Anne Curtis and Sam Milby show signs of "LQ" in a showbiz event

Anne Curtis and Sam Milby graced the 3rdanniversary celebration of a radio show, but neither of the two talked norlooked at each other the whole time they were at the venue, SM NorthEntertainment Center. This gave rise to speculation that the rumored sweethearts were having "lovers' quarrel" orLQ.



Kahapon, August 17, sa backstage ng SM NorthEntertainment Center, marami ang nakapansin sa hindi pagpapansinan ng rumoredsweethearts na sina Sam Milby at Anne Curtis nang parehong mag-guest ang dalawasa 3rd anniversary ng Wow! AngShowbiz!, ang radio show na pinangungunahan ni Ogie Diaz sa DZXL.

Noong una, akala namin ay ang PEP(Philippine Entertainment Portal) lang ang nakapansin sa pagiging malamig saisa't isa nina Anne at Sam, na usually ay parati namang na sweet na sweet, pero marami pala.

Magka-connect ang dressing rooms sabackstage at parehong nakaupo sa corner ang dalawa, sa magkahiwalay na room. May mga nagsabi ring hindi silamagkasabay dumating, gaya ng inaasahan ng kanilang fans. Magkasunod silang dumating atagad na nagtungo sa kani-kanilang dressing rooms.

Nauna si Anne pero halata raw nawala itong sigla. Sumunod naman itong si Sam na kahit daw nakita na si Annesa isang sulok ay hindi nito nagawang lapitan or tabihan. Dumire-diretso langdaw ito sa kabilang room at doon nag-decide na mag-stay hanggang sa tawagin nasiya sa stage.

Halata rin na wala sa mood si Anne at hindiumiimik. Nang tanungin nang PEP, sinabi naman ni Anne na pagod lang daw siya.

Kahit kamustahin ng PEP ang Dyosa at ang rating nito, bagamatngumiti at sinabing okey naman ang rating nila at mataas naman daw since it'spilot, obvious na medyo matamlay ang young actress.


Hinihintay ng PEP at ng mga tao kung lalapit ba si Sam kay Anne, pero hanggang sa naisalang nasi Anne sa stage at umalis, ni hindi nagpansinan or nagpaalam man lang sa isa'tisa ang dalawa.

Kung halatang wala sa mood si Anne, obviousdin si Sam, na kilala naman sa pagiging palangiti, na tila "mainit ang ulo."

Iisa ang conclusion ng halos lahat ng taona naroroon. Mukhang may "LQ" or lovers quarrel daw sina Anne at Sam na siyemprepa, bukod-tanging ang dalawa lang ang makakapagpatunay kung meron nga at kungano ang pinag-ugatan ng tampuhan nila, kung meron man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Although, sabi rin ng ilang taong malapit sadalawa na naroroon, ganoon naman daw talaga sina Sam at Anne kapag may tampuhanang mga ito. Nahahalata raw talaga dahil parehong transparent ang dalawa.

Feeling din nila, kung may LQ man ortampuhan nga ang mga lead stars ng Dyosa, baka raw by this time ay naayos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN