Katrina Halili answers new issues on arriving from the U.S.

"Hindi ko po talaga alam kung saan nanggagaling ‘yan. Siguronapapansin po nila, kasi noong bago po ako umalis, three weeks po ako na walangtulog. Dire-diretso po yung Magdusa Ka, Obra, ‘tapos nag-shoot pa ako ng Sundokasi kailangan ko pong umalis," explains Katrina Halili about reports that she has developed an attitude because of her success now.



Bumalik na sa Pilipinas ang young sexy actress na si KatrinaHalili after almost three weeks of stay in the United States. Kasama niya sinaJonalyn Viray at Kris Lawrence para sa series of shows kaugnay ng promotion ngGMA Pinoy TV sa California.

Pero ngayong nasa bansa na, trabaho pa rin ang aatupagin niKatrina. Magsisimula na siyang mag-taping ng Gagambino kasama si Dennis Trilloat magre-resume na rin siya ng shooting para sa Sundo with Robin Padilla. Abala rinsi Katrina ngayon para sa promo ng isang men's magazine, kung saan siyaang nasa cover.

Ngunit sa kabila ng trabaho, sari-saring intriga pa rin angkinakaharap ngayon ni Katrina. Live na humarap ang sexy Kapuso star sa Startalkkahapon, September 6, at nakapanayam siya nina Butch Francisco at Lolit Solis.

Itinanggi ni Katrina ang isyung yumayabang na raw siya dahilsa natatamong tagumpay. Aniya, "Unang-una, kung yumabang na po ako, nangdumating ako, wala nga po akong escort sa airport. Wala rin akong sundo.Nagpahatid pa ko sa crew ng Startalk. Kaya sabi ko nga po, ‘Thank you po ha,nandito kayo.' ‘Tapos, naka-economy class pa ko, di ba?"

Ayon kay Lolit, baka raw may mga naiinggit lang kay Katrinakay may isyung yumayabang na siya. Tanong naman ni Butch, kung nagbago ba angpakikitungo niya sa mga tao.

"Hindi ko po talaga alam kung saan nanggagaling ‘yan. Siguronapapansin po nila, kasi noong bago po ako umalis, three weeks po ako na walangtulog. Dire-diretso po yung Magdusa Ka, Obra, ‘tapos nag-shoot pa ako ng Sundokasi kailangan ko pong umalis.

"Siguro, hindi na ako masyadong nakakapag-smile. Siguro po,yun lang, pero hindi naman, hindi naman nagbago," diinniya.

CASTING ISSUE. Is it true na pinapalitan daw niya ang lahat ng co-starsniya sa One Night Only ng OctoArts Films?

"Ay, hindi po ako ang nagpapalit!" tanggi niya. "Pero alamko po, inaayos po nila. Kararating ko lang po kasi kaya wala pa po akong alam.Sila Boss Orly Ilacad po ang nag-aayos. Hindi ko pa po sila nakakausap ulit.Pero matutuloy po, One Night Only."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang naturang isyu sa casting ng One Night Only ay nagsimulanang balitang ipina-pullout ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN—ang lahatng contract artists nila sa pelikula. Ayon sa mga report na lumabas, ayaw rawng Star Magic na magmukhang suporta ang mga artista nila gaya nina AngelicaPanganiban, Roxanne Guinoo, at Diether Ocampo kay Katrina, na talent ng GMA-7.

SEXY PICTORIAL. Tinanong naman ni Lolit si Katrina kung bakit pumayag angyoung sexy actress na magpa-pictorial sa Maxim, to think na kalaban ito ng FHM,kung saan hinirang siya bilang Sexiest Woman ng dalawang beses. Ito ba ay dahilsumama ang loob niya dahil hindi siya ang napiling sexiest Pinay sa FHM thisyear kaya nagpaka-daring naman siya sa kalabang magazine nito?

"Hindi po, hindi naman talagaa ko sa FHM," paglilinaw niKatrina. "Sabi ko nga po sa Maxim, 'Bakit ngayon n'yo lang ako kinober e, angtagal-tagal na?'"

Pero pinaalala ni Butch kay Katrina na iba ang naging sagotniya sa tanong during her VTR. Natawa si Katrina rito at sabay sabi na lang na,"Open naman po ako sa kahit saan magazine na mai-cover, so sana i-cover n'yo naako."

Pero bakit mas daring ang cover shoot niya ngayon?

"E, siyempre, ganoon naman pong talaga. Siyempre, masnatututo na ako ngayon. Kasi, di ba, palagi naman akong nagpi-pictorial? Perowala naman akong ipinapakitang private parts ko. Pero palagi naman akongpaseksi nang paseksi. Ang baduy naman kung nakadamit ako, di ba?" paliwanagniya.

MARVIN & DENNIS. Tungkol naman sa kanyang love life, totoo bang nanliligaw sakanya si Marvin Agustin?

Mabilis na "hindi po" ang sagot ni Katrina. Pero hiniritansiya ni Lolit na bakit parang nandidiri raw siya.

"Nay, hindi po...kaibigan ko po yun!" natatawang sagot niKatrina.

What about Dennis Trillo?

"Kaibigan ko rin po si Dennis."

Tinanong naman ni Lolit si Katrina na kung siya si CristineReyes at nakipag-break sa kanya si Dennis dahil sa rason na career move, anoang magiging reaction niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, maiintindihan ko naman po yun. At saka, bata pa rinnaman ako. So, career din muna. Bata pa ko, marami pang boys!" natatawa niyangsagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN