Rufa Mae Quinto comes home after three-week stay in Canada

"Itong trip ko sa Canada, talagang nagbakasyon na rin ako.Kahit wala akong makeup at mukhang bagong gising, go, go, go ako talaga! Kahitayokong maka-miss out sa pasyalan," relates Rufa Mae Quinto.



Nakabalik na ng Pilipinas si Rufa Mae Quinto noong August 25pagkatapos ng tatlong linggong trabaho at bakasyon sa Canada. Nagkaroon ng series ofshows si Rufa Mae sa Vancouver, Alberta, Winnipeg, Red Deer, at Edmonton kasamasina Allan K, Pooh, at Giselle Sanchez.

"Nag-show kami para sa ilang Filipino communities doon. Yungproducer namin, ang bait-bait, sobra! Lahat yata ng gusto namin, ibinigay niyakaya naman kami, super ang pagbigay ng show. As in ibang level na talaga!

"Nakakatuwa nga kasi ang init-init ng pagtanggap nila saamin doon. Kahit nga sobrang lamig doon ay dumating sila sa mga shows namin.Miss na miss na raw nila ang Pilipinas kaya masayang-masaya silang nanood ngshows namin doon," masayang kuwento ni Rufa Mae sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Sinamantala na rin daw ni Rufa Mae at ng ilang kasamahanniya ang pagkakataon na mamasyal sa ilang magaganda at sikat na tourist spots sa Canada. Firsttime nga raw ni Rufa Mae sa naturang bansa kaya nag-feeling turista siya sakanilang masayang paglalakbay.

"Bihira naman ako maging turista, e. Kadalasan, kapag nasaibang bansa ako, trabaho ang pinupunta ko. Hindi ko masyado na-appreciate angmga magagandang lugar. Minsan kasi ilang days ka lang, ‘tapos uuwi na agad saPilipinas kasi nga may trabaho na naghihintay.

"Itong trip ko sa Canada, talagang nagbakasyon na rin ako.Kahit wala akong makeup at mukhang bagong gising, go, go, go ako talaga! Kahitayokong maka-miss out sa pasyalan. Siyempre, nag-shopping ako pero more para sapamilya ko at mga kaibigan. Konti lang para sa akin kasi ang dami ko nang mgagamit.

"Kung saan-saan kami nagpunta at ang gaganda ng mga lugar.Parang ang lapit-lapit mo sa nature kasi alaga ang mga bundok, ilog, at gubatnila. At ang fresh ng hangin parati. Parang walang gano'n sa Pilipinas masyado,di ba?

"Tutal nagpaalam naman ako sa mga EP [executive producers]ng shows ko sa GMA-7 na Dyesebel, Showbiz Central, Bubble Gang, at SOP namatatagalan ako sa Canada dahil ilang shows ang gagawin ko. Tapos naman na akosa shooting ko ng Single sa Viva Films at I.T.A.L.Y. sa GMA Films. Itongpag-uwi sisimulan ko naman ang Desperadas 2 para sa Regal Entertainment. Kayatama lang na napahinga ako nang husto," lahad ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-miss nga raw ni Rufa Mae ang pagtatrabaho kaya namanhanda na ulit siyang bumalik sa mga shows niya.

"Nakikibalita lang ako sa mga friends ko. Miss na raw nilaakong mapanood sa TV. Kaya here I am! I'm back, ready or not!" sabay malakas natawa ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN