Kian Kazemi admits "love-hate relationship" with fellow PBB ex-housemate Uma Khouny

"Yung sa amin, parang love-hate relationship, e. Minsan okey, minsan hindi. Perokapag hindi kami okey, hindi kami nagpapansinan niyan. Mainit talaga yung set," says Kian Kazemi about Trip Na Trip co-host Uma Khouny.



Kinumpirma mismo ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2ex-housemate na si Kian Kazemi na totoo ang lumabas na isyu ng tampuhan atpikunan nila ng PBB Season 1 ex-housemate naman na si Uma Khouny sa set ngABS-CBN travel show na Trip na Trip, kung saan kasama rin nila sina Katkat deCastro at ang dalawang dating PBB housemates din ni Kuya na sina Jayson Gainzaat Franzen Fajardo.

"Actually, minsan yung biruan namin ni Uma, biruan lang.Pero minsan hindi mo maiwasan na yung biruan nagiging seryoso na. Minsannagkakapikunan kami. Kasi pareho kaming vocal at prangka, e. Ako sasabihin kokung ano yung ayoko, e. At siya ganun din.

"Pero we learn from each other's mistakes and strong points.Yung sa amin, parang love-hate relationship, e. Minsan okey, minsan hindi. Perokapag hindi kami okey, hindi kami nagpapansinan niyan. Mainit talaga yung set.Si Katkat talaga yung pumapagitna sa amin. Minsan yung away naminnagkakatotoo," pag-amin ni Kian sa panayam sa kanya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Kumusta naman sila ni Uma ngayon?

"Ngayon, okey naman kami. Nagbabakasyon nga siya sa Israel.Hindi namin siya makakasama sa Trip for a month."

So, enjoy siya ngayon na wala si Uma?

"Hindi naman!" tawa niya. "Kasi alam mo kapag okey kami,magkasama kaming gumigimik sa labas and a few drinks. Pero kapag hindi nga kamiokey, walang pansinan, cold talaga kami sa isa't isa. Pero maganda rin yunkasi, di ba, yung tunay na pagkakaibigan dumadaan sa mga tests para talagangmagtagal? Siguro this is just a test of our friendship."

Hindi ba sila nagkakasapawan during taping?

"Hindi naman kasi may kanya-kanya naman kaming segments."

Wala ba silang insecurities sa isa't isa?

"Wala naman," sagot niya. "Hindi naman dapat magkaroon. Akokasi yung bago, sila yung original. So, nagpapasalamat nga ako na napasama akosa kanila. Kasi saan ka makakahanap nang binabayaran ka as host para pasyalanyung magagandang lugar sa Pilipinas. Pakakainin ka na, libre pa eroplano,lahat. And you'll gain friends along the way. So, grateful talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN