Dennis Trillo gamely plays along with "Showbiz Central" Killer Task

"Ah, siyempre, bihira lang naman ang mga taong nagpapakitang ganyan sa akin. So, overwhelmed. Actually, akala ko noong una, parang birolang or nagpapa-cute lang. Nakakatuwa lang talaga na meron... Kapag nalalaman mona may mga taong nag-a-admire pala sa ‘yo," says Dennis Trillo about theadmiration John "Sweet" Lapus has for him.



Very rare raw na tumanggap ang actor na si Dennis Trillo nglive interview, pero last Sunday sa Showbiz Centralay live itong humarap sa dalawang host ng SC na sina Pia Guanio at Mo Twister. Naupo siya sa hot seat ng Central Jury at sa huli, mamimili si Dennis kungKiller Question or Killer Task ang kanyang gagawin.

Pia threw the first question. Malapit nanga raw ang first birthday ng anak nila ni CarleneAguilar, totoo raw ba na super bongga ito?

"Actually, I don't think na bongga yung appropriate word.Para sa akin, special siya kasi, siyempre, first birthday ‘yan ng anak ko. Kayagusto ko maging memorable yun para sa kanya atgusto ko, maging happy siya sa special occasion na yun na minsan lang naman sabuhay niya."

RESPONSIBLE DAD. Tinanong naman ni Mo si Dennis sareaction nito tungkol sa sinabi ni Carlene na very responsible dad daw siya.

"Wow! E, di siyempre, ikaw ang masabihan ng ganoon, napositive... Siguro, bihira lang din niyang masabi yun. Siyempre,masayang-masaya, dahil finally, okey na rin kami at maayos na ang lahat. Atsaka, maayos na ang nasasabi sa isa't isa. At siyempre, sobrang happy ako naganoon ang tingin niya at nakikita na rin ang mga effort ko."

Ano raw ba ang mas mahirap gawin para kay Dennis, anggumanap ng good boy or bad boy?

"Mas na-excite akong gawin yung recent ko na ginawa, yung saMagdusa Ka dahil medyo may pagka-offbeat yun. Hindi naman siya yungsobrang masama talaga. Iba lang siya sa usual na ginagawa na boy next door nasobrang bait; at tingin ko kasi, mas interesting na makakita ang mga viewers ngiba kesa yung palagi nilang napapanood na stereotypical na leading man."

SWEET ADMIRATION. Dennis was also asked what he felt about John "Sweet" Lapus being very vocal sa pag-admire sa kanya at pagpapa-cute.

Nangiti si Dennis bago sumagot. "Ah, siyempre, bihira langnaman ang mga taong nagpapakita ng ganyan sa akin. So,overwhelmed. Actually, akala ko noong una, parang biro lang ornagpapa-cute lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ibinuking ni Mo na nagpa-lipo pa raw si Sweet para kayDennis.

"Nakakatuwa lang talaga na meron... Kapag nalalaman mo na maymga taong nag-a-admire pala sa ‘yo."

NOW, SWEET CAN "DIE." Now, for the Killer Question orKiller Task portion, Dennis chose the Killer Task para raw masaya.

And theKiller Task was: "Isa sa aminadong may malaking crush sa ‘yo ay ang ShowbizCentral host na si John Lapus. Sa past guestings mo, natupad na ang isangwish ni Sweet at ito ay ang maka-kiss sa ‘yo. Ngayon naman, ang killer task sa‘yo ay ang tuparin mo ang isang wish pa ni Sweet, ang maka-duet ka sa isangromantic na kanta."

Naging sport nga si Dennis at sinimulang kantahin angrequest ni Sweet na All Out Of Love. At sa huli, may pabirongdialogue ang Sweet ng pasasalamat sa Showbiz Central at puwede na rawsiyang mamatay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN