Mel Martinez goes back to acting in "Una Kang Naging Akin"


Mel Martinez took a break from acting and tried his hand ondirecting TV ads. Now he's back to acting as the gay friend of Angelika delaCruz's character in Una Kang Naging Akin.



Matagal din palang hindi nakaarte ang nakababatang kapatidni MaricelSoriano na si Mel Martinez sa isang soap drama. Huling nilabasanna soap drama ni Mel ay ang Princess Charming noong isang taon pa.

Sey ni Mel ay hindi naman daw niya hinahanap-hanap angpaglabas sa mga soap dramas dahil may pinagkakaabalahan din siyang trabaho.Nagdidirek si Mel ng mga commercial ads na exclusive lang na pinapalabas saGMA-7.

"Doon ako naging busy talaga. Kasi sunud-sunod ang mganagawa ko kaya nag-enjoy ako," ngiti pa ni Mel.

"It's nice to do things na iba naman. Siyempre, bata pa langako, umaarte na ako, ‘di ba? E isa sa mga pangarap ko ay ang maging isangdirector. Kaya ito, natupad naman kahit sa paggawa ng commercials."

Noong i-offer nga sa kanya ang role sa Una KangNaging Akin, hindi na raw niya ito tinanggihan dahil alam niyang magandangproject ito at panahon na raw na umarte siya ulit.

"Role ni Michael de Mesa na bading ang natoka sa akin.Napanood ko naman ang movie at maganda siya. More than the project nga,makakatrabaho ko ulit si Angelika dela Cruz na na-miss kong makatrabaho. Nagsamana kasi kami before sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"'Tapos nandiyan din sila Gina Alajar, Wendell Ramos,Alfred Vargasat si Direk Joel Lamangan na mga kaibigan ko. Kaya ang saya-sayang makabalik saganitong klaseng show."

Naikuwento rin ni Mel na kasama siya sa show ng TV5 na HushHush kunsaan kasama rin ang dating husband ng pamangkin niyang si Meryll Sorianona si BernardPalanca.

Sey naman ni Mel na hindi pa raw niya nakakaeksena siBernard pero wala naman daw silang problema. Sa pagkakaalam niya ay maayos nasilang nag-usap ni Meryll.

"Ang alam ko, pareho silang nagplano para sa birthday partyng anak nilang si Elijah. So it means na nagkakausap na sila at dasal namannaming lahat na magkaayos sila for the sake of their child.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nga, hindi na nag-work yung pagsasama nila. Perokung para lang sa anak nila, doon sila magkaayos. Sa tingin ko naman, mukhangokey na si Bernard. Naayos na niya ang sarili niya at ngayon nagtatrabaho nasiya ulit. That's a good sign, ‘di ba?" pagtatapos pa ni Mel Martinez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN