"PDA" expelled scholar Bea Muñoz reveals she has throat cyst

"Yung health ng throat ko is not ashealthy as others na, mag-practice ako ng sobrang tagal napapaos na po. That'swhy I always have to drink liquid. So, feeling ko po hindi lang nila nakita.Pero my mentors know how much I've learned and changed," says Bea Muñoz aboutthe condition of her throat. She believes it is one of the reasons why she didnot perform well in the show.



Mabilis na nakuha ng Pinoy Dream Academy expelled scholar nasi Bea Muñoz ang atensyon ng mga manonood dahil sa malakas niyang personalidad.Nakatulong din ng malaki ang pagkakaroon niya ng ugnayan sa co-scholar na siMiguel Mendoza sa loob ng akademya para makilala siya agad. Si Bea angkasintahan ni Miguel na sumali rin dati sa kauna-unahang Philipine Idol sa ABC-5.

"Feeling ko po, papasok siya [Miguel] saTop Four. Deserving siya, and nakuha niya po ang tamang boses and we all learnedhow to sing properly there and we found our own style of singing. So, I reallythink that he deserves to be in the Top Four," pahayag ni Bea sa ibinigay napresscon ng ABS-CBN para sa mga expelled scholars ng PDA.

Nilinaw din ni Bea na walang kinalamanang dream mentor na si Ryan Cayabyab kaya nasa loob pa rin ng akademya angboyfriend niyang si Miguel, na nakasama rin noon ng mahusay na kompositor sa Philippine Idol.

"Ah, wala pong kinalaman. Kasi lahat pokami we strive hard. We strive hard for the audition. Lahat po kami pumila. We all did our exams well. We alllearned our lessons well. So, we are all deserving."

Ano ang natutunan niya sa loob ng PDA?

"Ang natutunan ko po is to make thedisadvantages nga po into an advantage."

THROATCYST. Marami naman ang na-curious kung bakit maypagkapaos ang boses ni Bea kahit ilang linggo na rin naman mula nang lumabassiya ng PDA.

"Ah, well po, may cyst po ako salalamunan. Same as Bunny po. I've a cyst kaya ako palaging paos and I believena ang pagiging paos is one way of singing. Kung si Mariah Carey nga paosang boses at sumikat. So, isa po yung style.

"Disadvantage na naalis ako, advantagedin po siya dahil magiging headstart for me. So, nakaka-learn na akong kumantaat sumayaw at umarte."

Totoo bang paglabas ni Bea ng PDA ay agad na dinala siya sa isangpsychiatrist?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes po. Ah, sabi po ng psychologist naI'm very true to myself. Kasi po hindi ako isang plastic na tao. I believena kung ayaw ko yung tao, okey. I'll give the person a chance. Angpagiging plastic po it's not in my vocabulary and he knows that because I wasvery open to other experiences there. And alam ninyo po na the way I was actinginside and the was I was acting outside, pareho lang po."

NOTFOR SINGING. Sinabi sa kanya ng isa sa mga judgesng PDA na si Gerald Salonga na hindipara sa kanya ang pagkanta. Nakaapekto ba ito sa pagkuha ni Bea ng goal niya?

"Yun nga po. Well, for me po kasi Ireally learned. The thing is pagdating ng Saturday... so, kanta ako ng Monday,Tuesday, Wednesday, Friday. Pagdating ng Sabado sumasakit na po ang lalamunanko because I really tried."

Na-overpractice siya?

"Parang ganun po because nga may cystako. Yung health ng throat ko is not as healthy as others na, mag-practice ako ngsobrang tagal napapaos na po. That's why I always have to drink liquid. So,feeling ko po hindi lang nila nakita. Pero my mentors know how much I'velearned and changed."

Nasaktan ba siya sa sinabi ni Gerald sakanya?

"Ah, actually po nung sinabi niyana singing is not for me, it made me think na maybe I'm into somethingelse. But also in the same industry. So, hindi naman dahil hindi ako magalingkumanta, hindi na ako puwedeng kumanta forever. I can also go into hostingor acting, or deejaying, but also sing because I like singing. ‘Tsaka for me yungsinasabi nila against me it will challenge me more to strive harder."

VOTES. Nagulat ang iba sa napakababang votes na nakuha ni Bea kaya na-expelledsiya sa PDA. Alam naman kasi ngmarami na kabilang si Bea sa isang nakaririwasang pamilya sa Alabang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My family actually didn't want to vote.Honestly po, my family didn't want to vote. They felt na it should depend on the masses. They said that if I wanted it, Ihave to strive hard for it, I have to strive hard for the vote that I will get.Hindi po dahil kaya namin or sa boto nila, doon ako mag-i-stay kasi it would beunfair to the others. So, they wanted to be fair."

Ano ang reaksyon ng parents niya noong pinaalis siya sa PDA?

"Well, masaya po sila na at least kasamana po nila ako. Sad dahil malapit na po ako sa dream ko, di ba? ‘Tapos naputolpo. So, yun po."

Payag ba sila na mag-artista siya?

"Nung una po ayaw po nila. Pero alam ponila how much I love it."

Boto pa rin ba ang pamilya niya kayMiguel bilang boyfriend niya pagkatapos ng nangyari sa kanila sa loob ngacademy?

"Opo, actually, lahat po kami friends.At saka maski inaaway niya ako, alam ko, he's just doing that because ofhis dream."

Three-and-a half years nangmagkarelasyon nina Bea at Miguel. Second year high school pa lang daw siyanung maging sila ni Miguel habang nag-aaral sa La Salle Zobel de Ayala saAlabang.

WHO'SGAY? Isa sa pinagdududahan ang gender sa loob ngacademy si Miguel. May ganito rin bang nararamdaman si Bea about Miguel?

"Uhm...kasi Miguel and I started asbest friends. ‘ Tapos nung una, dapat hindi kami magiging on pero kasisabi ko ang best friends pang friend lang talaga, siyempre, because Iwas open to him in a different way. But you know, he really strivedhard at saka pina-impress po talaga ko ni Miguel. So, naging kami po."

Hindi ba bading si Miguel?

"Hindi po siya bading."

Sino sa tingin niya ang bading sa loob ng academy?

"Hindi ko po alam kasi I wasn't able to spend that much [time]... Kasi nung lumabas napo yung issues wala na po ako sa bahay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang plano niya ngayong wala na siyasa Academy?

"Ang plans ko is to strive harder and toprove to people that...kasi [some] people say that I don't deserve to be in theAcademy and for me I will strive hard to prove them wrong because I waschosen for a reason," tapos ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN