Comedian Long Mejia admits getting regular allowance from Manny Pacquiao

"Sustentado ako ni Manny Pacquiao, e. Kung minsan ngatinatamad pa ako. ‘Pumunta ka na rito, Kuya.' Sabi ko, ‘Mamaya na, nag-aapuraka naman!'" quips Long Mejia about his regular allowance from boxing champ Manny Pacquiao.



Flattered si Long Mejia at sila ang napili ni Isko "BrodPete" na bigyan ng show sa Music Museum titled Ka Pete Na Ka Long Pa ngproducer na si Jacob Fernandez. Aminado si Long na hindi na siya ganunka-in-demand ngayon bilang komedyante sa telebisyon at pelikula, pero maynagtiwala pa rin sa kanya.

"E, doon nga ako natuwa kay Jacob. Malaki ang tiwala niya saamin. At nagulat ako, nag-text sa akin, ‘Long, gagawan kita ng show kasama mosi Brod Pete.' Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Jacob. Sabi ko nga sa kanya,‘Bakit kami?' ‘E, malaki ang tiwala ko sa inyo.' ‘Ah, ganun ba?'" pahayag niLong nnag makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Biro ni Brod Pete, kung siya lang ang nakontak ni Jacobhindi niya isasama si Long sa show. Anoang masasabi ni Long dito?

"Hindi, kasi si Brod Pete, medyo takot sa akin ‘yan, e. Alamniya kapag magkakatrabaho kami ng ganyan, siya yung bangka nang bangka. Sabiko, sige pagbibigyan ko na muna. Sabi ko, pagdating na lang sa September 6.Pero ako lang ang nagsama diyan. Ako yung kinontak nung producer, e.

"Ngayon, nabalitaan ko ito, wala raw ginawa [si Brod Pete]sa Marikina kundi magsukat ng sapatos. Tinext ko, ‘Gusto mo ng show? Bigyankita ng show? Buhayin ko career mo?' Sabi niya, ‘Sige, please, please.' O,‘ayan buhay ang career niya ngayon!" biro rin niya.

Mas malaki raw ang talent fee ni Brod Pete kesa kay Long sinceang una ang writer at director ng show nila sa Music Museum on September 6, 13,25, and October 2.

"Ah, mas malaki ang TF niya. Mas malaki ang pangangailanganniya kasi wala siyang Manny Pacquiao, e!" hirit ni Long.

"Sustentado ako ni Manny Pacquiao, e. Kung minsan ngatinatamad pa ako. ‘Pumunta ka na rito, Kuya.' Sabi ko, ‘Mamaya na, nag-aapuraka naman!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkano naman ang sustento niya kay Pacquiao?

"Ay, secret na," sagot ng komedyante. "Ayos lang. Mgapang-one week na allowance. Bastanandito na ‘yan, ite-text ko siya kung nasaan siya. Ngayon, nasa General Santossiya. And take note, ha, habang nagpra-practice ng ganun [boxing] ‘yan, e,tine-text ako. Ganun ako ka-love ni Manny."

Bakit siya binibigyan ng sustento ng boxing champ? Magkaanakba sila?

"Oo, relative ko siya sa mother side," pagkumpirma ni Long."Hanggang ngayon [sinusustentuhan pa rin ako]. Tulong niya, binigyan niya akong kotse. Magwa-one year na. Nawala yung kotse ko, nabalitaan niya. Unang nagbigay sa akin si Joey Marquez.Kaya si Joey Marquez, hindi ko rinmalilimutan ‘yan. ‘Tapos si Manny, ayan, siya ang tumutulong sa akin."

Hindi naman itinatanggi ni Long na naging babaero siya noonat tumaas ang kanyang lifestyle nang kasagsagan ng kanyang kasikatan.

"Siyempre nangyari talaga sa akin ‘yan. E, alam mo namangaling ako sa mahirap. ‘Tapos dumating na naging ganun ako, magkakaroon nggrasya. Lahat naman ng tao, hindi naman siguro ako lang nangyari yungganun. Natututo naman ako doon. Atnaniniwala ka rin naman na ngayon ka pa lang, malalaman kapag iba na," saad niLong.

Hindi ba siya nagreklamo sa billing nila sa title ng show?

"E, siya [Brod Pete] ang unang nakaisp ng title kaya siyaang una. Pero kung ako ang nakaisip ng title, ako ang una sa billing. Tingnan mo, Ka Pete Na Ka Long pa.'Kung ako ang nakaisip noon, ‘Ka Long Na Ka Pete Pa."

Sabi ni Bord Pete, magsusuot daw siya ng brief sa show. Handa na ba si Long?

"Hindi brief ito, t-back itong isususot ko!" sabay tawa niLong.

Biro namin, kung nagpakinis na ba siya ng kanyang behind.


"Pupunta ako ngayon kay Belo. Magpapakinis pa ako lalo. ‘Eto ang nakakasiguradoako, pagkatapos kong sumayaw, sasakit na naman ang ulo sigurado ng misis ko.Katakut-takot na matrona na naman tiyak ang mabibihag ko!" nakakatawa niyangbanat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung may mag-react sa spoof nila na "Backout: TheBenchwarmers"?

"Ah, hindi. Kanya [Brod Pete] yung palpak, sa akin yungtawanan. Baka sa show mabaliktad—ako yung hindi palakpakan, si Brod Pete angang palakpakan."

Nate-tense ba siya sa show?

"Hindi, ako'y ano, buong-buo na ang loob ko dito. Dahil‘eto, sumugal na yung Jacob Fernandez sa amin. Music Museum pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN