Gabby Concepcion's Music Museum concert a success

GabbyConcepcion sang mostly songs from his recently released album.




Puno hindi lang ng female audience ang matagumpay na concert ni GabbyConcepcion na Gabby Concepcion On A Different Note na ginanap sa Music Museum kagabi, August 16, kundi umaapaw dinsa intriga ang mga eksena at quotable quotes mula mismo sa aktor. Pasado alas-nuwebenoong nagsimula ang show.

Sinimulanni Gabby ang kanyang set sa pagkanta ng original song ng Hotdogs na "Manila." Sumunodang awitin naman ni Ogie Alcasid na "Nandito Ako." Pagkataposay nagkuwento na si Gabby tungkol sa isang malungkot na karanasan niya habangnasa Amerika.

Sumunodna song number ni Gabby ay ang awitin ni Hajji Alejandro na "Nakapagtataka."Naglitanya naman si Gabby pagkatapos ng huling linya ng kanta na, "Bakit hindi magkasunduan?"

"Sananga magkasundo na. Magkaayos na lahat," pahayag ni Gabby.

Pagkataposay ang kanta naman ni ArielRivera, "Minsan Lang Kitang Iibigin,"ang kinanta niya. Matapos nito ay lumabas na si Iya Villania, ang una sa kanyangapat na special guests nang gabing yun.

"Sobrangtaas noon. Hindi ko na maabot. Baka mapiyok ako," biro ni Gabby.

Umingaynang husto ang audience sa paglabas ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delasAlas. Riot at namula talaga nang husto si Gabby sa mga punchline sa kanya ni Ai-Ai.

Pagpasokpa lang ni Ai-Ai na naka-bangs ang buhok, tawanan agad ang audience.

"Kahawig ko, ‘di ba? Wala ka bang naaalala sa akin ngayon? " sabi ni Ai-Ai kayGabby. Kinanta pa ni Ai-Ai ang awiting "Ikaw" na labas sa ilong ang lyrics.

"Ah,ikaw yun," sagot naman ni Gabby.

"Naalalamo na, Pa?"

"RegineVelasquez?" sabi ni Gabby.

"Hindi!Si Jenny Syquia," dugtong naman ni Ai-Ai.

"O,sige, Grace Ibuna na lang. Pasalamat ka hindi ko pa alam yung iba," bira niAi-Ai.

Nag-duetsina Ai-Ai at Gabby ng signature song ng aktor na "Come What May." Unang linya pa lang ng kanta na,"Wish I was a bird..." nagtilian na angaudience. Kasunod ng voice-over ni Ai-Ai ng "I like your bird" na labis naikinaaliw ng audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglabas ni Ai-Ai, pumasok ang isa pa sa tatlong "queen" sa concert ni Gabby, ang"Optimum Teleserye Queen" na si Claudine Barretto. Kinanta nila ang"Iisa Pa Lamang" at "Init sa Magdamag." Tilian ang audience sa paglabas niClaudine at manaka-naka'y tinatawag sila sa kanilang mga pangalan sa teleseryenila na Iisa Pa Lamang na Rafael atCatherine.

Bigla namang nag-emote si Gabby pagkatapos ng duet nila ni Claudine. Nawala saisip niya at nakalimutan niya na magdu-duet pala sila muna ng Concert Queen nasi Pops Fernandez. Medyo nagulat pa siya nang biglang mag-cue-in na at tugtuginng bandang nag-aakumpanya sa kanya ang mga unang pasakalye ng awiting "BakitNgayon Ka Lang."

Nakalimutan ni Gabby na magdu-duet muna sila ni Pops bago ang last part ng showna very sentimental para sa aktor. Bumawi na lang si Gabby pagpasok niya ulitng stage pagkatapos ng number nila ni Pops. Humingi ng dispensa si Gabby saaudience at sa kanyang musical director. Pagkatapos ay nag-spiel na si Gabbypara nga sa maramdaming bahagi ng kanyang show.

Ito ang bahagi ng concert niya kung saan inihahandog niya ang kanyang kanta na"Kung Kailangan Mo Ako" para sa kanyang apat na anak from different women.

"Maramiakong pagkukulang sa kanila. Ito ang pagkakataon ko para makabawi ako sakanila," sey pa ni Gabby.

Habang kinakanta ni Gabby ang "Kung Kailangan Mo Ako" ipinapakita naman samalaking screen sa dalawang side ng stage ang old photos ng kanyang apatna anak na babae, kasama siya. Bumaba rin ng stage si Gabby para magbigayng bulaklak sa audience.

Unang binigyan ni Gabby ng bulaklak ang second daughter niya na si Gabrielle oGarie na anak niya kay Grace Ibuna. Hindi ipinakilala ni Gabby ang anak saaudience o nabanggit man lang ang pangalan ni Garie.

Ewan kung nakalimutan o sinadya ni Gabby na huwag mag-mention ng name ng kahitisa sa kanyang mga anak during the show kaya ni hindi man lang niyana-acknowledge si Garie. Pero hindi naman nakalimutan ni Gabby nai-acknowledge sa audience ang kanyang misis na si Genevieve Tayco Gonzales. Pinasalamatandin niya ang Gonzales family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilansa mga celebrities na dumating sa show ni Gabby kagabi sa Music Museum as partof the audience ay sina Ara Mina na nagpa-reserve pa ng ticket paramakapanood at ang late nang nakapasok sa venue na si Angelica Jones kasama siLizette na anak ng manager ni Gabby na Mommy Rose Flaminiano.

Nandundin si AnnabelleRama na tinawag ni Gabby na "balae" during the show.

"Datimagkasama kami ng anak niyang si Ruffa noon. Ngayon sina Richard [Gutierrez] atKC [Concepcion] na ang magkasama sa movie. Kaya puwede nang ‘balae' ang itawagko sa kanya. Pero ‘pag naghiwalay, balik ulit sa Tita Annabelle," natatawangpahayag ni Gabby.

Bilanghuling song number, kinanta ni Gabby ang hit song ng VST & Company na"Awitin Mo, Isasayaw Ko." Hindi pa nakuntento ang audience at nag-request ngmore kay Gabby. Bumalik si Gabby sa stage at kinanta ang "Hanggang" ni Wency Cornejo.

Pagkataposng successful concert sa Music Museum, sa Big Dome naman angsusunod na concert ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN