Carlo Aquino cancels U.S. vacation to promote two movies in MMFF

"Plan ko sana na after ng shooting ng two movies ay pumuntaako ng U.S. para magbakasyon. Pero sabi sa akin ni Tita VR [Veronique delRosario], hindi puwede kasi dalawang movies ang ipo-promote ko. Kailangankaming sumakay ng float sa parade," relates young actor Carlo Aquino.



For the first time, dalawang pelikula ng young actor na siCarlo Aquino ang kasali sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Kasama siya sa cast ng Ang Tanging Ina sequel, Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ngStar Cinema Productions. Nasa cast din siya ng period film na Baler ng VivaFilms.

Ngayon nga lang daw magiging busy ulit sa shooting siCarlo at sana raw ay hindi magsabay para hindi siya malito sa dalawang set.

"Nagsu-shooting na kami for part two ng Ang Tanging Ina.Yung Baler naman, before matapos yata itong buwan. May script naman na ako kayaexcited ko rin gawin kasi ngayon lang ako gagawa ng period movie.

"'Tsaka first time kong makakatrabaho sina Anne Curtis na gaganapna kapatid ko. Pati na rin si Kuya Ipe [Phillip Salvador], first time komakakatrabaho bilang tatay ko sa movie. Si Jericho [Rosales] kasi nakatrabahoko na siya before sa Bagong Buwan," lahad ni Carlo sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Ang huling MMFF movie ni Carlo ay Mano Po 3: My Love kungsaan bida sina Vilma Santos at Christopher de Leon. Si Carlo ang gumanap na batangBoyet de Leon at si Angelica Panganiban naman ang gumanap na batang Vilma.

Habang wala pang bagong TV show si Carlo sa GMA-7, o sa ABS-CBN,kinuha siya para maisama sa bagong show ng TV5 na Rakista, sadireksiyon ni Quark Henares. Kasama rin ni Carlo rito sina Denise Laurel, RheaNakpil, Charles Christiansen, at Alchris Galura. Tungkol ito sa pagbuo ng isangbanda at ang mga problemang kinahaharap nila para sumikat.

Natutuwa si Carlo dahil bagay na bagay nga raw ang show sakanya. Mahilig kasi sa music si Carlo at sa katunayan, lead vocalist siya ngkanyang sariling banda na Kollide.

"Huling TV show ko was Maging Akin Ka Lamang sa GMA-7.Parang tumama sa akin ang show na Rakista sa TV5. Hindi lang siya drama, maykonting comedy at may mga musical numbers kami. Mga original songs ang gamitnamin sa show kaya ibang-iba siya. Iba kasi si Direk Quark makaisip ngkuwento," sabi ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa sobrang busy ngayon ni Carlo, naudlot ang planoniyang lumipad patungong Amerika para magbakasyon. Balak niya sanang mag-Paskosa Amerika, pero hindi raw siya pinayagan ng Viva Artist Agency at ng mommyniya.

"Plan ko sana na after ng shooting ng two movies ay pumuntaako ng U.S. para magbakasyon. Pero sabi sa akin ni Tita VR [Veronique delRosario], hindi puwede kasi dalawang movies ang ipo-promote ko. Kailangankaming sumakay ng float sa parade.

"'Tapos sinegundahan pa ni Mommy. Huwag ko naman daw silanglayasan sa Pasko. Gusto niya na kumpleto kami. Kaya okey lang, wala naman akongmagawa kung sila mommy at Tita V.R. na ang humiling."

Wala raw nililigawan si Carlo ngayon. Set aside daw muna angbabae dahil marami raw siyang trabaho ngayon at ayaw niyang ma-distract.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN