Cristine Reyes to Carlene Aguilar: "Tantanan na niya ako!"

"Siya po ang nauna, palagi nga po siyang may interview,linggu-linggo sa TV pati sa dyaryo. Kaya huwag po siyang mag-comment na ako angnauna. Pakiusap lang tantanan na niya ako kung 'yon ang gusto niyang mangyaritalaga!" says Cristine Reyes regarding Carlene Aguilar's claim that Cristinealways mentions her son Calix's name in interviews.



Natutuwa at nagpapasalamat si Cristine Reyes sa magagandangfeedback sa kanyang paglabas sa Maalaala Mo Kaya ni Ms.Charo Santos last Saturday. Gumanap siya rito bilang GRO para matustusan langang paghahanap sa nawawala niyang ama.



"Thank you po sa lahat ng bumati after nilang mapanood yung MMK episodena iyon. Nag-text din po sina Ms. Linggit Tan, Mama Bear, at iba pa po, atsinabi nilang magaling ang pagkakaganap ko. And I'm happy sa mga papuri nila,"masayang kuwento ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Sa totoo lang po, halos manhid na ang buo kong katawandahil sa pagod noong taping. Paano, tatlong oras lang ako nakatulog sasasakyan patungo sa mga taping ng dalawang TV program ko.

"Feeling ko talaga, tuyung-tuyo na ako. Halos hindi na akomakaiyak dahil sa pagod, e. Kaya nga para makaiyak lang ako ng maayos, sinuntokko yung cart ng popcorn. Talagang nasaktan ako at dumugo ang kamay ko. Nangmakita yun ni Direk [Jeffrey Jeturian], nasabi niya, ‘O, take na!'

"Yung tatlong take nga po ng sampal sa akin ni Tita Dexter[Doria] halos hindi ko nararamdaman dahil sa manhid na ang katawan ko. Kayanatuwa sa akin yung staff ng MMK at binigyan nila ako ng cake. Tinanongko nga po kung bakit nila ako binigyan ng cake, ang sabi, natuwa sila kasihindi ako nagreklamo sa mga sampal na talagang masakit.

"Kaya hindi ko talaga makakalimutan 'yong cake dahil firsttime na nabigyan ako ng cake na hindi ko naman birthday, e," dagdag ni Cristine.



Ayon pa sa younger sis ni Ara Mina, kasama niyang nanood ng naturang episode ng MMKang rumored boyfriend niya na si Dennis Trilloat pati ang award-winning na aktor ay pinuri rin siya sa kanyang performance.



"Maganda raw po ang acting ko, pasado raw sa panlasa niya. Although nahihiyaako kaya inililipat-lipat ko yung TV dahil baka kulang pa yung acting ko, e, atsaka yung role ko kasi GRO. Medyo daring kaya nahihiya ako kay Dennis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CARLENE QUESTIONS. Kinuha rin ng PEP ang reaction ni Cristine sa pahayagni CarleneAguilar na itigil na niya ang pagbanggit kay Calix (anak niDennis kay Carlene) sa mga interview sa press.



Ayon sa dalaga, umiiwas nga siyang mapag-usapan ang anak ni Dennis, kaya lamangay may mga taga-press na nag-uusisa talaga sa kanya at ayaw ng sagot na"no comment."



Bumuwelta naman si Cristine kay Carlene, nang usisain namin sa madalas napagkakadadawit ng pangalan niya sa mga interview ng dating beauty queen.



"Siya po ang nauna, palagi nga po siyang may interview, linggu-linggo sa TVpati sa dyaryo. Kaya huwag po siyang mag-comment na ako ang nauna. Pakiusaplang, tantanan na niya ako kung 'yon ang gusto niyang mangyari talaga!"



Ayon pa sa isang malapit kay Cristine, tila enjoy si Carlene na ginagamit siCristine. Katunayan daw, bago ang insidente sa programa nina Allan K atJaya na, K, The 1 Million Peso Videoke Challenge, maayos na nagpapalitanng text sina Cristine at Carlene, kaya nakapagtataka raw nang biglangtinangkang kumprontahin ni Carlene si Cristine sa harap ng maraming tao paramakagawa ng eksena at mapag-usapan.



"Mabuti nga at hindi na ito sinabi pa ni Cristine sa publiko, ayaw na kasiniyang palakihin pa ang insidente. Si Carlene lang naman kasi anggustung-gustong maki-ride on sa publicity kina Dennis at Cristine, e," saad pang aming source na malapit kay Cristine.



Iboto kaya ni Cristine si Carlene na isa sa contestant sa Celebrity Duetsng GMA-7, na ang mga contestant ay mananalo sa pamamagitan ng text votes?

"Sa tingin po ba ninyo iboboto ko siya? Sa tingin n'yolang po, kasi sa tingin ko, ano, e... joke lang po!" nakatawangsagot ng young actress with matching pilyang ngiti pa.

NOT AFFECTED. Lastly, ano naman kaya ang comment niyasa sinabi ni Carlene na hindi siya (Cristine) invited sa birthday ng anak nilaDennis na si Calix.



"Hindi naman siguro ako dapat maapektuhan doon, e. So, okey lang, sa ibangparty na lang ako pupunta!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ewan ko ba, bahala na lang siyang magsalita ng kung anu-ano riyan, hindi akoapektado sa kanya. Basta sa amin ni Dennis, walang problema at ayokonamang magmakapal ng mukha na pupunta roon kung may mga taong ayaw akongpapuntahin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN