Krista Ranillo's dad has her FHM cover issue but doesn't open it

"He actually asks his friends to buy the magazine, perohuwag daw nila buksan! Biniro pa nga niya ako na siya na lang angbibili ng lahat ng FHM para wala nang ibang makakita sa mga pictures, e," says Krista Ranillo about her dad Mat Ranillo III's reaction to her FHM cover pictorial.



Overwhelmed at happy ang naramdaman ng August 2008 covergirl ng FHM na si Krista Ranillo nang makapanayam siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa kanyang autograph signing noong August 8 sa Robinson'sGalleria para sa No. 1 men's magazine.

"I'm really happy that fans and magazine readers came andlined up just to see me here!" masayang bigkas ng young star. "I felt honoredto be chosen as the cover girl of FHM and people close to me have beensupportive of me from the start."

Nagkaroon din ng pagkakataon na maitanong ng PEP kay Kristakung kumusta na ang relasyon niya sa kanyang daddy na si Mat Ranillo III.Matatandaan na nagkaroon ng tampuhan ang mag-ama nang naging very vocal si Matsa pagkadisgusto niya sa sex scenes ni Krista sa pelikulang Paupahan at angpagku-cover ng anak sa FHM.

"Actually, my Dad and I are now okay," masayang balita niKrista. "Meron nga siyang sariling kopya ng FHM, pero until now hindi pa dinniya binubuksan dahil hindi niya yata kayang makita ang ibang mga pictures saloob!" hirit ng dating child star.

"He actually asks his friends to buy the magazine, perohuwag daw nila buksan!" tawa niya. "Biniro pa nga niya ako na siya na lang angbibili ng lahat ng FHM para wala nang ibang makakita sa mga pictures, e."

Nabanggit din ni Krista na may mga nakarating sa kanyangiba't ibang reactions mula sa mga kaibigan at former schoolmates niya saPoveda tungkol sa pagpu-pose niya sa FHM.

"Masyado raw mahalay yung mga pictures ko," banggit niKrista. "I can't blame them kasi it's their opinion. Pero still I am happy forwhat I did. Yung ibang teachers ko naman, todo ang support sa akin. Meron panga akong mga friends at dating batchmates from Ateneo na talagangipinagtatanggol ako ‘pag may naririnig silang negative stuff na ibinabato saakin, e." Graduate ng Interdisciplinary Studies si Krista sa Ateneo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din ng PEP kung tuluy-tuloy na ba ang pagpapa-sexyniya sa pelikula at TV.

"If there are offers, why not, di ba? I'm of age na dinnaman, pero still, I don't want to box myself into these sexy image. I want tofollow the steps of my Hollywood idol na si Natalie Portman na kahit nagpapa-sexy siya at super galing na actress niya, parehas pa kaming graduate ngcollege," saad ng dating Click teen star.

Ano naman sa palagay ni Krista ang naging epekto at lagay ngkanyang career after niyang maging cover girl ng August issue ng FHM?



"There are a lot of offers now, pero we want to think about it carefully sincehindi na ako exclusive sa GMA-7, open na ako for everyone. In fact, mayMaalaala Mo Kaya episode nga ako na ipinalabas, kasama ko si Ms.Gina Pareño. Then, meron din akong regular show every Wednesday sa TV5 [formerABC-5] titled Hush Hush at meron ding naka-lineup na two movies for me. I think,one is a horror film with Kuya Germs yata," sabi ni Krista.

May nakatakdang autograph signing si Krista for FHM saGBX store sa SM Pampanga sa August 16 at sa Robinson's Place Ermita sa August30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN