Brod Pete and Long Mejia all set for "Ka Pete Na, Ka Long Pa, The Gag Concert of the Decade"

Brod Pete (left) and Long Mejia (right) topbill the gag concert Ka Pete Na, Long Ka Pa, which will be staged on September 6, 13, 25, and October 2 at Music Museum.



Balitang sumasakit na ang ulo ng producer na si JacobFernandez kina Isko "Brod Pete" Salvador at Long Mejia dahil hindi rawmapagsabay ang dalawa sa TV promo ng iprinodyus niyang show para sa dalawa sa Music Museum.Balitang hindi sinipot ni Long ang TV promo nila sa Juicy ng TV5 at mag-isa lang si Brod Pete na nag-promote.

Napapangiti na lang si Jacob sa attitude ng cast niya sa KaPete Na, Ka Long Pa, The Gag Concert of the Decade. Inaayos naman daw nila angschedule ng dalawa.

Samantala, ginagawa ring biro ni Jacob kung magkano ang talent fee (TF)ni Brod Pete sa show na ito sa September 6, 13, 25, at sa October 2.

"Ka-level ni GabbyConcepcion," ani Jacob dahil siya rin ang nag-produce ng birthday concert noonni Faith Cuneta, na guest si Gabby.

Tinanong din namin si Long kung sino naman angka-level niya sa TF. "Ka-level ni Senator Kiko Pangilinan!" pagbibiro niya.

Humihingi rin si Long ng sorry sa producer dahil nagkaroonng conflict sa schedule niya ang hindi pagsipot sa promo sa Juicy.

Dahil sa dami ng mga kaibigan nina Brod Pete at Long Mejia sashowbiz ay marami ring mga artista na magsusulputan at magbibigay sa kanilang suporta sa kanilang concert. As of now, secret pa lang ang kanilang maisasagot kungsinu-sino ang mga stars ng showbiz ang susuporta sa kanilang first-ever stand-up show. Pero balitang darating sina Cesar Montano, Angelica Jones, atFaith Cuneta.

Kasama sa gagawin nina Brod Pete at Long sa kanilang pagtatanghal ang mga sketches na"Dating Doon," "Hung Hunks," ang pinakaaabangang "The Singing B."

Sa ngayon, pinag-iisipan din nila kung gagawin nila ang kanilangsurprise act na "Backout: The Benchwarmers" dahil sa takot na matarayan sila niAnnabelle Rama. Ang naturang sketch ay halaw sa Blackout fashion ng Bench kung saan nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Pero may statement si Long na hindi siya natatakot kayBisaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahan din ni Long na susuporta ang pinsan niyang siManny Pacquiao, na tinaguriang "caregiver" dahil binigyan siya ng kotse ngboxing champ. Hanggang ngayon, todo pa rin ang pasasalamat ni Long sa ibinigayna kotse sa kanya ng ating Pambansang Kamao.

"Siya pa mismo ang nagsabi sa akin nun na kamag-anak kosiya. Tinanong niya [Manny] ako kung talagang Mejia ang apelyido ko dahil Mejiaraw ang lola niya. ‘Tapos nung sinabi kong taga-Leyte ang Mejia side namin,siya rin daw. So sabi niya, ‘Magpinsan tayo.'"

Binigyan daw siya ng kotse (Toyota) ni Manny dahil nakitaraw nito na nagko-commute siya't walang sariling sasakyan. Naibenta raw kasiniya pati ang kanyang kotse during those times na nasa krisis siya.

"Dahil ang salita niya, ‘Pinsan kita, ayoko nang wala kangkotse.' Birthday ko nun nung ibinigay niya yun. May kasama pang tseke yun worthfifty thousand para pang-gasolina raw. At hanggang ngayon, nakasuporta siya saakin. Basta kapag nandito siya, tinatawagan niya ako at binibigyan ngpanggastos. Malaking tulong din sa akin lalo ngayong wala namang masyadongraket.

"Binibiro ko nga, bigyan na niya ako ng sampung milyon,kahit ten years na kaming hindi magkita!" tawa niya.

Aminado naman ang komedyante na nasa krisis siya at madalangpa sa patak ng ulan ang mga offers. Kaya nga tuwang-tuwa siya nang dumating sakanya ang alok na mag-show sila ni Brod Pete sa Music Museum at sana raw ay itona ang hudyat ng kanyang pagbabalik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN