Judy Ann Santos inspired to produce more movies after Oscar recognition for "Ploning"

"May pina-project na kami, mas iba lang. Gusto kokasi, iba-iba rin ang tema ng pelikulang pinu-produce para hindi lang isipin ngmga tao na porke sa drama ako nakilala ay puro drama na lang ang gagawin ko.So, para mabigyan din ng trabaho ang ibang taong nangangailangan ng trabaho," says Judy Ann Santos about producing more movies.



Finally, tapos na tapos na ang pelikula ni Judy Ann Santossa Regal Entertainment, ang Mag-Ingat Ka Sa...Kulam na reunion movie nila niDennis Trillo after Aishite Imasu 1941: Mahal Kita at initial 48th anniversary presentation ng Regal. Comeback movie rin ito ni Juday saRegaln.

Natawa na lang si Juday nang biruin siya na may pelikula rawpala siyang natapos kahit ang panay na nababalitaan sa kanya ay ang pagbibiyaheniya sa abroad sa taong ito.

"Tapos na tapos na!" tawa niya. "Nagda-dubbing na lang akongayon. Si Dennis naman, tapos na tapos nang mag-dubbing. So more or less,isang taon namin siyang ginawa. E, kasi, meron din kaming conflict sa schedule.Hindi rin mag-swak ang schedule namin ni Dennis noong mga panahong ginagawanamin ito.

"Actually, nagpapasalamat ako sa patience ni Mother Lily[Monteverde] at Direk Jun [Lana] sa schedules namin ni Dennis. Akala konga mase-shelve na ang project na ito sa tagal naming ginawa. Ang tagal namingnatengga. Pero ang daming naganap and, finally, maipapalabas na siya," saad niJuday sa presscon ng Kulam kagabi, September 6, sa Imperial Palace Suites.

May pressure din daw sa part niya, lalo pa nga't 48thanniversary offering ng Regal ang pelikula ni Dennis.

"Pressure talaga, pero ako, I'm hoping for the best na sanasuportahan ng mga tao. Kasi, huli nga akong lumabas ng horror sa pelikula, yungako ang nananakot, sa Regal din, e. Yung Regal Shockers, e, bata pa langako nun! So, ngayon lang ulit. Ngayon lang ulit nila kong makikitangmananakot," sabi ni Juday.

Naniniwala raw ang aktres na meron talagang kulam.

"Naniniwala talaga ako. Kayo ba hindi? E, kasi, biblicalyun. At saka sa mga provinces, nang mag-shoot kami ng Ploning sa Cuyo, angdaming ganoon. Ang daming kuwentong nagaganap na ganoon. Hindi lang sa Cuyo,actually. Sa lahat ng mga probinsiyang tago, may ganoon talaga. Hindi na yatatalaga mawawala yun. Kanya-kanyang faith naman yun. It's just that, iba-ibalang," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PLONING AS ENTRY TO OSCARS. Speaking of Ploning, masaya si Juday sa recognition nanatanggap ng iprinodyus niyang pelikula bilang official entry ng Pilipinas sabest foreign language film category ng Oscar Awards next year.

Aniya, "Sa ngayon, nila-lobby namin ang Ploning. Hopefully,I can get a chance to get a free sked and by the end of October, I'll be goingto L.A. [Los Angeles] to screen the Ploning movie and by that time,makikipag-meeting din kami. Ako, si Ga [Direk Dante Garcia] at saka si BethTamayo, makikipag-meeting din kami sa mga tao na puwede naming makausap to helpus na i-lobby yung pelikula talaga."

Ibang level na nga raw na masasabing nakapasok sa Oscar angPloning.

"Oo naman!" pagsang-ayon niya. "Greatest ano na yun ngpagiging masaya ko talaga. Ibang klaseng blessing din naman ang naibigay saakin ng Panginoon ngayon. Sabi ko nga, yung mapili ka lang, pasok na,e. Pero yung masali ka sa 18 at sa five finalists sa Oscar, ano na yun,pangarap na bituin na talaga!"

Paano nga ba napili ang Ploning?

"May lima po na pinagpilian dito sa Pilipinas and then, itjust happened that two, three weeks ago, at nalaman lang namin last week nakami nga ang napili." The other films considered were Caregiver, Tribu, and Endo.

Dahil sa mga pangyayari, hindi itinanggi ni Juday naposibleng masundan ang pagiging film producer niya.

"Oo naman! May pina-project na kami, mas iba lang. Gusto kokasi, iba-iba rin ang tema ng pelikulang pinu-produce para hindi lang isipin ngmga tao na porke sa drama ako nakilala ay puro drama na lang ang gagawin ko.So, para mabigyan din ng trabaho ang ibang taong nangangailangan ng trabaho."

Pero pinag-uusapan pa rin daw nila kung siya pa rin ba angmagiging bida.

"Pinag-uusapan pa namin. Baka naman kasi isipin ng mga taona kapag nagpo-produce, gusto siya lang ang bida! Ang selfish!" tawa ni Juday

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SWITCHING CHANNELS. Napag-usapan din ang tungkol sa napabalitang paglipat niyang network. Ano ba talaga ang totoo rito?

"Well, kung anuman ang mangyari, wala namang imposible samundong ito, di ba?" sagot niya. "Hangga't may kontrata, hangga't wala angkontrata, maraming posibilidad ang puwedeng mangyari."

TAX-EVASION CASE. Kinamusta rin kay Juday ang kaso naman niya sa Bureau ofInternal Revenue (BIR), kung saan sa huling kaganapan ay ibinasura ng SupremeCourt ang apela ng aktres na idismiss ang kaso niyang tax evasion.

"Okey naman siya!" natatawa na lang niyang sabi. "Well,‘ayun, nasa BIR pa rin siya."

Paano nga ba niya hinaharap ang kaso sa BIR?

"Ipinagdarasal ko na lang. Ayoko namang sabihin na hindi kosineseryoso yun. Siyempre, hindi ko naman puwedeng hindi seryosohin yun.Pero siyempre, may mga oras na kapag masyado mong dinibdib ang mga bagay nayun, ikaloloka mo nang bonggang-bongga!

"So ako, idinadaan ko na lang siya sa dasal. Idinadaan ko nalang talaga sa tawa. Na sana, maayos na. Na kung ano't anuman po ang mangyari,handa naman ako na harapin at handa rin naman akong humarap sa kanila kung anoyung mga bagay na gusto nilang malaman dahil wala naman akong itatago."

Hindi na ba niya iniyakan nang lumabas ang nakaraangdesisyon ng korte?

"Hindi na, maybe because I was already expecting for theworst. Siguro yun din ang tamang attitude na ibigay, especially kapag may mgaganitong kaso na concerning yung gobyerno, you expect for the worst. Kasi,puwede silang magbato ng mga isyu na hindi mo ine-expect na darating, e.Puwedeng dumating siya sa pinakamasayang pagkakataon ng araw mo. Babatukan kana, ‘Uy, hindi puwede! Hindi ka puwedeng maging masaya today!'"

MISSING RYAN. Ilang linggo nang wala sa bansa ang boyfriend niyang si RyanAgoncillo dahilnasa Argentina ito ngayon para sa taping ng programa nito sa ABS-CBN, ang Pinoy Fear Factor. Pero ano naman ang naging suporta ni Ryan kay Juday ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano naman, tinanong lang niya ako kung kumusta na ako.Actually, hindi naman niya tinanong ang kaso, tinanong lang niya kung kumustana ako," sabi ng aktres.

This Friday, September 12, ay pauwi na raw si Ryan sa bansa.May nakahanda na ba siyang pang-welcome rito?

"Ngiti ko lang at saka hug!" tawa niya.

May bilin ba siyang pasalubong dito?

"Wala naman siyang mabibili run. Every day talaga ang trabahoniya. Kaya ang bilin ko lang, umuwi lang siya ng buo at saka safe."

Since they announced their engagement, marami na angnag-i-speculate na next year, 2009, na talaga ang magiging kasalannila. May plano na ba sila?

"Wala pa po...wala pa talaga. Sa totoo lang, hindi sanagtatago, hindi pa kami nagkakausap. Unang-una, wala rito si Ryan. Pangalawa,ang daming issues na dapat alamin at ayusin. Pangatlo, ano na muna, steady nalang muna kami sa pagiging ganito. Siguro naman kung mangyayari next year,malalaman at malalaman n'yo rin," pagtatapos ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN