Actress Isabel Rivas resumes acting career after five years

"Limang taonakong nawala sa eksena. Marami akong inasikaso.Nag-isip-isip sa maraming bagay, at kapag mayroong problema sa pamilya, palagayko, mahirap ipasok sa sistema ang pag-arte. Hindi ako makadiskarte nang maayoskapag ganyan, kaya umiwas muna ako sa eksena," explains actress Isabel Rivas.


Idinaraing pa ngnagbabalik na aktres na si Isabel Rivas ang konting kirot ng operasyon niyadahil sa ruptured appendix. Tatlong linggo na ang nakararaan, nasa farm nila saZambales si Isabel nang makaramdam siya ng pagkirot ng tiyan. Akala niya noon,simpleng pangangasim lang ng sikmura.

"After twodays, umabot na sa lower area ang pain, so I decided to leave the farmand go to the hospital," kuwento ni Isabel sa panayam sa kanya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kahit Isang Saglit kagabi,September 4, sa 13th floor ng ABS-CBN.

Doon napagtanto ni Isabelna nagnana na ang kanyang appendicitis, and right there and then, inoperahan nasiya.

Nagbabalik si Isabelsa eksena sa pamamagitan ng teleseryeng Kahit Isang Saglit ng ABS-CBNPhilippines at Double Vision Malaysia. Bida rito sina Jericho Rosales at ang Malaysian actress na si Carmen Soo. Kasama rin nila sina Christopher de Leon, Albert Martinez, Cristine Reyes, Malu de Guzman, at Empoy.

"Limang taonakong nawala sa eksena," sabi ni Isabel. "Marami akong inasikaso.Nag-isip-isip sa maraming bagay, at kapag mayroong problema sa pamilya, palagayko, mahirap ipasok sa sistema ang pag-arte. Hindi ako makadiskarte nang maayoskapag ganyan, kaya umiwas muna ako sa eksena."

Inamin ni Isabel nawala siya sa mood noon. Ang huling teleseryeng nilabasan ng aktres ay angRecuerdo de Amor noong 2001 sa ABS-CBN din. Nakasama niya rito sina DietherOcampo at Carmina Villarroel.

Ang ilan sa mga pelikulang nilabasan niya ay Burgis (1981), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Ang Bukas ay Akin (1989), Barumbado (1990), Alyas Baby Face (1990), at Dahil Mahal na Mahal Kita (1998).

Kuwento niya, "Nagkaproblemaako sa huling relasyong napasukan ko. It was 2005 when I decided to leave thatman who gave me an ultimatum to choose between him and my family. Nasa Amerikana ako that time, pero nakita ko ang ugali ng lalaking yun na huwag na natingbanggitin ang pangalan. Sinabi niya sa akin na huwag na akong bumalik saPilipinas at baka madamay pa ako sa gulong nasangkutan ng brother ko [DennisRoldan].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Right thereand then, na-realize ko, the guy was not really good for me. Sa halip nasuportahan niya ako dahil alam niyang mahirap sa aking talikuran ang family ko,pinamimili pa niya ako. Obviously, pamilya ang pinili ko."

Ito ang dahilan kungbakit naririto siya sa Pilipinas. Her brother is out on bail sa kasongkidnapping na nagsangkot dito.

"I'm not supposedto talk about him, kasi may kaso pa rin, e," sabi ni Isabel. "I'mjust here for him, anytime. Dumarating lang ang ganitong mga pagsubok paraipa-realize sa atin kung anu-ano na ba ang talagang importante sa atin. At doonko naisip na walang maipapalit sa family, at kasama na rin diyan ang mgatotoong kaibigan."

Ang alam namin,maraming interesadong kunin ang serbisyo ni Dennis para sa mabibigat na roles,pero si Isabel na ang nagsabi sa amin na malamang tanggihan ito ng kapatidniya.

"He's not keenon showbiz assignments at this point," sabi niya. "Hindi ko langalam, pero sa nakikita ko kay Dennis, iba na ang calling niya. May mga bagay parin siya na kailangan niyang ayusin at unahin."

Hindi rin lingid sa PEP ang close ties nila ni Lorna Tolentino bilang magkaibigan.

"I just toldher, kung hindi pa siya ready to work, huwag na muna," banggit ni Isabel."Pero ang alam ko, tinanggap na niya ang offer ng ABS-CBN. Yun nga lang,people really have to wait for her. Understandable yun dahil very painful angpinagdaanan ni LT."

Patuloy niya, "Hindina siya matutuloy sa Pieta, and I understand, si Amy [Austria] na ang pumalitsa kanya. Yun ang latest na narinig ko."

Naroroon lang siIsabel para sa kaibigan niya kahit nga noong nabubuhay pa si Rudy Fernandez.

"Naglalagi sila noon sa farm saZambales," kuwento ni Isabel. "Two weeks ago, nang bumalik ako doon, nandoonsiya with her family. Kailangan niyang mag-heal. Ako nga, five years na nawaladahil sa mga dumating na problema sa personal at family life ko. Si LT pa kayana for the past two years, nag-alaga talaga ng asawang nagkasakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas magaan panga siguro na ikaw yung inalagaan kesa yung ikaw ang nag-aalaga ng may sakit namahal talaga sa 'yo. Gaya nga sa ganitong pagkakataon, gaya sa nangyari saakin, nare-realize din ni LT kung ano na talaga ang mas importante sa kanya.

"Let's just give her time na harapin munaang mga dapat harapin, at kung settled na siya, I think she will go back toacting. Hindi naman niya tuluyang tatalikuran ang business na ito,"pagwawakas ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN