Marian Rivera and Dingdong Dantes all set to give fans grand birthday blowout

This picture was taken during their rehearsal break. Dingdong Dantes and Marian Rivera, also known for their dancing prowess, will treat their fans to a grand dance showdown tonight!


Hindi namin kinaya at kami ang napagod nang husto nang ikuwento sa amin ng mga managers nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sina Perry Lansigan at Popoy Caritativo, respectively, ang very hectic schedules ng kani-kanilang mga alaga.

Sinimulan na ng dalawa ang pagkukuwento sa araw na na-delay ang flight nila pabalik ng Pilipinas from New Jersey. In a way, blessing in disguise na rin daw siguro ang nangyari kaya ayaw na nilang pag-usapan pa ang reason ng delay sa pagdating ng kanilang eroplano, dahil ayon kay Popoy, "Kahit kami, hindi namin alam kung bakit hindi kami nakasakay sa eroplano gayong on time kaming naroon sa airport."

Anyway, instead nga raw umalis at mamasyal pa, pare-parehong nagkasundo ang dalawang managers at sina Dingdong at Marian na gamitin na lang ang buong araw na yun para matulog. Bale puhunan na raw ng dalawa yun dahil alam nilang pagbalik nila, sasabak na sila sa walang humpay na pagod at puyatan.

True enough, pagdating nga nila ay sumabak na sila kaagad sa rehearsal for their birthday concert sa Araneta Coliseum, na magaganap tonight, August 27, at taping for Dyesebel. Halos magkaparehong-magkapareho ang schedule ng dalawa, naiiba lang kapag kailangan nilang puntahan ang mga personal or individual nilang commitments.

Last Sunday naman, nasa SOP ang dalawa to promote their birthday concert. Nagsilbing guest co-hosts na rin sila ng naturang variety show sa bandang huli. After that, habang nagre-record si Dingdong, si Marian naman ay nagpunta sa launching ng kanyang ika-15 na endorsement, isang variety goods, na naganap sa Shangri-La Hotel. Isang toothpaste naman ang ika-17th, and by next month, posibleng simulan ang shooting ng TV commercial nito.

After that, parehong sumabak ulit sa rehearsal ang dalawa na umabot daw hanggang 2:00 a.m. Pero after that, nagbiyahe ang mga ito papuntang Subic, kung saan nag-taping naman sila ng Dyesebel hanggang 6:00 a.m. in the morning ng Tuesday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bale dalawang oras na nasa daan ang dalawa. Umuwi at naligo lang daw 'tapos diretso naman sila sa kanilang live guesting nila for SiS anniversary. Part rin ito ng pag-promote ng kanilang dance concert.

Right after SiS, sumalang silang dalawa sa The Ricky Lo Exclusives. Around lunch time ay sumaglit lang daw ng uwi sa kanya-kanyang bahay sina Marian at Dingdong para mag-lunch, then, by 3:00 p.m. ay nasa rehearsal na sila ulit sa Araneta Coliseum.

Nakita mismo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang paghahandang ginawa ng dalawa para maging bongga ang mga special dance and song numbers nila for Let's Celebrate: The Dingdong & Marian Birthday Blowout!

Nakabibilib din ang energy ng dalawa na kung tutuusin, wala silang tulog for three days straight. At ang kanilang pag-eensayo ay inabot ng 2:00 a.m. ng Miyerkules.

Para naman daw ma-recharge for their actual show, may nakapagsabi sa PEP na bandang ala-una naman na ng hapon ang call time nila for tonight's concert. Sana nga ay makapagpahinga sila para mamayang gabi ay puno sila ng energy at hindi haggard-looking ang dalawa.

Mamayang gabi, ano nga ba ang makikita ng mga manonood? Since napanood namin ang rehearsal, itsi-chika namin sa inyo.

May bagong "kembot" dance na ipapakita si Marian. Kaabang-abang din ang isang dance number niya na siguradong marami ang magugulat.

Sa part naman ni Dingdong, makikitang muli ang kanyang galing sa pagsayaw. Para sa mga hindi nakakalaam, bago naging artista si Dingdong ay naging bahagi siya ng all-male dance group na Abztract.

At siyempre, talagang kaabang-abang ang production number na magkasama ang dalawa, nakaka-touch ito at talagang makaka-relate ang nakasubaybay sa simula ng kanilang tambalan sa telebisyon.

May pambibitin sa amin ang manager ni Dingdong na si Perry, dapat daw abangan ang magaganap towards the end. Ayaw nitong magbigay ng anumang clue kahit anong pilit ng PEP. Pero may kutob kaming isa itong invitation or announcement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fairness, pinagkagastusan ang production design at ang kabuuang production ng concert. Halos pinagsama-sama sa birthday blowout na ito ang lahat ng premyadong dance groups sa bansa tulad ng Maneouvres, Speed, Kidz at Work, Abztract Dancers, Dance Squad, at Hotlegs.

Si Mark Lopez ang overall musical director with the help of Ms. Geleen Eugenio at mga choreographers ng bawat dance group.

Si Direk Louie Ignacio ang overall-in-charge of production. Nang tanungin siya tungkol sa ginastos sa total production, hindi siya nagsabi ng exact amount pero mahal daw. Pero hindi bale, bawi naman daw sa sponsors.

Dingdong will be wearing Randy Ortiz, while Marian will don dresses courtesy of the apparel brand she's endorsing. Dingdong's makeup will be done by Juan Sarte, while Marian's will be by Pops de Guzman.

Siyempre pa, ang mga Kapuso stars na kumpirmadong mapapanood mamayang gabi ay sina Diana Zubiri, Iza Calzado, Iwa Moto, Bianca King, Yasmien Kurdi, Sunshine Dizon, Regine Tolentino, Rochelle Pangilinan, Marvin Agustin, Paolo Contis, Hayden Kho, Mark Herras, Alfred Vargas, Regine Veleasquez, at Ogie Alcasid.

Birthday ni Ogie ngayong araw na ito. Actually, kagabi pa lang, habang nagre-rehearse sa Araneta, tinawagan na ito ni Dingdong sa cell phone ng hating-gabi para batiin at iparinig ang "Happy Birthday" song ng buong production group.

Totoong nagkaubusan na raw ng tickets sa dami ng gustong manood. In fact, namigay na rin daw ang GMA-7 ng SRO tickets, pero naubos na rin. Kung darating lahat ng humingi ng tickets, siguradong punung-puno raw ang Big Dome ngayong gabi. At umaasa nga silang sana ay dumating at manonood talaga ang mga nanghingi ng tickets dahil nakakahinayang daw na maraming hindi na nabigyan, na ang iba pa nga ay manggagaling pa sa probinsiya.

Kahapon daw ay may dumating na ang iba't ibang grupo, na umabot daw sa 50 tao, galing sa iba't ibang lugar sa U.S.A. Ilan sa mga ito ay ang mga nakilala at sumalubong sa kanila noong nagpunta ang dalawang Dyesebel stars sa L.A. Tinotoo raw nila ang pangakong umuwi ng Pilipinas para lang mapanood ang birthday concert ng dalawa. Ang ending, yung tickets na natabi raw ng managers nina Dingdong at Marian ay ibinigay na lang sa mga balikbayan. Hindi raw siguro matatapatan lang ng pasasalamat ang ginawa nilang effort na umuwi pa ng bansa para lang manood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anyway, sa mga hindi talaga pinalad na makakuha ng tickets, lalo pa't may "no ticket, no entry" policy, magkakaroon pa rin ng chance na mapanood ang Let's Celebrate, The Dingdong & Marian Birthday Blowout sa Linggo ng gabi, August 31, sa SNBO ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN