Sam Milby uneasy with Anne Curtis's kissing scenes with other actors

"Ayaw ko. Pero alam ko naman na trabaho ‘yan.Siguro kung may kissing scene ako sa ibang babae na maganda siya, ‘tapos ano,passionate ang kissing, siguro naman ayaw din niya [Anne]. Pero alam niya,trabaho," says Sam Milby about rumored girlfriend Anne Curtis's kissing sceneswith other actors.




Nilinaw ni Sam Milby sa birthday party ng komedyanteng si Pokwang, ang napabalitanghidwaan nila ng rumored girlfriend niya na si AnneCurtis. Mabilis kasing kumalat ang balitang nagkatampuhan sila ni Anneat kasunod nito ay natsismis na hiwalay na sila.

"Hindikami puwedeng maging ‘off' kung hindi naging ‘on,' di ba? So, paano?" bungad niSam.

Nakiusapnaman si Sam na para sa kanila na lang daw ni Anne kung anuman ang dahilan ngkanilang "breakup." Pero paano sila nagkabati?

"Nag-usapkami siyempre. Yun ang kailangan, pero minsan walang time kaya humaba yung away.Kasi ako I'm doing an indie film, ‘tapos sa Dyosalang kami nagkikita. Pero hindi kami puwedeng mag-usap sa taping, kasi trabahonaman kami. Kaya mali yung lugar."

Inaminnaman ni Sam na siya ang gumawa ng first move para sila magkabati ni Anne.

"Sabiko sa kanya, tinext ko siya, siyempre we need pa...so, when wehave free time, yun ang ginawa ko."

ANNE AND ECHO. Natsitsismisngayon si Anne kay Jericho Rosales nung mabalitana wala na sila ni Anne.

"Siyemprenaman they're doing a movie together. Laging ganyan sa showbiz."

Perohindi rin maiaalis ang posibilidad na puwede talagang magkaroon ng ugnayan sinaJericho at Anne since walang girlfriend ngayon ang aktor, at hindi naman umaamin sila ni Anne na together nga silang dalawa.

"Satotoo, puwede naman siya, kasi, I mean... Hindi naman bawal para sa kanya[Anne] na ligawan. Pero siyempre ayoko," madiing sabi ni Sam, sabay dilat ng mgamata niya.

"Hindikami 'on' kaya hindi naman bawal para sa kanya, di ba?"

Perohindi ba't inamin na nila before na exclusively dating na sila?

"Perohindi kami 'on'. Ako, I'm not dating any girls but hindi naman bawal para sakanya. It's not naman bawal."

KISSING SCENESWITH OTHER MEN.Magseselos kaya siya sa kissing scene ni Anne with Jericho?

"Siguro,"malungkot na sabi ni Sam.

"Perosyempre, ayaw ko," nakadilat ulit na sabi ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Peroalam ko naman na trabaho ‘yan. Siguro kung may kissing scene ako sa ibang babaena maganda siya, ‘tapos ano, passionate ang kissing, siguro naman ayaw din niya[Anne]. Pero alam niya, trabaho."

Nasubukanna ni Sam na mapanood si Anne na ka-kissine scene si AgaMuhlach sa When Love Begins.May kurot ba sa puso niya nang mapanood ang halikan nila sapelikula?

"Siyempre,"diretsang pag-amin ni Sam. "Pero okey naman ako. ‘Tapos sabi ni Kuya Aga, ‘Oy,Sam, see? Okey naman, ‘no?' Okey naman ako. Ha-ha-ha!

"Okeynaman. Pero siyempre, alam ko naman na trabaho."

PASSIONATE LOVESCENE.Paano ‘yan, may balita na magkakaroon daw ng passionate love scene sina Anne atJericho sa movie na Balara, angfilmfest entry ng Viva?

"Maylove scene? Trabaho yun. Siyempre ayaw ko, pero trabaho. Okey naman peroayokong manood. Joke! Ha-ha-ha!

"Hindi, manonood ako para suportahan siya, katulad ng When Love Begins, di ba?" pagtatapos ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN