Polo Ravales plays 'ultimate gay role' in "Walang Kawala"

After playing one of Cherry Pie Picache's gay sons in Manay Po, Polo Ravales takes on another gay role in Walang Kawala. This time, Polo will have kissing and love scenes with his co-star in the movie, Joseph Bitangcol.



Hindi na rin pala nakatanggi si Polo Ravales na gumanap ulit ng gay role nang ialok sa kanya ang Walang Kawala, kung saan makakasama niyasi Joseph Bitangcol. Matatandaang unang gumanap ng gay role si Polo sapelikulang Manay Po ng Regal Entertainment, na nagkaroon pa ng sequel.

Ayon kay Polo, "ultimate gay role" ang gagawin niya saWalang Kawala dahil hindi lang kissing scene meron siya kasama si Joseph kundimay mga maiinit na love scenes pa sila. Kaya kinukondisyon na nina Polo atJoseph ang kanilang mga sarili dahil mapapalaban daw talaga sila sa pelikulangito.

"May tiwala ako kay Direk Joel [Lamangan]," sabi ni Polo saPEP (Philippine Entertainment Portal). "Siya ang hahawak ng movie at ilang besesko na siyang nakatrabaho. Kaya noong malaman ko na siya ang magdidirek, walang problemasa akin. Matsa-challenge ako ulit sa kanya. Kaya sige, gawin na namin para maibanaman.

"Tungkol naman sa mga gagawin naming eksena ni Joseph,nagkausap naman na kami about that. Close naman kami ni Joseph, e. Magkasamakami sa mga shows ng Boyz.Com kaya more or less, wala akong problema with him.

"Game naman si Joseph kasi nga alam niyang maganda angmagiging role namin sa movie. Who knows at baka magka-award pa ang isa sa aminwith this movie. Kaya gagawin na lang namin ang anumang i-require na acting saproject."

Mala-Brokeback Mountain nina Heath Ledger at Jake Gyllenhaaldaw ang dating ng Walang Kawala, pero isinulat ito na babagay sa local settingnatin. Makakasama rin nina Polo at Joseph sa movie sila Jean Garcia at EmilioGarcia.

Si Enrique Ramos ang nagsulat ng script ng Walang Kawala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN