Queenie and Kylie Padilla talk with entertinment press on their own

Robin Padilla with his four children with wife Liezel Sycangco: (clockwise) Queenie, Kylie, Allih, and Zhenzhen. Queenie and Kylie reveal some details about their father.



Robin Padilla is not the strict father everyone seems to believe.

Masarap kausap ang dalawang pinakamatandang anak nina Robin at LiezlPadilla na sina Queenie at Kylie Padilla. Nasa Pilipinas sila ngayon at mananatilirito dahil pinayagan na silang sumunod sa yapak ng kanilang ama sa showbiz.

Home schooling muna ang dalawang dalaga ngunit balak din nilang magpatuloysa isang regular na school kapag naayos na ang mga schedule nila.

Nang unang ipinakilala si Kylie sa Joaquin Bordado, hindi pinayagan niRobin na ma-interview ang anak sa press dahil ang rason niya noon, baka rawmagkapilipit-pilipit ang dila ni Kylie dahil sa Australian twang nito. SaAustralia lumaki ang apat na anak ni Robin at nandoon pa rin kasama ni Liezlang dalawa, sina Zhenzhen at Allih, at nagpapatuloy ng paga-aral nila. Dahildito, nagkaroon ng impression ang press na napaka-istrikto ni Robin sa mga anakniya.

Binura ito mismo nina Queenie at Kylie sa lunch na ibinigay ni Robin sailang press people, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) noongisang linggo sa may Roces Avenue.

Ang una ngang paliwanag ni Queenie, hindi na talaga sumama ang kanilangdaddy dahil para malaya raw silang makasagot sa mga tanong ng mga manunulat sa kanila.Sa personal na buhay nila, hindi sila pinapagalitan ni Robin, kundi kinakausaplang daw sila.

"He just talks to us," sabi ni Queenie na kahit marunong nang mag-Tagalogay may accent pa rin. "Sinasabi niya na mali ito, ito ang dapat gawin. He nevershouts, he never yells at us."

Dagdag naman ni Kylie, hindi niya natatandaang nasigawan sila ng ama onapagbuhatan ng kamay.

Sa pera at savings, tinuturuan ni Robin ang mga anak nila na mag-ipon athuwag basta gumagasta. Ang mga gamit nila, kailangang pag-ipunan nila o kaya'ykailangang hintayin dahil hindi ito agad ibibigay sa kanila.

May savings account na raw si Kylie mula sa naging suweldo niya noon saJoaquin Bordado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He doesn't want me to spend this money, save lang nang save daw," sabi niKylie.

Si Kylie na mismo ang nagbabawas sa savings niya kapag ang favorite hobbyna niya ang pinag-uusapan—shopping. "Pero konti lang, mayroon naman kamingallowance. Ito na lang ang iinipon namin kung may gusto kaming bilhin,"paliwanag ng dalaga.

May three thousand pesos a week allowance ang bawa't isa o 500 pesos kadaaraw.

Kung malakihan naman, hinihintay naman nila na iregalo ito ng kanilang ama,pero kakausapin din muna sila.

Sa ngayon, gustong-gustong bumili ni Kylie ng kanyang sariling laptop, anghigh-end ng Apple na Mac Air. Kung tutuusin, kaya nang bilhin ni Kylie ang MacAir, pero sinabihan niya ni Robin na maghintay.

"Sabi niya sa akin, ‘Kailangang-kailangan mo na ba ito ngayon?' Kung hindiraw, maghintay na lang ako. I know he will give it to me on my birthday," sabini Kylie.

Magsi-sixteen si Kylie next year, January 25.

Sa panliligaw naman, isa lang ang request ni Robin sa kanila—magpaligawraw sila kapag 18 na. Mabuti na lang, wala pa sa interest nina Queenie at Kylieang ligawan at pag-ibig kaya hindi sila nagmamadali. Mga Hollywood actors angcrushes nila at wala silang mabanggit na local stars.

Nang matsismis si Kylie na nililigawan raw siya ni Mark Herras sa JoaquinBordado, natawa lang daw si Robin at si Kylie pa ang na-trauma.

"Hindi naman totoo yun, may respeto si Mark sa daddy ko. Ako, kapag hinditake, kasama lang ng daddy ko. Na-trauma ako. Si Daddy pa ang nagsabi sa akinna huwag na lang pansinin dahil alam naman niyang hindi ito totoo," lahad niKylie.

Pinapabayaan din sila ni Robin sa mga gusto nila. Dahil sportsman si Robin,natural na nahilig sina Queenie at Kylie sa sports. Ngunit ayon na rin sapersonal description ni Kylie, girlie siya kung kaya't gustong gusto niyangnagsa-shopping. Sinasamahan lang daw sila ni Robin sa mga malls—‘tulad ngTriNoMa, Greenhills, at Rockwell—ngunit hindi sila pinagbabawalan ni Robin kungano ang gusto nilang bilhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Impatient si Daddy kapag nagsa-shopping na kami kaya iniiwanan niya nalang kami," kuwento ni Queenie.

Iisa ang pinakamahalagang payong naibigay ni Robin para kina Queenie atKylie: "Basta magtiwala kami sa Kanya at tutulong sa mga taong mas mahirap saamin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN