Beth Tamayo stops in vitro fertilization to concentrate on showbiz work

"Now nag-decide muna kami to stop dahil gusto konamang mag-work. Siguro nga by working, maaalis sa isipan ko ang pagbubuntis.Nakaka-stress din because people always ask you about it, lalo na ang family kona excited na magkaroon na ako ng baby," says Beth Tamayo who has beenundergoing in vitro fertilization, by which ovum and sperm are fertilized in a "test tube or other artificial environment."


Tumigil muna si Beth Tamayo sa kanyang in vitro fertilization session at ang pagharap muna sa pag-taping ng TV show ang kanyanghinaharap.

Inaamin naman ni Beth na hanggang ngayon ay walapang kasiguraduhan ang pag-conceive niya ng baby. Ilang buwan din angisinakripisyo niya para sa pag-undergo ng in vitro fertilization at puronegative ang nagiging resulta.

Pero this time ay pinapasa-Diyos na lang niya at ngkanyang mister ang pagkakaroon ng sarili nilang baby.

"Hindi naman sa napagod na ako, pero siguro timeout muna kasi masakit ang procedure ng in vitro," kuwento pa ni Beth.

"Sa may puson ako ini-inject ng gamot atnagkakapasa na nga ako. Noong mga unang months okey lang, because desidido kamini Johnnny [Wong, her husband] to have our own baby. Pero sometimes, it'sfrustrating lalo na kung negative ang results.

"Now nag-decide muna kami to stop dahil gusto konamang mag-work. Siguro nga by working, maaalis sa isipan ko ang pagbubuntis.Nakaka-stress din because people always ask you about it, lalo na ang family kona excited na magkaroon na ako ng baby.

"For now, trabaho naman muna ako. I want to enjoynaman working again sa TV and even sa movies. Kaya nga I accepted the role in Ploning kasi na-miss ko ang maging busysa showbiz. And who knows, kung kelan ako maging busy baka bigla na lang akongmabuntis, di ba?" ngiti pa ni Beth.

Kasama nga si Beth sa bagong show ng TV5 na Love Books. At para sa season openernila ay may titulo na Have Baby, WillDate ang title ng episode kunsaan makakasama niya sina Valerie Concepcion,TJ Trinidad, and Bobby Andrews. Every Tuesday ito from 7:00 to 8:00 pm.

"Four weeks tatakbo ang story na ito andtamang-tama lang na may dumating na trabaho. Wala na kasi akong makakasama sabahay kapag nasa trabaho si Johnny.

"Ngayon kasi yung mga anak ni Johnny ay nasa Guamna ulit because mag-i-start na ang classes nila. Kaya ang lungkut-lungkot nanaman sa bahay namin. Sobrang tahimik kasi wala na ang mga bata. Mabuti na langat nagkaroon ako ng show to keep me busy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huli ngang nilabasan na show ni Beth ay ang Mga Mata ni Anghelita sa GMA-7. Na-cutshort nga lang ang kanyang appearance sa naturang show dahil nga sa pag-undergoniya ng Invitro.

"I would have stayed longer doon sa show kaso mydoctor advised me na once I take Invitro, I should not stress myself with workat kailangan relaxed ako para maging effective ang procedure. Sinunod ko namansiya pero siguro nga hindi pa meant na magkaroon ako ng baby.

"But I am not giving up because I know that God hasgreat plans for everyone. Alam ko na He has a baby for us. Hintayin na langnamin kung kelan Niya gustong iregalo ito sa amin ni Johnny."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN