Actor-producer Allen Dizon takes a break from gay-themed roles

"Ngayon kasi,dumami na ang kanyang public at kasama na yung mga kababayan, mga kaibigan, atmga kamag-anak ang nanonood sa kanyang mga pelikula. Gusto naman ni Allen namakita siya sa ibang role na matinding acting ability ang ipakikita niya," says Allen Dizon's manager, Dennis Evangelista.



Hindi na raw muna type ng sexy actor na si Allen Dizon na gumanap ng gay roles. Pagkatapos ng Paupahan na iprinodyus ng kanyangsariling film outfit, kung saan isang aging male starlet na nagko-call boy angkanyang ginampanan, ayaw na muna niyang gumanap ng mga ganitong uri ng papel,ayon sa kanyang manager na si Dennis Evangelista. Sa Paupahan nga kasi, maymatinding sodomy scene si Allen at ayaw na muna niyang ulitin yung mga ganoongeksena.

Yung pelikulang Alaga sana ang follow-up movie ng ATD Filmsat si Allen nga sana ang gaganap na gay. Magkakaroon din siya ng love scene saisang dapat ay lover niya sa istorya.

"Tumanggi si Allen, ibang project naman daw yung gawinnamin," sabi ng manager ng actor-producer. "Ako naman, naiintindihan ko siya. Ngayon kasi,dumami na ang kanyang public at kasama na yung mga kababayan, mga kaibigan, atmga kamag-anak ang nanonood sa kanyang mga pelikula. Gusto naman ni Allen namakita siya sa ibang role na matinding acting ability ang ipakikita niya. I agreena isang tunay na aktor si Allen kaya nga ako mismo ang naghanap ng ibangproject na isusunod namin sa Paupahan."

Isang dahilan pa raw ay gusto na talagang mamili ni Allen ngmga gagampanan nitong roles. Siya nganaman ang producer kaya talagang ito na yung pagkakataon na he can choose theroles that he will play.

Isa pang dahilan, ayon kay Dennis, ay yung obserbasyon mismoni Allen at ng maraming indie-movie aficionados na talaga namang talamak naang gay films. Lahat na lang daw ng indie films ay tumatalakay sa kabaklaan naumabot sa point na nagpapaligsahan na sa mga ipakikitang maseselang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"May ginagawang pelikula si ganyang direktor, merondin si ganito, parang gusto naman naming sa ATD Films na lumihis. Hindi naminsinasabing hindi matino ang gay films, pero talagang we would like to tacklemore relevant issues aside from the gay genre," pahayag ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN