Chef JL Cang becomes instant heartthrob via "Celebrity Duets"

JL Cang used to be part of the QTV 11 cooking show Ka-Toque, but he is now regularly seen on SiS. In addition to this, JL is also one othe eight contenders in the second season of Celebrity Duets.



Instant heartthrob ang naging dating ng celebrity chef na si JL Cang, isa sa contenders sa second edition ng Celebrity Duets.

"Endearing" is the adjective attached to the 24-year-old graduate ofCulinary Arts from OB Montessori the moment he opened his mouth sa generalquestion-and-answer portion ng Celebrity Duets presscon na ginanap kagabi,August 20, sa Skyline restaurant sa 17th floor ng GMA Network Center.

The tall cook—he stands 5' 11"—possesses the face and build of a hunk, butwith a bagets voice na dahil naturally funny siya ay bumagay ang packaging. Hindiraw siya nagdalawang-isip nang inalok siyang maging part of the contenders ngCelebrity Duets dahil gusto niya raw mapanood ng mga kaibigan niya.

A graduate of La Salle Greenhills, JL pointed out that it is not well knownthat OB Montessori in Greenhills has already a college degree pero isang kurso lang,ang Culinary Arts, where he specialized in Restaurant Management.

Graduating pa lang siya noon ng college when he got a call from a friend namay pa-audition daw ang GMA-7 for a new cooking show. Since wala pa siyangginagawa that time, he applied and was taken in.

He has since left the Q11 show Ka-Toque, dahil sa isangadvertiser ng show. After this, suwerte namang kinuha siya ng GMA show na SiSas the regular chef kung saan nakilala siya hindi lang sa galing ng paglutokundi sa pagpapatawa.

"Ay, gusto ko talagang pasukin ‘yan!" sagot niya sa tanong kung gusto niyangmaging comedy actor.

"JL" stands for his parents names, James and Lani, nothing more. These initials are his real name at ipinakita pa niya angkanyang driver's license to prove na simpleng JL lang ang officially listed nameniya.

"Siguro nagmamadali mga magulang ko noon na pangalanan ako kaya nilagay nalang nila ang mga initials ng pangalan nila," sabi niya.


Binibiro si JL na magiging mahigpit niyang kalaban for the female and gayvotes ang half-British, half-Filipino soccer player na si Phil Younghusband.Nagulat pa siya kung may makukuha pa raw ba siyang boto with Phil around.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mari-rekta [youth Tagalog slang to mean ‘diretso'] na ‘yan niPhil, may boboto pa ba sa akin?" saad niya.

Dahil napagtabi sila JL at Phil sa isang table after the presscon proper,sabay silang tinanong kung magagawa nila ang ginawa ni Dr. Hayden Kho lastseason ng Celebrity Duets na kumanta nang topless isang beses.

"Oo" ang sagot ng dalawa, pero may six-pack si Phil.

"May tiyan naman ako, mas masarap yakapin ang malaman," sagot naman ni JL.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN