Edu Manzano on the woman of his life, his son Luis, and politics

"You know,para makasundo ko siguro, meron din siyang mga qualities na katanggap-tanggap.Like, she must have a very good sense of humor which alam niyonaman she also possesses. So, I guess it's kinda nagiging mas maganda tuloypara sa mga bata," says Edu Manzano about the woman in his life now.



Magse-celebrate ngkanyang 53rd birthday ang Optical Media Board (OMB) Chairman at host ngPilipinas, Game KNB na si Edu Manzano on September 14. Kaya magkakaroonng week-long celebration sa Pilipinas, Game KNB, kung saan malaking sorpresaraw ang inihanda ng programa para kay Edu kasabay ng paglulunsad ng bago niyangalbum mula sa Universal Records.

"We're very happywith Pilipinas, Game KNB and I'd like to thank Universal Records because theystart to make you believe in yourself, e. But I'm smart to know na, ‘Edu don'tgo to far. Medyo ibabalik ka namin sa reality. Huwag kang magkaroon ng ilusyonthat you're a recording star.' Kami talaga, ang pakay namin is to make people happy through the medium of music," umpisa ni Edu nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa taping ng Pilipinas, Game KNB kahapon, September 3.

Ano ang kanyangbirthday wish?

"My birthday wishis, you know... I thought about it this morning, wala akong maisip, e."

Wala siyang maisipkasi nasa sa kanya na raw ang lahat.

"Yeah, I was justwith my son [Luis Manzano] there sa baba, e. We're with our friends from NissinMonde and I realized that I'm also lucky with my children. I don't needanything else.

"I only havethree: si Luis, si Adi, at si Enzo. I talk to them as long as I can. I seethem as often as I can. Kanina nga si Luis, I don't know kung nasa mood siyadahil pack-up sila nung teleserye nila kahapon, yung Dyosa. Grabe makipagbiruankanina si Luis. He was in his element. And then I realized, ‘Wow, ang galingnitong anak ko!'"

Aprubado ba siya sapagiging "exhibitionist" daw ni Luis?

"Well, I asked himkasi, you know, kulang na lang siguro mag-frontal [nudity] siya, e! Well, inthe case of Luis, he likes to look at himself as a serious actor. Minsanhinihingi talaga yun sa eksena. And of course, nandiyan naman yung safeguardsby the MTRCB. So, of course, it will not go too far."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Edu kaya nagmanasi Luis ng pagiging exhibitionist?

"Alam niyo naman nasa lahat, ako ang pinaka-konserbatibo sa pamilya namin. Tingnan mo, angtaas-taas ng zipper, o [sabay turo sa jacket na suot niya]! Balot na balot, e.But you know, bagamat palabiro si Luis, he has a fantastic sense of humor, heloves to be taken seriously because he takes his craft seriously."

Biro ulit ni Edu,isang gamit ng charms and crystal na bracelet ang regalo sa kanya ni Luis. Butof course, hindi yun ang totoo. Pero may balita rin na kuripot daw siLuis.

"No, sa edad niyang‘yan siguro, isipin niya muna ang pagle-lay ng tamang foundation. He shouldrealize na this kind of business is temporary and you should not be carriedaway. So, his case, I'm sure he's trying first to prepare for his future. Then, yungibang mga luho will come shortly thereafter."

Papayagan ba ni Eduna mag-artista rin ang iba pa niyang mga anak?

"Si Luis, kahit angdaming pumintas sa akin noon at sinabing nagpaka-suwapang ako dahil hindi koini-expose ang mga bata, it was my prerogative bilang isang ama.

"Ang aking opinyon ay importante muna angisang tamang edukasyon, nang sa ganun kung hindi maging matagumpay sa pelikulao sa pagkanta o sa ibang larangan, meron silang mapupuntahan. And that's thefoundation provided by a good education. So, all my children, that would be thesame."

WOMAN OF HIS LIFE. Saan namannanggagaling ang inspiration niya kaya looking good and handsome pa rin siya?

"Well, I have awonderful woman who takes good care of me, and alam naman ng lahat ‘yan, e. Now,siguro hindi na ako dapat maging laman ng mga columns ng ating mga friends from the entertainment press. Nandunlang ako sa bandang likuran, na I'mtrying to just have, let's say, enjoy what's left in my life. Just to make surethat my children are always being taken care of."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi "futurewife" ang itawag niya sa sinasabi niyang "woman in his life"?

"Ay, hindi, siyempremasyado nang speculative na yung mga ganyang salita."

Matagal na rawsilang magkarelasyon ng sinasabi niyang "woman' at kasundo raw nito ang mgaanak ni Edu.

"Yeah and, you know,para makasundo ko siguro, meron din siyang mga qualities na katanggap-tanggap.Like, she must have a very good sense of humor which alam niyonaman she also possesses. So, I guess it's kinda nagiging mas maganda tuloypara sa mga bata."

Is she the lastwoman in Edu's life?

"Well, all theothers have broken my heart, e, you know. Siyempre kahit paano umaasa ka lang.Kasi ako, before, akala ko lagi yun na. But no, wala silang ginawa kundi saktanako, gamitin ako. Ngayon, nananatili akong ganito. I'm broken," biro ni Edu.

"I think you shouldtake one day at a time," seryoso na niyang sabi. "Yun ang kagandahan kay Luis, e. Peopleare open in speculating na ‘eto na ba? You will finally settle down. You'vebeen a bachelor for so long. You know, one day at a time. I've been blessedwith a number of ladies who became part of my life and because of my momentswith them, I ended up enriched in many, many ways. So, my point of view is,be the best that you are and the best will come true."

POLITICS. Kinumpirma ni Edu nasiya ay naimbita na tumakbo sa 2010 elections.

"Originally, I wasinvited but I have not given my answer. Every election naman, lagi akonginiimbita. Last time, inimbita nila ako, di ba?"

Tinanggap na niyaang alok?

"It's always aconsideration. But we have to make sure that all the factors are present. Imean, you just don't run for the sake of running. You have to be there becauseyou actually have to do something, you know. Hindi porke fashionable, dahilmagandang tingnan na meron kang Sen [Senator] before your name. Ang pangitnaman yung tatakbo ako ‘tapos wala kang gagawin kundi nakaupo ka lang diyan andenjoy the fruits of your office. You have to be there to work," pagtatapos niEdu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN