Fashion designer JC Buendia will 'unleash the geisha in him' on "Celebrity Duets"

Fashion designer JC Buendia enumerates his list of dream duets: "Gusto ko si Jet Pangan. Gusto kong mag-rock. Gusto ko rinsi Karylle, kaya lang meron siyang play na ginagawa. Gusto ko rin kasingmagkaroon ng Broadway number. Gusto kong maipakita yung range ko. Gusto ko rinsi Kuya Dick [Roderick Paulate]. Gusto kong magkaroon ng Rick Astley medley."



After Frederick Peralta sa first edition ng Celebrity Duets,si JC Buendia naman ang next fashion designer na sasabak sa hamon ng pagkantaat pagpe-perform sa second edition ng naturang celebrity singing competitionng GMA-7. Magsisimula na ang Celebrity Duets sa August 23.

Seryoso ang 43-year-old designer na si JC sa pagsali niya sa Celebrity Duets upang ipakita na hindi lang sa fashion siya may ibubugakundi maging sa pagkanta rin.

Inamin nga ni JC na bago siya tuluyang nag-decide sumali aynagpunta muna siya sa isang manghuhula. "Sabi ng manghuhula sa akin, ‘In your past life you are atheatrical geisha. You have to unleash the geisha in you,'" kuwento niya.

Kaya go for the gold, itinuloy nga ni JC ang pagsali saCelebrity Duets.

"Kaya dapat game na game ako, walang shy-shy!" sambit niyasa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon pa kay JC, na-inspire daw siya kay Frederick atmagkaibigan naman silang dalawa.

"Oo, friends kami," sabi niya. "At saka isang council kaming fashion designers. So, nagbigay rin siya sa akin ng tips. Huwag daw akongkabahan. I-enjoy ko lang daw yung performance ko."

Since fashion designer nga siya, kaya ibinagay ni JC angunang performance niyang gagawin sa show. Nagsabi nga siya sa amin ngtila sneak peek about his upcoming performance.

"Sa pilot pa lang meron na akong mini-fashion show. Meronakong mga back-up na mga models," banggit niya.

Ang unang kanta niyang ipe-perform ay ang "SimplyIrresistable" ni Robert Palmer at ang kanyang magiging ka-duet ay si RandySantiago.

Aside from Randy, sino pa ang gusto niyang maka-duet sashow?

"Gusto ko si Jet Pangan. Gusto kong mag-rock. Gusto ko rinsi Karylle, kaya lang meron siyang play na ginagawa. Gusto ko rin kasingmagkaroon ng Broadway number. Gusto kong maipakita yung range ko. Gusto ko rinsi Kuya Dick [Roderick Paulate]. Gusto kong magkaroon ng Rick Astley medley."

Sa mga celebrity contenders ng Celebrity Duets, sino satingin niya ang mahigpit niyang makakalaban? Makakalaban ni si JC sina MMDAChairman Bayani Fernando, Joey Marquez, Melanie Marquez, Cory Quirino, CarleneAguilar, JL Cang, at Phil Younghusband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagdating sa galing talagang kumanta, kasi sa rehearsalnapanood ko na lahat, e, magaling talagang kumanta si Chairman Bayani Fernando.He can really carry a tune. Pagdating naman sa pagpapakuwela, kalaban ko talagasi Melanie Marquez. Kuwela talaga siya. Meron pa nga raw siyang quote everyweek, na siguradong aabangan ng mga tao. Si Phil naman guwapo, siyempremaraming fans ang makakagusto sa kanya. Basta ako, lalaban ako nang todo-todo."

Sa tingin niya, advantage ba yung nag-iisa lang siyangfashion designer na contender?

"Advantage din kasi alam ko na maraming nagmamahal sa akin.Fashion designing kasi is a beautiful profession na lahat ng tao mahal ka. Atsaka yung mga kasamahan at friends ko sa industry, lahat sila happy na pumasokako rito. Gusto kasi nila yung nakikita ka on TV."

Favorite singers ni JC sina Julie Andrews at Petula Clark.Mahilig din daw siyang mag-videoke. Bagamat mahilig siya sa mga old songs,natuto na rin daw siyang i-appreciate ang mga modern songs. Sa trabaho niya rawkasi, kailangan bago, young, at innovative.

GMA'S DESIGNER. Isa nga sa mga kinikilalang fashion designers ng bansa siJC, lalo na sa industriya ng showbiz at politics. Nakilala siya bilang favoritedesigner ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Paano ba nagsimula ang kanyangpagiging designer?

Kuwento niya, "Bata pa lang ako, mahilig na akong maggawa ngdesigns. As in five years old, nagdo-drawing na ako talaga. Pero hindi ko paalam noon na mag-e-end up ako as a designer talaga.

"High school ako noong ma-realize ko na gusto ko talagangmaging designer. Noong high school ko nalaman na meron palang trabahong fashiondesigner, at simula noon, yun talaga ang gusto kong maging someday."

Sinu-sino pa ang mga kilalang tao na una niyang binihisan?

"Sina Amy Perez, Franco Laurel... Yun, nag-start yun doon‘tapos dumating na sina Maricel [Soriano], Kris [Aquino], at marami pang iba."

Paano naman niya nakuha yung job na gumawa ng mga damit niPangulong GMA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging designer ako ni President, siguro right time, rightplace. Kasi ang daming mas magaling sa akin na designer. Parang sa akin, simplelang ang lines ko. Siguro yung discipline at dedication ko sa work, siguro yunang nagustuhan niya sa akin.

"Tamang-tama noong vice president pa siya, nangailangan siyang gagawa ng clothes niya. ‘Tapos na-introduce ako ng isang kaibigan niya.Kailangan niya talagang magpatahi, 'tapos tinawagan ako. Ginawan ko siya ng isa.'Tapos simula noon, tuluy-tuloy na hanggang sa maging President na siya."

Ayon kay JC, pagdating sa fashion tinitingala niya si InnoSotto. Hangang-hanga raw siya sa work ni Inno at napakabait daw nitong tao.

Panganay si JC sa apat na magkakapatid. Ang father niya aydating nagtrabaho sa GMA-7. Ang mother naman niya ay retired doctor. Siya nalang ang kasama ng parents niya ngayon dahil yung ibang kapatid niya ay nasaStates na. Yung bunso naman ay namatay sa isang aksidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN