New TV shows shake up primetime programming



Dalawa ang shows na nagtapos noong Biyernes, September 5, sa Primetime Bidablock ng ABS-CBN—ang The Singing Bee ni Cesar Montano at ang local version ngMy Girl nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Isang local soap lang muna angmagpa-pilot bukas, September 8, ang local version ng I Love Betty La Fea ninaBea Alonzo, John Lloyd Cruz, Vhong Navarro, at Ruffa Gutierrez ang papasok saPrimetime Bida dahil pre-empted sa Martes, September 9, ang pasok ng bagong Koreanovelang ABS-CBN, ang Three Dads With One Mommy.

Sa pagbabago ng lineup ng Primetime Bida ng ABS-CBN, magbabago rin at masmagiging interesting ang tapatang mangyayari simula bukas ng gabi.

Aangat ang Dyosa ni Anne Curtis bilang unang soap ng Kapamilya networkpagkatapos ng TV Patrol World. Makakatapat ng Dyosa ni Anne ang Codename: Aserong ex-boyfriend niyang si Richard Gutiererz. Kung ang boyfriend ni Anne na siSam Milby ang makakasamang makipagtunggali ng dalaga sa kanyang ex-boyfriend,isang dati namang Kapamilya na ngayo'y Kapuso nang si Heart Evangelista angmakakatulong ni Richard para sa Asero.

Dalawang Betty naman ang makakalaban ni Dyesebel simula bukas. Susunod saDyosa ang magbubukas na I Love Betty La Fea. Sa Dyesebel, Betty rin ang pangalanng pinakakontrabida ni Marian Rivera sa lupa na ginagampanan ni Bianca King.

Counter-programming ang ginawa ng ABS-CBN na imbes na fantasy rin angipantapat sa No. 1 primetime soap ngayon na Dyesebel ay isang comedy ang bagonghahamon.

Patuloy naman ang labanan ng comedy ni Regine Velasquez sa Ako Si KimSamsoon at drama ni Claudine Barretto sa Iisa Pa Lamang.

Sa susunod na linggo, tig-isang bagong shows din mula sa GMA-7 at ABS-CBNang papasok sa primetime lineups ng dalawang station at tiyak na magbabago nanaman ang scheduling.

Magpa-pilot na ang Survivor Philippines ni Paolo Bediones sa GMA-7 at KahitIsang Saglit nina Jericho Rosales at Malaysian actress Carmen Soo sa ABS-CBN.Malamang na ipagitna ang Survivor Philippines sa Ako Si Kim Samsoon at MyHusband's Woman, at baka itaas na ang Iisa Pa Lamang ni Claudine para mauna angKahit Isang Saglit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Mas maganda nga lang sana kung uunahin ng ABS-CBN ang Kahit Isang Saglitsa Primetime Bida lineup para magtapat naman ang isa pang ex-couple na sinaEcho at Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN