Mickey Ferriols relates Archie Alemania's fake marriage proposal to her on national TV

"Masakit 'yonon my part, sabi ko sa kanya, ‘You could you have told them na huwagnaman ganyan at sabihin mo na, I'll propose to Mickey doon sa time na readykami, hindi dahil maggi-guest kami doon sa show.' Sabi ko, ‘Sana, Babes,ni-reserve mo na para sa akin. Akin 'yon, e, moment ko 'yon.' Sobraakong na-disappoint sa pangyayaring 'yon. Kaya nang nag-propose ulisiya noong June, medyo may pagdududa na ako," relates Mickey Ferriolsabou



Magdadalawang taonna ang bunga ng pagmamahalan nina Mickey Ferriols at Archie Alemania na siBrent Marquez Alemania at bibung-bibo ito na hinuhulaang ‘di maglalaon aypag-aartista din ang patutunguhan nito sa paglaki. Kaya nga sa press visitng Dyosa sa 2nd floor ng ELJ Building ng ABS-CBN, kung saan kinukunan angmga eksena ng nasabing TV show, ay nagkaroon ng pagkakataong makapanayan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Mickey na gumaganap bilang Sinukuan, inangdiyosa ni Anne Curtis na bida ng nasabingfantaserye.

Isa sa mga unang naitanong ay kung kailan sila lalagay sa tahimikng kanyang live-in partner na isang TV host/actor.

"Siguro Junelast year, he told me na, ‘Babe, let's get married na.' Nagyayaya na, e. Kayalang naaalala ko noon na ilang beses itong nag-propose pero biglangnalaman ko na request lang pala ito ng isang programa doon sa isang topicna pag-uusapan.

"Masakit 'yonon my part, sabi ko sa kanya, ‘You could you have told them na huwagnaman ganyan at sabihin mo na, I'll propose to Mickey doon sa time na readykami, hindi dahil maggi-guest kami doon sa show.'"

Ang totoo nito,natulala siya nang mag-propose sa kanya si Archie on TV. Natanong paniya ito kung seryoso ito sa kanyang pinagsasasabina ginatungan pa ng host na seryoso ang pagpo-propose ni Archie.

Nalaman niMickey after a year, ang nasabing eksena sa programa nang pag-usapannila ang tungkol sa kasal. Pinilit lang pala si Archie at nag-sorry namanito sa kanya. Kaya naman daw nito nagawa ito ay dahil iniisip nito angsasabihin ng host at nakaramdam ito ng pressure.

"Sabiko, ‘Sana, Babes, ni-reserve mo na para sa akin. Akin 'yon, e, momentko 'yon.' Sobra akong na-disappoint sa pangyayaring 'yon. Kayanang nag-propose uli siya noong June, medyo may pagdududa naako.

"Sabi niyaseryoso na siya at teary-eyed pa siya nang sabihin na niya 'yon. Teary-eyeddin ako kaya naisip ko na baka totoo na yata ito. Lalo na nang hawakan niya angkamay ko nang mahigpit, kaya sabi ko, ‘Ikaw ang bahala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang plano pala niArchie ay civil muna ang kanilang kasal dahil bukod daw pagpapakasal nila sasimbahan. Balak sana nilang gawin ang church wedding next year but theydecided na sa 2010 na talaga. Magkaganun man, nandoon pa rinang pagdududa sa parte ni Mickey.

May mga pangyayarina once magpakasal na ang isang live-in couple, nagkakaroon ng problemaang relationship. Paano kung mangyari ang ganito kina Mickey at Archie?

"Kami, lampasna kami doon, e. We have passed that line na, pamilya na,e. Hindi na kami nagpapa-cute sa isa't isa. Kumbaga, we've beenthrough the worst and the best of times.

"I do need toget married personally. Pang-sariling seguridad ko ito, for the child andfor me as a person, as a babae."

CHURCH WEDDING. Kung si Mickey ang masusunod, gustonito ang simpleng kasalan na nandoon ang pamilya at kontingkaibigan, basta sa simbahan ito gagawin. Iba naman ang gusto niArchie, gusto nito ng magarbong kasalan kaya kailangang mag-raise sila ngmalaking halaga.

"I believea church wedding is a blessing from God dahil ito ang nagsasabi ng,ito na ang pamilya mo. You will go, altogether, raising the family and Imay not that conservative, when it comes to living together na hindipa kami married, pero ako 'yong tipo ng babae na ‘pag alam ko, na commited akosa isang lalaki ay magugunaw muna ang mundo bago ako magtaksil."

Naniniwala pa basiya na at this point, na kaya kailangan niyang magpakasal ay dahil bakamagkahiwalay pa sila?

"Ayokongmagpakasal dahil naghahabol ako o baka magkahiwalay kami, gusto kong magpakasalkami kasi mahal namin ang bawat isa. For the right reason and not out of fear.

"I do loveArchie. Kaso parang right now, hindi ko alam kung gusto ko pangumabot doon, na makasal kami. 'Yong diferrences namin, I don't knowif it's helping us. Dati, looking forward ako growing old and so sure naI'll grow with him, but ngayon medyo, I'm not the same girl anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And as much asI'd like to be settled down for God to bless our partnership and as much asI've love to have that, parang ang hirap niyang magdesisyon. I don'tknow what to answer. I will tell Archie the next time he will ask me thatquestion unless siguro magkaroon ng pagbabago."

Kinlaro ni Mickey naproblema niya ito personally at hindi dahil kapos si Archie ng sustento dahilsa kakulangan ng project at medyo hirap sila sa buhay.

"Ang problemaay... I guess, it's ugali. If you think, ugali is a little part of arelationship, hindi, e. Hindi siya maliit na bagay. Tatlo na ang anakniya, dalawa sa previous nitong relationship at isa sa akin. Theway I feel, he's not ready to be a family man. Mas appealingpara sa kanya ang tawag ng gimik at barkada. Ako kasi, I'm in my stage ofmy life na graduate na ako diyan, I have a son.

"A beautifulson and that's all that matter to me now. That's why I'm working,e. Kasi siya na, e. Ako, naka-focus na ako sa future, Archie kasiis, in the now."

AGE GAP. Sa tingin ng iba, malaking factor sa problemanila sa kanilang relationship ang age gap nila ni Archie. Sabi naman niMickey, nagkaroon siya ng boyfriend noon na limang taon ang tanda sakanya pero talo pa siya sa pag-iisip nito.

In fairness, inaminnaman nito na mahal pa rin nito si Archie at kung anumang pahayag ang nasabiniya ay pampersonal nitong side ng kanilang relationship. Naisip dinnito na iba rin ang side ni Archie dahil iba ang paraan ngpagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.

"Probably heloves us but not loving us the way we need to be loved. Kaya nga hindi komadi-describe ‘yong totoong estado namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN