Oyo Sotto posts alleged election-related anomaly involving Mar Roxas

Apr 26, 2016
<p>Oyo Sotto exchange messages with netizens who question the actor's claim that other people are being forced by local officials to vote for certain candidates.</p>

Ibinahagi ni Oyo Sotto sa kanyang Instagram account nitong weekend ang screen grab ng komento umano ng isang netizen na nakita niya sa comments section.

Laman ng nasabing komento ang diumano’y panggigipit ng isang “diktador” sa lugar ng nasabing netizen.

Pinipilit daw silang iboto ang presidential candidate na si Mar Roxas dahil kung hindi ay mawawalan ng trabaho ang kanyang mga kapamilya sa kanilang munisipyo.

Ayon pa sa komento, iginagapang daw ng mga lokal na opisyal sa lugar ng netizen si Mar.

Caption naman ni Oyo rito: “Isa sa mga nag-comment sa post ko.

“Grabe nakakalungkot. Please lang kilalanin ninyo nang maigi ang kandidato ninyo.

“Wag kayong matakot na iboto ang gusto nyo.”

Vocal si Oyo sa pagsuporta sa presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

MIXED REACTIONS. Magkahalo ang naging reaksiyon ng netizens sa ipinost na ito ni Oyo.

Continue reading below ↓

May mga sumang-ayon sa kanya at mayroon din namang bumatikos dito.

May netizens na nagsabing nangyayari nga ito, na required silang iboto ang partikular na kandidato at kung hindi ay may consequences na mangyayari.

Continue reading below ↓

Mayroon din namang tumuligsa kay Oyo at sinabing gawa-gawa lamang ang mga paninirang ito.

May humamon din kay Oyo na magpakita ng ebidensiya.

Continue reading below ↓

 

 

Continue reading below ↓

Sinagot naman ni Oyo ang ilan sa netizens at hinimok silang basahin ang mga komento ng ibang kapwa netizens na nagsasabing totoo umano ang mga akusasyon tungkol sa "panggigipit" sa mga botante.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May isang netizen pa ang tinuligsa ni Oyo sa paniniwala agad sa akusasyon ng netizen na nagsabi tungkol sa panggigipit.

Tinawag naman ng netizen na ito na "trapo" ang tiyuhin ni Oyo na tumatakbong senador, si Sen. Tito Sotto.

Sinagot naman ni Oyo ang netizen at sinabing hindi siya namimilit sa iba na iboto ang kanyang tito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Oyo Sotto exchange messages with netizens who question the actor's claim that other people are being forced by local officials to vote for certain candidates.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results