Aiza Marquez clarifies reported flirting with singer Duncan Ramos

"E, ano namang masama kung umuupo ako sa lap niya? Ganoon lang naman talagaako kay Duncan. Huwag nilang bigyan ng malice yung mga ginagawa ko onamin," says young actress Aiza Marquez about a report that she was allegedly flirting with singer Duncan Ramos in a bar.



Nasa bansa na ulit ang young actress na si Aiza Marquez.Dumating siya ng Pilipinas noong May 25. Limang buwan din siyang nawalasa bansa. December 25, mismong araw ng Pasko, nang magpunta ng Amerika si Aiza.

Ang sinasabing dahilan noon kung bakit nagdesisyon si Aiza na magpunta ng ibangbansa ay dahil na-depress daw siya sa tinakbo ng kanyang career. Wala rawkasing proyekto na dumarating sa kanya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aiza kagabi, August 24,sa birthday party ng entertainment writer na si Roldan Castro ay sinabiniya na trabaho at bakasyon ang ipinunta niya sa ibang bansa at hindidahil na-depressed siya sa takbo ng kanyang career.

"Adventerous kasi akong tao, kaya gusto kong subukan ang lahatng bagay. Nagpunta ako ng America para mag-work sa online casinong tita ko. ‘Tapos sinamantala ko na rin ang magbakasyon. Binisita korin ang lahat ng mga kamag-anak ko na nandun," lahad ni Aiza.

Pero aminado rin naman si Aiza na nalungkot siya nangmapansin niyang madalang ang mga proyektong dumarating sa kanya."Pero hindi naman ako yung talagang na-depress, hindi ganoon. Siguro kungmapapansin ko na wala pa ring mangyayari sa career ko dito sa atin, baka saibang bansa na lang ako maghanap ng ibang trabaho."

Maraming nakakapansin na blooming ngayon si Aiza, mas maganda raw siyangayon kumpara dati. Haka-haka ng iba, may ipinabago o ipinaretoke raw siya sakanyang mukha.

"Huh, wala akong ipinaretoke sa mukha ko, ‘no! Tunay lahat yan," tawani Aiza.

Hindi kaya ang dahilan kaya blooming siya ay dahil may bago na siyangboyfriend?

"Wala pa rin akong boyfriend. Loveless pa rin ako hanggangngayon Promise! E, anong magagawa ko kung talagang maganda ako, diba?" tawa ulit ni Aiza.

Kung wala siyang boyfriend, bakit madalas silang nakikita ng dating bokalistang South Border na si Duncan Ramos sa mga gimikan at sweet pa raw sila sa isa'tisa? Kamakailan nga lang ay may nakakita sa kanila na magkasama saDecades, isang bar sa Quezon City, at grabe raw sila kung maglambingan.Maya't maya nga raw kung umupo si Aiza sa lap ni Duncan. Ang mga taoraw na nakakakita sa kanya ang nahihiya sa mga pinaggagawa niya at lasing dawsiya that time kaya ganun daw ang attitude niya. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't deny naman na we hang out," sabi ni Aiza. "Pero magkaibigan langkaming dalawa. Matagal ko na siya kaibigan. At kung nakikita man kami na sweetsa isa't isa, e, wala namang ibig sabihin yun.

"E, ano namang masama kung umuupo ako sa lap niya? Ganoon lang naman talagaako kay Duncan. Huwag nilang bigyan ng malice yung mga ginagawa ko onamin. Ayokong magpakaipokrita para sabihin na hindi ako umiinom. Umiinomtalaga ako, pero I know my limitations naman. Hindi naman ako nagpapakalasingkaya alam ko naman ang mga ginagawa ko," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN