Partial list of "Celebrity Duets" Year 2 contestants revealed



Sa August 22, Friday, ang taping ng pilot episode ng Year 2ng Celebrity Duetsna eere kinabukasan,August 23, at papalit sa timeslot ng Pinoy Idol.Eight contestants uli ang maglalaban-laban at makikipag-duet every week samaiimbitahang singers ng GMA-7.

Sa walong contestants, anim pa lang ang nakukumpirma ng PEP(Philippine Entertainment Portal). Pero siguradong kumpleto na sila kapag nag-promotena sa TV. O baka naman, kumpleto na sila sa launching ng show bukas, August 17,sa SOP.

Ang six confirmed Celebrity Duets contestants ay sinaJoey Marquez (TV host-comedian) at ang kapatidnitong si MelanieMarquez (beauty queen), MMDA Chairman Bayani Fernando (public servant), Carlene Aguilar (beauty queen), Cory Quirino (TV host and columnist), at JCBuendia (fashion designer).

Kumpleto na sana ang contestants, pero nag-backout angentertainment columnist na si Ricky Lo at ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee.Last minute na ring nag-backout ang dating Purefoods player na si JerryCodiƱera.

Bukod kay CodiƱera ay may iba pang basketball player nana-consider mapasama sa Magic 8, pero hindi lang makapag-commit ang mgakinausap dahil conflict sa schedule ng taping, practice, at basketball game.

Sa Season 1 ng Celebrity Duets, si TessaPrieto-Valdes ang nanalo at naging runners-up sina Dr. Hayden Kho at JessicaRodriguez. Masaya ang Season 1 ng singing contest kung saan nakasama rin sina Dr. Manny Calayan,Tim Yap, Wyngard Tracy, Frederick Peralta, at Anna Theresa Licaros.

Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid pa rin ang hosts ngYear 2 ng Celebrity Duets.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN