Maui Taylor settles old grudges in her "Showbiz Central" guesting

Maui Taylor guested in Showbiz Central and experienced the show's "Central Jury" hot seat. After answering some controversial issues about her, she picked thesegment's "Killer Task" and ended up mending an old rift.


Tila big deal for Showbiz Central ang pagi-guest ni Maui Taylor sa show kahapon,August 17. Napapayag din ito na maupo sa "Hot Seat" ng Central Jury at sabandang huli ay kailangan ni Maui na mamili between Killer Question or Killer Task.

Dahil wala pa si Rufa Mae Quinto sabansa, si Pia Guanio muna ang nag-interview kay Maui. Mo Twister, who is one ofthe segment hosts of Central Jury was not yet in the scene; alam nglahat na may conflict kina Maui at Mo. The two used to work together in DJ Mo'sradio show.

Unang tanong nga ni Pia kay Maui, how doesshe feel now that she's in Mo's territory?

Natatawa naman si Maui nang sumagot. Aniya,"Actually, to tell you honestly, I've been so nervous coming here. They've beentelling me to come here live, pero, sabi ko, parang ayoko yata. Kasi, I'm notsure kung okey na kami ni Mo.

"And this is the first time actually thatwe're seeing each other after one year...as in, after one year," pagbibigay-diin niya.

Pia asked Maui kung ano ba talaga angpinag-ugatan ng pag-aaway nila ni Mo na nauwi sa pagre-resign niya from theradio show?

"Actually kasi, during that time when I wasin radio, I was busy campaigning. So, siyempre dumarating ako ng late. Naiinissiya when it comes to attendance. He was being rude. He was being rude inradio. Pero wala na yun, okey na yun..."

Pero totoo raw ba na may sinabi si Mo natalagang ikinapikon niya?

"Sabi niya, ‘Resign now! I don't care!'Ha-ha-ha! So, I did at hindi na ‘kopumasok since then."

MEETINGMO. Sinagot naman ni Maui si Pia na ready as everna raw siyang harapin si Mo. Sa puntong yun, tinawag na nga ni Pia si Mo na maydalang bulaklak para kay Maui at pabirong lumuhod pa ito sa harapan ni Maui atnag-sorry habang may ilang segundo rin silang nagyakapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Pia, the thing that people do notknow about Mo is that, he is actually a sweet person naman,at sinang-ayunan din naman ni Maui.

"Yes, he's sweet, he's just tough about hiswork."

Sabi ni Mo, na-miss daw niya si Maui, "Butyou know...you're saying about work ethics ko...pero I have to give credit kay Mauibecause, hindi talaga ako magiging host dito sa Showbiz Central or as controversial or yung radio show namin hindimagiging ganoon ka-successful because you know, Maui, siya ang unang guestnamin sa ‘Forbidden Questions' which is the popular segment. Siya rin ang tumutulong na kumuha ng mgaartista na mag-guest sa show. A lot of the success na nangyari sa show, really involvesMaui."

BREAKUPWITH BRIAN. After that, Mo asked the first questionto Maui as Central Jury host. Ano ba talaga ang reason ng breakup nila ni Brian Revilla? May sinasabi rin kasi naayaw sa kanya diumano ng Revilla family. Totoo ba ito?

"No, it's not true. Even up to now, kami niTita Lani [Mercado], we text each other. And there's a surprise party for ourcommon friend and she was even calling me. Asking me, ‘Where are you na? Wewill pick her up na...' So, we're really okay."

So, what's the real reason of their breakup?

"Naku, buksan pa ba? May third partykasi...sa kanya. Hindi ako."

Tinanong naman ni Pia kung sinauli na rawba ni Maui ang ring na ibinigay ni Brian sa kanya nang mag-break sila?

"Actually hindi...kasi, ayaw niya. Sabi niyasa akin, ibinigay ko ‘yan sa ‘yo, so, that's yours. Hindi kailangang ibalik."

Mo insisted on the question, sino ba ang third party?

"Huwag na...huwag na...sarado na ang isyu, e.It's a model. At saka, nakita ko, e. Icame from Anilao, Batangas, I went diving. ‘Tapos, pagdating ko sa BF[Paranaque], sa may Starbucks, hayun na! ‘Tapos bigla silang umalis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOMMIES'CATFIGHT. How true naman daw that her mom andAngelica Jones's mom were involved in a catfight recently dahil sa alahas atpera?

"Actually, alam n'yo, wala ako noon, e.Hindi siya catfight. Naikuwento lang sa akin ng mom ko. With regards to kunganuman ang isyu meron sila, I don't think the kids should be involved.Especially with Angelica and I, I don't think na kailangan naming mag-away justbecause our parents are fighting."

Nagkausap na ba sila ni Angelica?

"No, hindi pa...the last time we saw eachother, yung guesting namin sa Kung AkoIkaw and since then, hindi pa kami nagkikita. But I'm not expecting anything. As I've said,I don't want to be involved. At saka,wala talaga akong alam sa isyu ng pera at alahas," natatawa niyang sabi.

MAUI'SKILLER TASK. Nang dumating na sa oras ng pamimilini Maui between "Killer Question" or "Killer Task," Maui chose the "Killer Task." At ang "Killer Task" nga ay ang live niyangkausapin si Wilma Doesnt, ang isa sa mga nakaalitan niya raw dahil din sa radioshow ni Mo nang sabihan siya nitong pinakaayaw at artistang pinaka-plastic parasa kanya.

Via phone-patch, nagsalita nga si Wilma.Aniya ng pabiro, "Alam n'yo, si Mo rin ang may dahilan kung bakit kami nag-awayni Maui, ‘no! Nagkaroon ako ng maraming kaaway dahil kay DJ Mo, Ha-ha-ha!"

Ipinaliwanag nga ni Wilma ang insidentengnasabi niyang plastic si Maui. "Meron talagang nangyari sa amin, sa isang stageplay yun nangyari. Siguro, sa sobrang pressured, pagod, nagkapalitan ng mgawords...hindi ko rin naman mabi-blame si Maui. Siyempre, kung pagod ka at naudyukanka ng ibang tao, magagalit ka talaga.

"On my end, hindi rin naman ako naglakas ng loob to talk about it. Up to now,hindi pa rin kami nag-uusap."

Pia asked Wilma kung bakit naman daw niyanasabing plastic nga si Maui?

"Eh kasi, yun ang question ni DJ Mo, so,feeling ko, siya yun! Ha-ha-ha! Naku, baka awayin na naman ako ni Maui!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"BATANGMAY BOOBS." Then Pia told Wilma na nandoon na ngaraw si Maui to tell her something.

Sey ni Maui, "Hi, Wilma, actually nagkitakami sa Touch Mobile. Actually, no'ng time naman, nagkaaway-away ang lahat sastage play. When Wilma said sorry...tulad nga ng sinasabi ko sa interview—uy,hindi ako nagiging plastic, ha—when she said sorry, okey na sa akin yun.Tinanggap ko ng buung-buo yun.

"So, kapag may maririnig ako na sinasabi ngpress na, ‘O, sabi ni Wilma, batang may boobs ka, plastic ka!' Tinatawanan ko nalang kasi, for me, tapos na yung play, nag-sorry na siya. Tinanggap ko nawholeheartedly yung sorry niya."

Nang tanungin si Wilma kung naniniwala basiya sa sinabi ni Maui...

"Kapag nag-guest na lang siya sa Sweet Life! Ha-ha-ha!"

Tinanggap naman ni Maui ang alok na yun niWilma, kahit kinabukasan nga raw agad ay magge-guest siya sa show nina Wilma atLucy Torres.

Sa huli, Pia asked Maui kung willing pa raw ba siya to work with Mo?

"Oo naman...why not!"

With that, Maui said she felt great withher guesting dahil dalawa sa mga dating hindi niya kakibuan at nakaaway angnakaayos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN