"Celebrity Duets" introduces new set of contenders

Celebrity Duets Season 2 contenders: (top, from left) Bayani Fernando, Cory Quirino, Joey Marquez, and Melanie Marquez; (bottom, from left) JL Cang, Carlene Aguilar, Phil Younghusband, and JC Buendia.

More photos.



We never expected na magiging sobrang enjoyable ngpresscon-launching ng Season 2 ng Celebrity Duets, ang singing competition sa GMA-7 mula sa Fremantle Media kung saan walong non-singing celebrities ang makikipag-duet sa mga professional singers every week. Ginanap ang press launchng naturang singing competition sa 17th floor ng GMA Network Centerkagabi, August 20.

Matatandaang sa unang season ng Celebrity Duets ay si TessaPrieto-Valdes ang nanalo kontra sa mga runners-up na sina Dr. Hayden Kho atJessica Rodriguez. Ang iba pang mga naging celebrity contenders noon ay sina Dr.Manny Calayan, Wyngard Tracy, Tim Yap, Frederick Peralta, at Anna TheresaLicaros.

This second season, walong celebrity contenders ulit angmaglalaban-laban each week para sa cash prize na P1 million, na ang kabuuan obahagi ay mapupunta sa mapipiling charitable institution ng mananalo. Purely textvotes ang magiging basehan kung sino ang mae-eliminate bawat week.

Celebrity Duets is still hosted by on-and-off-screen musicalpartners Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Pero kagabi ay si Ogie lang angmag-isang nag-host ng presscon dahil kasalukuyan daw nagte-taping si Regine ngAko Si Kim Samsoon sa Tagaytay.

Kabilang sa walong celebrity contenders this season ng Celebrity Duets ay dalawang beauty queens, isang beauty expert, isang komedyante, isang soccer player, isang chef, at isang politician. Sila ay sina MMDAChairman Bayani Fernando, ang fashion designer na si JC Buendia, ang comedianturned politician na si Joey Marquez, ang kapatid ni Joey na beautyqueen-supermodel-actress na si Melanie Marquez, ang former Bb. Pilipinas-Worldna si Carlene Aguilar, ang wellness and beauty expert na si Cory Quirino, angchef at former co-host ng Ka-Toque na si JLCang, at ang Fil-British professional soccer player na si Phil Younghusband.

They will start competing on August 23 in GMA-7.

Ang panel of judges this season ay ang veteran concert andtheater director na si Freddie Santos, ang renowned composer and arranger na siDanny Tan, at ang Celebrity Duets first grand winner na si Tessa Prieto-Valdes.They will replace last year's batch of judges na sina Louie Ocampo, MitchValdes, and Buboy Garovillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa presscon proper kagabi, walang humpay na tawanan angnangyari dahil bukod sa pagpapakuwela ni Ogie ay lumabas din ang comic side ngmga celebrity contenders na humihirit din sa pagpapatawa.

THE CELEBRITY CONTENDERS. Isa-isang ipinakilala ni Ogie angwalong celebrity contenders ng Celebrity Duets this season at nagbigay sila ngkani-kanilang mga mensahe.

Unang tinawag si Chairman Fernando at nagbiro muna kungmeron bang sidewalk vendor sa loob ng presscon venue.

"Anyway, this would be fun," sabi niya. "Kaya lang, hindi komalaman kung bakit ako naririto, e. Nabigla yata ako pagsagot! Nakakanerbiyospala rito. But anyway, we will try our best to entertain and most of all, I'lltry my best to win the prize. Please, give your vote ha? Hindi pa ito yung2010!" hirit niya, na ang tinutukoy ay ang napipinto niyang pagtakbo sa susunodna national elections.

Sumunod naman na nagsalita ang dating Miss International nasi Melanie Marquez.

"Akala n'yo kilala na ninyo ako, ha! It's about time to giveyou one of my hidden talents... Talent pala," pagtatama niya sana sarili, perokinorek siya ng entertainment press na tama na yung una niyang sinabi. Dugtongniya, "Ay, oo nga pala... sandali, nalilito na ako! Alam ko naman na kahit hindiako mag-campaign, e, iboboto n'yo ako. Patatawin ko kayo, ie-entertain ko kayo.

"Sa totoo lang, ilusyon ko ‘yan [singing]. Pero a lot of my friends here,kilala ako na isa talaga sa mga ilusyon ko ang kumanta. Kaya paninindigan ko po‘yan at bibigyan ko kayo ng magandang show, magandang-magandang show," pangakoniya.

After Melanie, ang kapatid naman niyang si Joey Marquez angsumunod.

"Actually, I was supposed to join Pinoy Idol. Kaya lang,medyo na-late ako ng konti," biro muna ni Joey. "It's about time to prove thatI can also sing. My motto will be, ‘Every text you make, every breath you take,I'll be watching you!"

Sumunod naman ang chef na si JL, na halatang ninenerbiyosdahil nanginginig ang boses niya habang nagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, napaka-exciting ng mangyayari dito sa CelebrityDuets dahil sa totoo po, hindi talaga ako kumakanta kaya... Meron kayongaabangan, e, na ano kaya ang mangyayari, di ba? Kasi ito, e, ganito talaga, e...Hindi, sa totoo lang, ninenerbiyos talaga ako!" pag-amin niya na ginantihan naman ng malakas na palakpak at hiyawayan ng entertainment press.

Dagdag ni JL, "Sa totoo po, ang unang pagkakaalam ko saCelebrity Duets, yung kagaya po sa All Star K [videoke challenge]. Yung parangmagge-guest ka lang, yun pala isang buong season. Pero okay lang. Basta angimportante, para sa akin, hindi talaga contest ‘to. Ang importante sa akin,yung masaya yung mga manonood kasi ganun talaga, e."

Ang wellness and beauty expert naman na si Cory Quirino angnext na nagsalita.

"Hindi pa nag-uumpisa ang competition, pero meron na akongreklamo," simula niya. "Palaging pinapalitan ni Joey ang aking competitionnumber. I am already confused, okay? Number two, may mga pangako ang mga babaedito sa competition—we will outlast the men!"

Hirit ni Ogie, "Sa lahat naman ng bagay naa-outlast n'yokami, e. Totoo ba ‘yon, Tsong [Joey]?"

Sagot naman ni Cory, "Can I finish?" kaya tumahimik naman siOgie. Patuloy ni Cory, "Pangatlo, meron akong pangarap. Kasi sabi nila, pinapadalapo nila yung kopya ng competition kay Simon Cowell [American Idol judge]. Iwant to meet Simon," malambing na sabi ng TV personality.

Dagdag niya, "You know, I don't have stage fright, wala talaga. Ngayonlang yata! I have butterflies in my stomach. But I'm happyto be here. I love you all."

Sabi naman ng fashion designer na si JC Buendia: "Dati po,sanay po ako sa backstage lang. Ngayon, ako na po yung aakyat ng stage.

"Bago po ako nag-yes, pumunta po ako sa manghuhula,"pag-amin niya na ikinatawa ng lahat. "Sabi ng manghuhula sa akin, ‘You know, inyour past life, you were a theatrical geisha. So in order to go full circle,you have to unleash the geisha in you.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghiyawan ang lahat sa sinabi ni JC. Singit ni Ogie,"Marami tayong natututunan ngayon, ah. ‘Unleash the geisha in you.' Gusto ko‘yon, gagawin ko rin ‘yan, unleash the geisha in me.... I'll cross that bridgewhen I enter...mali yata."

Sunod na ipinakilala ni Ogie ay ang soccer player na si PhilYounghusband, na naging instant favorite ng karamihan ng entertainment pressdahil sa kanyang good looks.

"Kumusta kayo lahat?" bati ni Phil sa lahat sa kanyang thickBritish accent. "I'm very happy to be here. Masaya po ako to be here.

"Firstly, do not be confused by the name. I'm not actually ahusband. I'm still young, but I'm not a husband yet," biro niya. "You know, theonly time I sing is in the shower. So for me, it must be hit up to be singingin front of...people than to play football [tawag ng mga British sasoccer] in front of a thousand people. But I will do this for enjoyment and I'msure I'm going to have fun with all of you. Salamat po."

Pagkatapos magsalita ni Ogie ay tinanong niya ang presspeople kung iboboto nila si Phil at umaatikabong hiyawan ang sagot ng mga ito.

Ni-request ni Ogie na kumanta si Phil ng kahit ilang linyalang. Hindi naman tumanggi ang guwapong soccer player, sabay kanta ng "You areso beautiful to me..."

Panghuling ipinakilala ang Bb. Pilipinas-World 2006 na siCarlene Aguilar.

"Basta ang maipapangako ko lang, na hindi ako mang-aawaydito," simula ni Carlene, obviously referring to her past confrontation withCristine Reyes, na nali-link sa ex-boyfriend at ama ng anak ni Carlene na siDennis Trillo.

Patuloy niya, "Mabait talaga ako. Kakanta lang ako nangkakanta. So sana ma-enjoy n'yo yung show. And I'm so thankful na part ako ngCelebrity Duets kasi dream ko po talagang kumanta, hindi po maging beautyqueen. So fulfillment ito ng dream ko, so sana po tulungan n'yo ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THEIR EDGE ON THE OTHER CONTENDERS. Sa question-and-answerproper, may nagtanong kay Chairman Fernando kung prelude na raw ba ang pagsaliniya sa Celebrity Duets sa napipintong pagtakbo niya sa 2010.

"Kailangan pa bang itanong mo ‘yon?" maikli niyang sagot, naikinatawa ng lahat.

Ano naman ang naging reaction nila nang una nilang malamanna kasali sila sa Celebrity Duets? Ano rin sa tingin nila ang kanilang edge samga kalaban nila?

Chairman Fernando:Si Chairman Fernando ay dapat nung unang season pa lang kasali, but he had to back out because of his busy sked. "First reaction is, I don't have the time. I find it hard to find the time forseven weeks—the practice sessions and yung taping. Yun ang aking fears noon. Isimply don't have that luxury in time. But the second time around, I decided tojoin with the prodding of my wife [Marikina Mayor Marides Fernando]. Yung wifeko ang nagsabi na, ‘Sige, sali ka! This is good exposure,'" pag-amin niya.

"I'm very honest, ano, di ba?" patuloy niya. "And you likeit, di ba? Now, ano ba ang lamang ko sa mga ito [fellow contenders]? Matandaako sa kanila, yun lang. I hope age does matter. But somehow, I've heard themsing. Younghusband, and si JC Buendia, mukhang ninerbiyos ako. Pero kayapa, kaya pa siguro.

"I think people will be kinder to me. Alam mo yung mga taomaawain din sa mga matatanda, e. I just wish yung mga nahuli ng MMDA, yung mgaganun, e, hindi ako babalikan. But I might just resort to vote buying... At leastpractice ko ‘yan for 2010," seryosong biro niya.

JC Buendia:"Balik ako dun sa hula. Kasi sabi ng manghuhula, ‘You have so much luck in yourlife. And people who allow you to enter their life, you bring much luck to themand wealth.' So I believe for Celebrity Duets allowing me to enter, so I hopeto bring luck to the show and maybe we can double the ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero talaga, suwerte talaga ako. Yung mga ginagawan kongartista, nagiging Best Actress [Judy Ann Santos], Best Actor [Piolo Pascual], even President [GMA]," habol niya."

JL Cang: "Panayang inom ko, pero hindi ko pa nagagalaw yung pagkain ko!" pag-amin ni JL dahilpa rin sa sobrang nerbiyos.

Pagkatapos nito ay kinantiyawan siya na magbigay naman ngsample ng kanta. Pero pakiusap niya, "Naku, huwag, kasi talagang nanginginigyung boses ko, e!"

Dagdag niya, "Sa totoo lang ang dami kong iniisip, puwede pobang i-repeat yung question mo?"

Nang inulit ang tanong sa kanya, ito ang naging sagot niyana nanginginig pa rin ang boses: "Bale ang first reaction ko, umoo kaagad akonang hindi nagdadalawang-isip. Actually, lahat ng mga Filipino mahilig talagangkumanta, e. Kumakanta po talaga ako sa bahay namin. Kaya po talaga ako umoodahil ang habol ko po talaga, e, makikita po ako ng mga kaibigan ko na kakantasa TV.

"'Tsaka ang edge, naku, hindi ko po talaga alam," sabi niya.Nang hiritan siya ulit na magbigay ng sample, pumayag na si JL at kinanta angilang linya mula sa "Magkayakap Sa Dilim" ng APO Hiking Society kahit halatangkabado pa rin siya. Binigyan siya ng masigabong palakpakan at hiyawan sakanyang effort at pagkatapos ay humirit si JL, "Yun ang edge!"

Cory Quirino:"Nung tumawag sila, sabi ko, ‘Teka muna, I'm not a singer.' Sabi nila, ‘Ma'am,performer ka.' ‘Tapos sabi ko, ‘Sige, flattered ako. Sa tingin ng GMA, I canperform.' ‘Tapos sabi ni Tessa, you should vote buy. Mahirap sa akin ‘yan,Ilokana ako, e. At mahirap umasa sa mga Ilokano, kasi matipid sila. Pero I'mgoing to perform," sabay hirit ng ilang linya mula sa kantang "Dahil Sa ‘Yo."

Joey Marquez:"The first time they told me about joining the competition, four-letter word:‘What?!' Ganun ako, e. Pero I realized, why not? It's a new field. Who knows,I'll get a contract from GMA Records? Anyway, my advantage to them, I'll enjoyit as much as you like me to enjoy. Now, I'll sing...by James Ingram, ‘Just Once.' Just once moment in time..." loko niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay nagbirong mag-walkout ang judge na siFreddie Santos.

Melanie Marquez:"Nung in-invite po ako, ang first reaction ko was, ‘Ha, lalaitin n'yo ako?'Pero sabi ko, ‘Okay lang, babaklain ko lang yun!' Pero nung sinabi ko sa mgaanak ko... Yung isang anak ko magaling kumanta. ‘Mommy, I have to coach, I'llcoach you how to sing. You might be out of tune...' English-speaking yung mgaanak ko, e!" tawa niya.

"So anyway, to make it story....short!" hirit ni Melanie sakanyang classic English. "Sa totoo lang, natuwa ako. Kasi nung ibinigay nila saakin yung lyrics ng ‘Fever,' ang haba... Sabi ko, ‘Papaano ko mame-memorize ‘to,e, may memory gap ako?' Pero buti na lang nung actual recording na, in-edit,ginawa lang nilang one minute. Tuwang-tuwa ako!"

Pagkatapos ay nagbigay rin si Melanie ng sample ng Broadwaysong mula sa Sweet Charity, ang "Big Spender," kahit na hindi niya kabisado anglyrics.

Carlene Aguilar:"Bale nung unang malaman ko na invited ako sa show na ‘to, siyempre natuwa ako.Kasi nagawa ko nang lahat... Dancing, sumali na ako sa competition, natalo ako.So siguro this time, sana manalo na ako, di ba? Kasi ibang field ‘to and dreamko talagang kumanta.

"Pero hindi talaga ako sure kung may talent talaga ako sasinging. Pero naniniwala ako sa sarili ko na meron, and yung parents ko,naniniwala rin sa akin. Actually, nung sinabi ko sa kanila na, ‘Ma, isinasaliako.' Sabi nila, ‘Sasali ka? Huwag na, baka mapahiya ka. Tama nang beauty queenka at saka ang dami-dami mo nang sinalihang contest.' Sabi ko, ‘Ma, habang maybuhay join lang nang join!'

"Pero meron akong aaminin sa inyo," patuloy ni Carlene. "Nungnalaman ko na sasali si Chairman Fernando, muntik na akong mag-backout. Kasinaisip ko, ‘Naku, ang daming magte-text sa kanya.' Saka talo talaga kami! Peronaisip ko din ha, naisip ko din, disadvantage din yun. Chairman, I'm sorry kasimarami ding nagagalit sa ‘yo... Hindi pala galit, medyo inis kasi madamingnaghuhuli ng MMDA... Ako, actually dalawang beses na ako, Sir, nahuli, beating thered light. ‘Tapos hiningan talaga nila ako ng lagay! Pero Chairman, maykasalanan din ako, binigyan ko sila ng pera!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So naisip ko na marami rin ang inis sa kanya, so may chancepa kami! So, huwag nang sample surprise na lang," nakakatuwang saad ni Carlene,na lumabas ang pagiging komedyana.

Pero hindi siya pinayagan na hindi magbigay ng sample kayahumirit din siya ng ilang linya mula sa kantang "Bubbly" na kakantahin niya safirst episode ng Celebrity Duets.

Habol ni Carlene, "Meron pa akong isang reason kung bakit hindiako nag-backout. May bagong inspiration ako kaya hindi na ako magba-backout,"na ang tinutukoy niya ay ang katabi niyang si Phil.

Sabi naman ni Phil, "Hindi ko maintindihan," na ikinatawa nanaman ng lahat.

Phil Younghusband: Pagkataposay sinagot na ni Phil ang common question sa kanilang lahat. Aniya, "When Ifirst found out, I was in a coffee shop. When I was told, I though I know Ican't sing. So I ran to the toilet, to the CR, I started singing in the mirror.And then, I was like, ‘No, I can't do this.' So I ran out and I immediatelyasked the person I was with, ‘Can you get me a karaoke machine?' So recently,well, pretty much every day, every second, I've been on the karaoke machine,singing, getting 100 [perfect score].

"But what gives me the edge? Hindi ko alam," sabi niya. Peronang sabihan siya ng ilang entertainment press na cute at guwapo siya, inulitniya ito. "Cute at guwapo..." tilian ang lahat.

Dagdag ni Phil, "Playing football, you learn if you want itthe most, you'll succeed. So I need to prove that I wanted it the most. I needto want it more than all of you [fellow contenders], although I know all of youalso want to win. I need to prove I wanted it the most. Salamat po."

Hinilingan ulit siya ng kanta at nagpaubaya naman si Phil atsabay banat ng "All you need is love..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pagbabasehan ang enjoyment na naramdaman ng lahatng um-attend ng presscon ng Celebrity Duets, siguradong magiging exciting and fun nanaman ang second season nito dahil sa very interesting set of celebritycontenders.

Click here for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN