Moms of Maui Taylor and Angelica Jones clash at Gabby Concepcion's show

The mothers of Maui Taylor (left) and Angelica Jones (right) made a scene at Gabby Concepcion's concert last night, August 14, at Zirkoh Timog. The two exchanged accusations involving jewelry and their daughters.



Kapwa hindi umaasangmagpapang-abot sa Zirkoh Timog kagabi, August 14, sa Faces And Voicesshow featuring Gabby Concepcion ang matagal nang magkaaway na mga nanay nina MauiTaylor at Angelica Jones. Nagsimula ang awayan ng dalawa dahil sa mga diumano'ynawawalang alahas na ipinabenta ni Mommy Anette, nanay ni Maui Taylor sa nanayni Angelica Jones na si Beth Jones.

Sa naunang panayamng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mommy Anette noong summer, sinabinitong ipinagkatiwala niya ang mga ahalas na nagkakahalaga ng tatlong daanglibong piso upang ipabenta kay Beth Jones. Mula raw noon, hindi na itonakipagkita sa kanya hangang na-trace niya ang mga alahas sa sanglaan na diumanoay pinagsanglaan ni Mrs. Jones.

"Hawak ko yung papelito bilang patunay naisinangla niya yung mga alahas," sabi pa noon ni Mommy Anette.

Nagkataon namangnasunugan ng mga panahong yun ang mag-inang Beth at Angelica Jones. Ayon sa isanginterview naman sa kanila, ayaw na muna nilang sagutin ang mga akusasyon sakanila ng ina ni Maui.

"Alam naman ng Diyoskung sino ang nagsasabi sa amin ng totoo. Ako pa nga ang maramimg alahas na ipinahiram sa kanya. At puwede ba, hindiako nagbubugaw ng anak ko!" parinig pa ni Mrs. Jones.

Kagabi,nagkasabulong ng landas ang dalawa sa ticketron ng Zirkoh Timog at hindi na nga nakapagpigilsi Mommy Annete at kinumpronta si Mrs. Jones.

"Ano na, Beth, paanona yung utang mo?" malumanay namang sabi ng ina ni Maui sa ina ni Angelica.Pero tumaas ang boses ni Mrs. Jones at doon na nga nagsimula ang commotion sa pagitan ng dalawa. Mabutina lang at may mga kaibigan ang dalawa na umawat sa kanila.

Pagkatapos ng insidente ay nagkuwento siMommy Anette sa mga entertainment press na lumapit sa kanya at ipinaliwanag kung bakitniya sinita si Mrs. Jones. Habang nagsasalita siya ay biglang dumaan sa tabi nito ang ina ni Angelica atsabay sabing, "Ewan ko ba, basta ako hindi ako gaya ng iba na nagbubugaw ngsariling anak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpanting siguroang tenga ng ina ni Maui kaya galit na sumagot itong: "Sino ang sinasabi mongnagbugaw ng anak, ako ba? May ebidensya ka, patunayan mo 'yan, patunayan mo ‘yan!"

"Oo, binubugaw moang sarili mong anak!" buwelta naman ni Mrs. Jones. "Di ba, tumawag ka sa akin, sabi mo ihanap ko siya ngcustomer?" This time, tahimik na si MommyAnette dahil nagpaawat ito sa mga kausap niyang mga reporter.

"Ang sama ngakusasyon niya, hindi naman niya kayang patunayan. Si Maui, ibubugaw ko? Hindiniya kilala ang anak ko, si Maui pa, hindi ‘yan pumapayag sa mga ganyan!"paliwanag nito sa press people na kaharap niya pagkatapos.

Dagdag niya, "Walasiyang pinag-aralan, wala siyang edukasyon! Ayaw ko siyang patulan na. Matagalko siyang hindi nakita. Pinagtataguan niya ako kaya ko siya kinausap, pero siya pa ang matapang!"

"Masama ang mga pinagsasabiniya. Bibigyan ko siya ng leksyon, isasangguni ko ito sa abugado ko!" banta niMommy Annete, na obviously ay apektado sa bintang na pambubugaw sa sariliniyang anak.

"Marami ang nakarinigsa ipinagsigawan niya. Nakakahiya siya! Hindi ko na ito palalampasin,idedemanda ko siya!" sabi pa ng ina ni Maui.

Nang lapitan naman ngPEP si Mrs. Jones upang kunin ang kanyang panig, ito ang naging pahayag niya:"Hindi ako kumikibo, siya itong lumapit sa akin. Basta na lang niya akokinumpronta, ano naman ang gagawin ko? Kung noon, hindi na ako kumibo dahilnasunugan ako, ngayon ay ayoko nang tiisin, hindi ko na talaga siya mapapalampas!Wala akong alam sa mga bintang niya sa akin!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN