Angelika dela Cruz fearlessly accepts contravida roles

"Siguro naman, hindi nila ibibigay sa akin ang gano'ng mga roleskung hindi ko kakayanin. Noon kasi, tinatanong ko parati sa sarili ko kungbakit mga kontrabida roles ang napupunta sa akin. E, mabait naman akong tao. ThenI came to realize na okey naman pala ang mga ganyang roles. Hindi siya dapatkatakutan ng [sino mang] artista. Mas napapansin pa nga ang mga kontrabida at masnaaalala sila talaga," says Angelika dela Cruz about her bad-girl roles.



Hindi na raw issue para kay Angelika dela Cruz na angibinibigay sa kanyang mga roles ngayon ay parating nakakalaban ng bida. Ilangtelenovela na raw kasi ang nilabasan niya kunsaan kontrabida siya, peronapapansin naman ang kanyang performance. Yun naman daw ang mahalaga.

"Siguro naman, hindi nila ibibigay sa akin ang gano'ng mgaroles kung hindi ko kakayanin," diin ni Angelika.

"Noon kasi, tinatanong ko parati sa sarili ko kung bakit mgakontrabida roles ang napupunta sa akin. E, mabait naman akong tao.

"Then I came to realize na okey naman pala ang mga ganyangroles. Hindi siya dapat katakutan ng [sino mang] artista. Mas napapansin pa nga angmga kontrabida at mas naaalala sila talaga."

AWARD-WINNING. Sa bagong GMA Sine Novela na Una KangNaging Akin, ang role na unang ginampanan ni Dawn Zulueta ang naitoka kayAngelika. Malaking paghamon nga ito sa kanya dahil isangaward-winning role ito for Dawn.

"Actually, lahat ng gawin kong roles sa telenovela ay mgapang-award. Tulad nga nitong sa Una Kang Naging Akin, nanalo si Dawndito ng FAMAS Best Supporting Actress. Yung huling ginawa ko na BabangonAko't Dudurugin Kita, na-nominate naman doon si Ms. Hilda Koronel. ‘Taposyung ginawa ko sa Dos na Bituin Walang Ningning, nagkaroon din ngnominations si Ms. Cherie Gil.

"Kaya siguro nga, ipinagkakatiwala sa akin ang mga roles naganito dahil kaya ko nga. Hindi ko naman sinasabi na pang-award din ang gagawinko. Mapuri lang ako sa makakaya kong performance, masaya na ako."

ORION HAS NO CHOICE. May mga kissing scenes din ngasiya sa naturang sine novela with Wendell Ramos. Wala naman dawproblema sa kanyang boyfriend na si Orion Casareo dahil alam daw nito ang mgaeksena niya.

"Pinapapunta ko nga si Orion sa set namin. Para namanmakilala niya ang mga katrabaho ko. Mahiyain kasi ang taong iyon pero gusto koay maging kaibigan niya ang mga kaibigan ko.

"Ang maganda naman kay Orion, hindi siya tumatanggi. Pupuntasiya ‘tapos may dala pa siyang pagkain for me at sa mga kasama ko sa set.Unti-unti na siyang nakaka-adjust sa buhay ko sa showbiz. Kahit na ayaw niyangmadamay siya sa mga write-ups ko, wala siyang choice dahil mahal niya ako, kayaito ang nagiging kapalit," sabay tawa pa ni Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALBUM ON HOLD. Tungkol naman sa album na dapat aygagawin ni Angelika this year, mukhang on-hold daw muna ang mga plano niya pararito. Hindi nga raw niya matutukan nang husto ang kanyang albumdahil nagkasunud-sunod ang mga trabaho niya sa TV.

"Isa nga ‘yan sa mga plano ko this year, ang maglabasng CD. Everyone knows na ang unang love ko talaga is singing. Singing namantalaga ang gusto kong pasukin noon pero mas nag-concentrate ako sapag-aartista.

"Gusto ko talagang magawa yung CD pero nagkaroon din ngkonting problema. Gusto ko, e, maayos muna lahat iyon bago ko ituloy. Sa totoolang, miss ko na ang mag-recording pero siguro nga ang pag-arte muna angpinapagawa sa akin ng Diyos.

"Once naman na nasimulan ko na ang production ng CD,malalaman n'yo naman. Gusto ko rin naman na bongga ang pagbabalik kosa recording. Malamang na sa 2009 ko na ito masisimulan talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN