa," pagtataposni Mikee.

Tomorrow, Saturday, August 16, pilot telecast ng Lipgloss sa TV 5 at 5 p.m. Kasama rin ni Mikee rito sina SamConcepcion, Maxine Eigenmann, Saab Magalona, Rodjun Cruz, Kevin Lapeña, MaryGrace Perido, Cheska Ortega, Charina Suzara, Miki Hahn, at Fred Payawan. Lipgloss isdirected by Cris Pablo and Aleah Aliporo Eugenio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN