PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JC de Vera plays a macho dancer in one episode of "Obra"

JC comments on the conflict between his manager Annabelle Rama and GMA-7 executive Wilma Galvante.
by Nitz Miralles
Published Sep 6, 2008
"Kinabahan ako, sobrang nanginig ako at hindi alam ang mangyayari. Abangan n'yo na lang at kayo na ang mag-judge sa performance ko. Stepping stone ko ito for more mature roles at hindi naman ako forever bata. I'm 22 years old na rin and ripe na for more mature and daring roles," says JC de Vera about his role as a macho dance in one of the episodes of Obra.

Pinalakpakan ng entertainment press ang trailer ng "Pretty Boy" episode ng Obra, na magtatampok sa young actor na si JC de Vera sa buong buwan ng Setyembre. Sa naturang episode kasi ay ginagampanan ni JC ang papel ng isang macho dancer, at sa naturang trailer ay ipinakita ang eksenang nag-macho dancing si JC. Lutang na lutang ang magandang pangangatawan ng young actor, na unang tinilian nang rumampa siya sa Blackout: Bench Denim & Underwear Fashion Show.

Pati ang manager ni JC na si Annabelle Rama ay natuwa sa napanood na galing ni JC. Sa harap ng press, in-announce ni Annabelle na si JC ang "the next Richard Gutierrez."

Idea raw ni JC ang macho-dancer role. He suggested it to the production staff at dahil first time at maganda, sinunod ang kanyang suggestion.

"Gusto kong maging versatile, hindi dahil gusto kong magpa-sexy o mayabang ako dahil maganda ang katawan ko. Sabi sa akin, I can suggest kung anong role ang gusto ko at ito ang naisip ko. I am happy sa naging resulta," wika ni JC sa presscon ng Obra kagabi, September 5, sa Imperial Palace Suites.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento rin ni JC sa PEP na bago kunan ang eksena, bago siya naghubad as he calls it, mahaba munang discussion with his manager ang nangyari. Ang fear ni Annabelle, baka mawala ang wholesome image niya. Hindi niya alam kung paano ito napapayag, basta pinag-report na lang siya sa taping.

Kasama si JC ng entertainment press sa nanood ng trailer ng "Pretty Boy." Sa simula'y nagtago ito sa likod ng direktor ng naturang episode na si Jun Lana, pero nang magpalakpakan ang press, nakahinga ito nang maluwag at nakangiti.

Ano ang feeling niya pagkatapos niyang gawin ang macho-dancing scene?

"Kinabahan ako, sobrang nanginig ako at hindi alam ang mangyayari," sabi ni JC. "Abangan n'yo na lang at kayo na ang mag-judge sa performance ko. Stepping stone ko ito for more mature roles at hindi naman ako forever bata. I'm 22 years old na rin and ripe na for more mature and daring roles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw kumain si JC ng isang araw bilang preparasyon sa taping ng "Pretty Boy." Pangit nga naman kung maghuhubad siyang malaki ang tiyan.

"Bago kami nag-taping, ibinigay na sa akin ang treatment ng story. Binasa ko sa bahay at masasabi kong well-prepared ako. Tinanong ko ang staff kung nag-hire sila ng macho dancer to help me. Kumuha sila ng eight dancers at pinasayaw ko sila and from there, kumuha ako ng steps, kinopya ko ang routine nila. May acting coach din ako para mabantayan ako scene after scene," kuwento ni JC.

Lalo pang natuwa si JC sa positive feedback ng kanyang mga directors sa napanood na ginawa niya sa nabanggit na episode. Bukad kay Jun Lana, ididirek din si JC nina Mac Alejandre at Maryo J. de los Reyes sa ibang episodes.

Juna Lana: "I was surprised dahil alam kong kabado siya. Wala akong ginawa dahil gusto ko lumabas ang nerbiyos niya. Abangan n'yo ang transformation niya. Nagulat ako sa drama scene niya, kuhang-kuha niya. Believable siya sa dramatic scene niya at guwapo pa rin kahit umiiyak."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mac Alejandre: "Four years ago, he auditioned for Click. Four years since, ang nakita natin hindi lang ang pag-develop niya na magaling na actor, napatunayan din niyang isa siya sa magaling na artista sa kanyang henerasyon. Ang Obra ay patunay na naniniwala ang network sa kanya at may ibubuga siya. Masaya ako na kasama ako sa pag-unlad ng kanyang craft."

Maryo J. de los Reyes: "Naobserbahan ko sa Dear Friend na may wide range siya sa performance and I feel marami pa siyang ibubuga. I look forward to directing him. He's one of the best and he shows a lot of promise."

IN THE MIDDLE OF CONFLICT. Samantala, hindi maiwasang mabanggit ang isyu sa manager ni JC na si Annabelle at kay Ms. Wilma Galvante, SVP for TV Entertainment ng GMA Network, na siyang may hawak ng Obra. Hindi ba naapektuhan ang kanyang career sa isyu ng dalawa?

"I hope not at tuloy pa rin naman ang project ko sa kanila. Hanggang April 2009 pa ang kontrata ko sa GMA-7. Bukod sa Obra, gagawin ko ang La Lola with Rhian Ramos," saad ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kung after his contract expires, i-pullout siya ni Annabelle at ilipat sa ABS-CBN?

"Kaya lahat ng project na ibinibigay sa akin ay ginagalingan ko. Serious ako sa craft ko lalo na sa mga ganyang sitwasyon, para at least may dating. ‘Pag pinullout ako dahil sa nangyari, sana salbahin ako ng network," sagot ng young actor.

Hindi ba siya natakot noong mainit pa ang isyu sa manager at kay Ms. Wilma?

"Siyempre natakot din. Sa GMA ako nag-start, nag-grow at nakilala. Mahirap lumipat nang ganun na lamang. Sobrang respetado ko si Tita Annabelle at never akong kumontra sa kanya. Alam kong may sarili siyang plano for me, pero sana maayos na ang lahat," asam ni JC.

Busy ang calendar ni JC ngayon dahil lagare siya sa taping ng Obra at shooting ng "Emergency"episode ng Shake, Rattle & Roll X. Magiging busy lalo siya ‘pag nag-taping na sila ng La Lola. Ayaw magreklamo ni JC dahil trabaho naman daw talaga ang hanap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kinabahan ako, sobrang nanginig ako at hindi alam ang mangyayari. Abangan n'yo na lang at kayo na ang mag-judge sa performance ko. Stepping stone ko ito for more mature roles at hindi naman ako forever bata. I'm 22 years old na rin and ripe na for more mature and daring roles," says JC de Vera about his role as a macho dance in one of the episodes of Obra.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results