Angelica Panganiban hurt by press treatment of her problem with Derek Ramsay in the past

Angelica Panganiban laments: "I must admitnasaktan lang ako, may gulo nang nangyayari sa amin ni Derek, may inaaayoskami, sana hinayaan na lang muna ako, hinayaan muna kaming dalawa. Pero hindi,dinagdagan lang nila yung sakit na nararamdaman ko. Nabasa ko yun sa mga taongmatagal ko nang kasama sa industriya, matagal ko nang pinagkakatiwalaan. ‘Tapossa kaunting isyu lang pala, yun lang pala ang katapat nila. Masakit sa akinyun."



Now that AngelicaPanganiban and Derek Ramsay are visible again in showbiz gatherings and events,obviously, whatever problems and intrigues their relationship encountered before are now part of thepast.

Sa presscon noon ngIisa Pa Lamang ay naging emosyonal si Angelica at inamin nito na mayinaayos silang gusot ni Derek. Taliwasnaman ito sa sinabi ni Derek na wala silang problema ng kasintahan.

Tuloy, kunganu-anong alegasyon ang lumabas; napagbintangan pa nga si Angelica nagumigimik at parte lamang ito ng publicity slant para sa Iisa Pa Lamang.

Sa panayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kay Angelica, sinabing naniniwalasiya na kung anuman ang pinagdaanan nila ni Derek ay lalo lamang nagpatatag atnagpatibay sa relasyon nila.

"I can say nakailangan naming talaga yung moment na yun. Pakiramdam ko, ibinigay yun ni Lordsa amin para maging maayos kaming dalawa," saad ni Angelica.

Sa loob ngmatagal-tagal ding panahon ay pinili nina Angelica and Derek na magsalita natungkol diumano sa kanilang breakup, na sinasabi nilang walang katotohanan. Maynaging sama ba ng loob si Angelica sa press dahil sa nangyari at sa mgaalegasyon na naipukol sa kanya?

"Wala akong karapatang magtampo kasi trabahoninyo ‘yan," sabi niya. "Ang sa akin lang, sana alam lang nila yung limitationsnila kung ano lang ang puwede nilang sabihin. Kasi sa akin, may boundariesdapat, baka natatapakan na nila yung borderline ng friendship saka ng trabaho.Hindi ako mahirap kausapin na tao, mas gusto ko magkakaibigan tayong lahat kesamagkakatrabaho tayo.

"I must admitnasaktan lang ako, may gulo nang nangyayari sa amin ni Derek, may inaaayoskami, sana hinayaan na lang muna ako, hinayaan muna kaming dalawa. Pero hindi,dinagdagan lang nila yung sakit na nararamdaman ko. Nabasa ko yun sa mga taongmatagal ko nang kasama sa industriya, matagal ko nang pinagkakatiwalaan. ‘Tapossa kaunting isyu lang pala, yun lang pala ang katapat nila. Masakit sa akinyun.

"At least ngayon,kilala ko na yung mga taong tunay na nagmamahal sa akin, yung mga taonghanggang sa dulo ay sumusuporta sa amin ni Derek," pahayag ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OVERCOMING FEAR. Sa husay na ipinapakitani Angelica sa teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang, kung saan gumaganap siyabilang si Scarlet, marami ang humahanga na habang tumatagal ay lalo raw humuhusayang acting ng young actress. Inamin ni Angelica na muntik na niyang hinditanggapin ang role sa takot na baka hindi niya magampanan ito.

"Talagang puro kabaat takot ang naramdaman nung in-offer sa akin yung Iisa Pa Lamang," pag-amin niAngelica. "Nagdalawang-isip ako bago ko tanggapin yung project dahil feelingko, hindi pa ako hasa, baka hindi ko maibigay kung ano ang hinihingi sa akin.Hindi yun nakita ng mga tao, pero yun ang takot ko.

"Pero heto na nagingsuccessful naman kaya talagang happy ako. It's very inspiring and every timena may naririnig akong tao na pumupuri talaga sa project namin, talagangnakaka-encourage na pagbutihin pa naming lalo yung trabaho namin.

"Napaka-thankful ko,kasi simula sa director namin hanggang sa mga eksena ko, sinsuportahan nilaako, talagang tinutukan nila ako, sinasabi nila ang mga dapat kong gawin.Natutuwa ako kasi kung ano yung takot ko na gawin yung mga scenes ko, nakikitanila yung effort na pagbutihan ko. Kumbaga, nagpe-pay off lahat ng ginagawa ko.Masaya ako dahil may mga napapasaya akong tao at nagagawa ko yun nang walaakong taong kailangang gamitin o kailangang tapakan para lang marinig ko yungmga salitang yun."

MOM'S RECOVERY. May bali-balita noon na naospital ang ina ni Angelica. Pero tiniyak ni Angelica sa PEP naokey na ang kanyang mommy at matagal na itong nakalabas.

"May nakita na something sa katawan niya na kailangangtanggalin. Naapektuhan yung paghinga niya kasi malapit yun sa heart at may mgaveins na tinatamaan. Three weeks siya sa hospital, pero okey na siya ngayon,naka-recover na siya," pagtatapos ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN