Angelika dela Cruz takes two for kissing scene with Wendell Ramos

"First time ko pa lang siyang makakasama at first timena makaka-partner, hindi pa talaga kami close. Natawa nga ako nangpagkatapos ng first take sa kissing scene, sabi ni Direk Joel sa amin, ‘Hindiko sinabing magtukaan kayo, sabi ko, maghalikan kayo!' Na-take two kamiand after that, naging maayos na ang taping ng eksena namin," relates Angelikadela Cruz about her first kissing scene with Una Kang Naging Akinleading man Wen



A true professional, kahit may fever at medyo paos angboses, um-attend pa rin si Angelika dela Cruz ng presscon ng Sine Novela na UnaKang Naging Akin ng GMA-7, noong Huwebes, August 28, sa Sapphire Room ng MandarinSuites sa Gateway, Cubao, Quezon City. Nagpaliwanag naman si Angelika saPEP (Philippine Entertainment Portal).

"Umaga na po kasi kami natapos ng taping. This morning,"nakangiting sagot ni Angelika. "Sa Monday [September 1] na po kasiang pilot telecast namin, after ng Vaklushi season ng Daisy Sieteand we need to promote it."

Alam ba niyang ang character na Vanessa ay nagbigay sa unanggumanap dito na si Dawn Zulueta (sa Viva Films movie version ng Una KangNaging Akin) ng Best Supporting Actress award mula sa FAMAS noong 1992?

"Yes po, kaya nga medyo kabado ako sa simula ng tapingnamin. Pinapanood po sa amin ang original story, pero hindi ko pokailangang gayahin ang acting ni Ms. Dawn. Siyempre po sarili ko po kung paanoko i-tackle ang kanyang character. Dahil siguro po, hindi namin kayang lampasanang husay ng acting nina Ate Sharon [Cuneta] at Gabby [Concepcion]. At verysupportive po naman si Direk Joel, gagawin ko na lang kung ano ang bestko."

UNHAPPY RUMOR. May intriga kay Angelika, nasulat nahindi raw siya happy na from primetime slot—sa Babangon Ako at DuduruginKita, ang unang soap niya pagbalik niya muli sa GMA Network—ay biglanginilagay siya sa afternoon slot. How true?

"Hindi po totoo 'yon, kasi noong nasa ABS-CBN pa ako,ginawa ko ang Bituing Walang Ningning na nasa primetime din, at bago akolumipat dito, ang ginawa ko naman, yung Sine Serye na Prinsesa ng Banyerana ipinalabas din every afternoon.

"Ano po ang dapat kong ireklamo, samantalang kahit afternoonslot ang Una Kang Naging Akin, pareho pa rin naman ang talent fee ko?Pareho pa rin ang pagtatrabaho na nagti-taping ng three times a week. Pareho paring mataas ang rating ng mga afternoon shows ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ano pa ang mahihiling mo kung si Direk Joel Lamangannaman ang direktor mo? Siya rin ang direktor ko sa Babangon Ako'tDudurugin Kita kaya natuwa ako nang siya muli ang magdidirek nito. Kayakahit siguro sa madaling-araw ipalalabas ang bago kong soap, tatanggapin ko parin," mahabang paliwanag ni Angelika.

Dagdag niya, "Saka may bago akong sisimulang dramedy sa primetimeslot, ang La Lola. Next month [September], hindi ko pa lang alamang exact date, magsisimula na po kaming mag-taping."

FIRST TIME. First time lang lahat makakasama niAngelika sina Maxene Magalona, Wendell Ramos, Alfred Vargas, LJ Reyes, MelMartinez, Raquel Villavicencio, at Gina Alajar. Kumusta naman katrabaho siWendell? Magkasintahan kasi sina Wendell at Angelika sa istorya. Si Angelikaang unang minahal ni Wendell at pinangakuan ng kasal na naunsiyami naman, nangdahil sa isang sakuna na naglayo sa kanila at nagbura ng alaala ni Wendell.

"Medyo nga po nailang ako kasi first taping day pa langnamin ni Wendell, kissing scene na agad!" natatawang wika niAngelika. "First time ko pa lang siyang makakasama at first time namakaka-partner, hindi pa talaga kami close. Natawa nga ako nang pagkataposng first take sa kissing scene, sabi ni Direk Joel sa amin, ‘Hindi ko sinabingmagtukaan kayo, sabi ko, maghalikan kayo!' Na-take two kami and afterthat, naging maayos na ang taping ng eksena namin.

"Sa ngayon kasi, wala pa kaming chance ni Wendell namag-bonding dahil after that, wala pa kami ulit taping na magkasama, masmadalas kong kasama sa eksena sina Mel at Tita Gina. Si Maxene, hindi kopa rin nakakasama sa taping. Ang madalas niya pang kasama ngayon, si Wendell,sa mga taping nila sa Morong, Bataan. Ako naman dito lang sa Metro Manila atsaka sa Subic."

ORION'S SAY ON KISSING SCENES. Hindi ba nagseselosang boyfriend niya of two years na si Orion Casareo, na may mga kissing scenesat bed scenes siya? Sinasabi ba niya kung anong eksena ang gagawin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po siya nagseselos. Hindi ko na rin dapatsabihin sa kanya kung ano ang gagawin ko. Given na po kasi na bilang artista,kasama ang mga ganoong eksena sa shooting o taping. Naiintindihan po niyaang trabaho ko."

Sa sunud-sunod na trabaho ni Angelika, hindi na munamatutuloy ang nauna niyang balak noon na dalawin ang mga lolo at lola niya saVienna, Austria.

"Sila na lang po ang uuwi at magbabakasyon dito, angbuong family sa side ng mommy ko. Gusto po nilang magbakasyon sa Boracay,at sa January, 2009 po sila uuwi rito."

HELLO FROM ECHO. Bago nagpaalam ang PEP kay Angelika,naikuwento sa kanyang ipinaaabot ng dati niyang boyfriend na si JerichoRosales, noong presscon nito ng Baler (ang filmfest entry ng Viva Filmsna pinagbibidahan din ni Anne Curtis), ang pangungumusta sa kanya dahil nawalana raw niya ang number ni Angelika. Ayaw raw naman hingin ni Jericho ang numberni Angelika, dahil baka magalit ang boyfriend niya.

Hindi sumagot si Angelika, ngumiti lang siya.

Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang smile,nakipag-communicate na ba ulit si Jericho sa kanya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN