Jeffrey Quizon set to marry his live-in partner anytime soon

"I'm engaged, planning to get married. Walapa nga lang eksaktong date kasi nauna yung pagiging daddy. But definitely, bythe end of the year or first quarter next year, pakakasal na kami," says Jeffrey Quizon about marrying his live-in partner, Rosanna Escudero.



Kung tikom ang bibig ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla atnaging bukas naman ang Comedy King na si Dolphy na ang pangarap niya talaga aymauwi sa kasalan ang pagsasama nila ni Zsa Zsa—pero may mga problema nga langna hindi mabigyan ng solusyon sa parte ng singer-actress—ganito rin naman anghiling ng pamilya ng Comedy King.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay JeffreyQuizon, isa sa mga anak ni Dolphy, naikumpara tuloy ng aktor na ang kagustuhanng ama na makaisang-dibdib si Zsa Zsa ay katulad ng National Artist award.

"Parang National Artist award 'yan na ibinibigay sa kanya na hindimaibigay-bigay. Kung ibibigay sa daddy ko yung pagkakataon na makasal sila niZsa Zsa, I'm pretty sure he'll be super happy and the family will greatlyaccept it," saad ni Epy, palayaw ni Jeffrey.

Pero taliwas sa ama na may legal na problema na dapat ayusinbago mauwi sa kasalan ang pagsasama nila ni Zsa Zsa, hindi pa rin umaabot sakasalan ang ilang taon na ring pagsasama ni Epy at ng live-in partner niyana si Rosanna Escudero. Pero ilang buwan na lang daw ang bibilangin ay pakakasalanna ng aktor ang ina ng kanyang three-year-old daughter.

"I'm engaged, planning to get married," sabi ni Epy. "Walapa nga lang eksaktong date kasi nauna yung pagiging daddy. But definitely, bythe end of the year or first quarter next year, pakakasal na kami. Sa ngayon, mydaughter is magti-three years old. Ang focus namin ay yung third birthday niyaat siyempre ‘pag medyo ready na siyang kumarga ng flowers namin, siya yungflower girl namin."

DOLPHY'S BOOK. Naging successful ang nakaraang book launch ng autobiographyni Mang Dolphy, ang Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa na dinaluhan ng mgamalalaki at sikat na mga tao sa loob at labas ng showbiz. Masayang ibinalita ni Epy na maganda rin angreception ng mga tao sa libro ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nagde-deliver na kami sa ibang branches ngNational Bookstore. Kumbaga, every day halos may mga delivery kami kasi nauubossa ibang branches," sambit ni Epy.

HALF-MAN, HALF-GOAT. Marami ang humahanga at inaabangan ang karakter ni Epy sa bagong fantaseryeng ABS-CBN na Dyosa, where he plays the role of Bacchus, half-man and half-goat.Kahit naman ang aktor ay thankful na napunta sa kanya ang nasabing role.

"Natutuwa ako sa role ko. I'm grateful enough that I wasgiven the opportunity to play the role of Bacchus, a half-man, half-goat nakeeper ng tiara ni Anne Curtis. Mahirap yung role. Tuwing isasalang ako satrabaho, talagang mental and physical preparation, kailangan ng kumpletongpreparasyon talaga," lahad ni Epy.

Kasama rin si Epy sa Dobol Trouble, Ready to Rumble alongwith his dad Dolphy and Vic Sotto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN